Binuksan ni Devon ang freezer. Hindi ganun kadaling i-defroze ang karne o isda. Hindi rin ganun kadali magluto. Tinignan nya ulit. May nakita syang hotdog pero wala namang rice na luto. May mga mga delata ng corned beef, spam, at tuna pero wala namang loaf bread para gumawa na lang sana sya ng sandwich. NAkita nyang may mansanas at ubas, inilabas nya yun at hinugasan habang naiinis pa rin kay James.
'Teka, bat ka ba naiinis ateng?' tanong nya sa sarili.
'Bakit nga ba?' balik-tanong nya.
Dahil ba sa nangyari sa may pool? Dahil ba sa ang lalaki mismo ang nagdala kay Tricia sa cottage nila? Na halos buhatin na nya ito? Dahil ba parang hindi sya tinitignan man lang at parang kung sino'ng magtatanong ng pagkain? Alin nga ba ang dahilan?
'Ano yan ateng? Selos?' kastigo nya sa sarili.
'Hindi ah,' agad na sagot ng isnag parte ng kanyang isip.
Huminga sya nang malalim.
'Bat naman ako magseselos? wag ka nga.' muling sita nya sa sarili.
Pagkatapos mahugasan ang mga prutas, inilagay nya ito sa tray saka dinala sa salas. Andun pa rin at prenteng nakaupo si james at nanunuod. Enjoy na enjoy nito ang pinapanood. Inilapag nya ang tray sa harap ng lalaki. Tinignan ni james ang inilapag ni Devon. Mansanas at ubas.
"I said I'm starving. Hindi ako mabubusog dito," animo'y pagrereklamo nya.
"Matigas yung karne saka isda. It takes time bago lumambot. May mga delata jan pero walang bread o kanin. May hotdog at spag, gusto nyo po yun," mahinahong paliwanang ni Devon. Hindi nya ito tinitignan at nakatutok lang sa TV ang atensyon.
Saglit na natigilan si JAmes. Tinignan nya si Devon na nakatutok ang mata sa TV at hindi tumitingin sa kanya.
'Now you get the doze of your own medicine,' paninita ng kanyang isip.
'SHut up,' sabi nya sa sarili.
Kumuha sya ng isang slice ng mansanas saka kinain at ibinalik sa TV ang atensyon. Parehong nagpapakiramdaman. maya-maya'y kukuha ulit si James ng ubas saka unti-unting isusubo. Nakatutok ang kanilang atensyon sa TV ngunit wala silang naiintindihan. Maya-maya'y tapos na ang pelikula. Kukunin sana ni Devon ang remote control ngunit naunang kinuha ito ni James. Tinignan na lang ng dalaga kung ano ang gagawing sunod ni JAmes. Inilipat nito sa kabilang channel. nang makita ang Discovery Channel, inilapag na nya ang remote control.
'Aba't ang mokong wala pa atang balak umalis.' bumangon na naman ang inis ni Devon.
Humikab si Devon bilang pagpaparamdam na inaantok na sya. Nag inat pa para convincing. Ngunit parang tuod na nakatutok lang ang mata ni James sa TV. Nang tignan ni Devon ang inihandang prutas, ubos na.
'Hay, salamat naman,' sabi nya sa sarili.
"Do you have some more?" maya-maya'y tanong ni James.
Nanlaki ang mga mata ni Devon.
'At ano'ng balak ng lalaki? Halos alas dose na ng hating gabi.. ,' tanong nya sa sarili.
Devon: Ano'ng oras kayo aalis sir?
Di na nya napigilang itanong.
James: I can leave whenever I want to. Why?
Balik tanong nito sa kanya.
Devon: Gabi na kasi. Baka kung ano ang isipin ng mga tao.
Palusot ni Devon. Di lang din nya maamin sa sarili na kinakabahan sya sa di nya alam na dahilan. Sa nakikita nya, walang dahilan para matakot sya rito dahil ito ang may ari ng resort at wala itong gagawing ikapapahiya ng resort. Kinakabahan sya para sa kanyang sarili dahil di nya alam kung ano'ng maaaring reaksyon nya pag nagkalapit ulit sila gaya kanina sa pool.
Maya-maya'y bumuntong-hininga ang lalaki at tinignan sya. Hindi sya makatingin rito.
James: You left your phone at the bench.
Pagbibigay alam nito.
Nagulat si Devon. Naalala nya. Dinala nga pala nya ang pphone papunta kanina sa pool. Ngunit dahil sa nangyari, naiwan nya ito sa bench. Tumingin sya sa lalaki at nakita nyang pormal ito'ng nakatingin sa kanya.
James: It's in my room. I think someone is calling a while ago named Patrick. I believe he's your friend coming tomorow? I didn't answer it since it wasn't my phone. Also a person named Chris. I think that person called you three times.
Casual na pagbibigay alam ni James kay Devon. Biglang nag-alala si Devon.
Bakit tumawag ang kanayang ate? Nasabi naman na nya rito na nakarating sa isla. Pag ganun, kinakabahan sya dahil baka may emergency. Lalo sa mga nakaraang araw ay nagkasakit ang kanyang ina.
Napansin ni James na parang aburido si Devon. parang apektado sa naalmang missed calls ng isang Chris.
'Who is that Chris? Boyfriend? WHy does she look restless pagkarinig nya about Chris' missed calls?' tanong nya sa sarili.
JAmes: You can get your phone to my office tomorrow.
Tumayo na si James. Aburido pa rin si Devon kung bakit may three missed calls ang kanyang ate. Tinignan nya si JAmes. Nagtama ang kanilang paningin. Napalunok sa Devon dahil sa titig ng lalaki sa kanya.
Devon: Hindi ko alam kung bakit tumawag ang sister ko pero nag aalala ako. Pwede bang kunin yung phone ngayon na?
Pagkatapos sabihin ni Devon yun ay agad itong nagbaba ng tingin para hindi makita kung anuman ang reaksyon ng lalaki na sa tantya nya ay maiinis. Di nya nakita ang pilyong ngiti sa labi ng lalaki.
JAmes: Well, if you say so.
Saka tumalikod ang lalaki. Nag aalangan pa rin kung susunod ba sya rito.
'NAku.Tama bang gagawin mo Devon?' tanong nya ulit sa sarili.
'Kukunin mo ang phone at aalis ka na. Ganun lang naman ang aggawin mo. ANo'ng hindi taam dun,' tanong ng isa pang bahagi ng utak nya.
'OO nga pero dis oras na ng gabi. Baka kung ano'ng sabihin nung mga staff na makakakita sa kanila. Baka kung ano ulit ang gawin nya. naalala mo sa pool nang dumikit sya sayo?' paalala nya sa sarili.
Nang tignan nya ang lalaki, andun sa labas malapit s apintuan at mukhang inaantay sya.
'Hay naku. bahala na nga.' sabi na lang nya.
"What took you so long?" pormal na tanong sa kanya ni james.
Malamig na sa labas. Kung kayat niyakap nya nag sarili habang naglalakad sila. Hindi na nya sinagot ang laalki kaya tahimik na rin itong naglakad.
'Saan kaya ang bahay ng mokong nato,' tanong ni Devon.
Sumunod lang sya sa lalaki. Tumuloy sila sa loob ng hotel. may receptionist pa rin at mangilan ilang guests at mga staff ng hotel. Binati ng mga ito si JAmes. Pormal na tumango lang ito sa kanila. PAti sya binabati rin. Ngumiti lang sya ngunit nahihiya. Pumasok na sa elevator si james habang bantulot pa rin sya kung sasakay din ba sya o babalik na lang sa cottage at bukas na alng kukunin ang cellphone.
'Naku. Napasubo ka na naman,' sabi na lang nya.
Dahil nagdadalawang isip, hinawakan sya ni james sa siko at iginiya papasok sa elevator. Nagulat mana sya ngunit agad din syang binitiwan ng lalaki pagkasara ng elevator. Nakita nyang ipinindot nito ang 8F. Nang marating nila ang 8th floor, dun nya napagtanto na may penthouse pala ang hotel at yun ang residence ng lalaki. wala pa rin silang imikan. May ipinindot na numero si James (pincode) saka bumukas ang pintuan.
"Come in!" paanyaya sa kanya ni james saka ito dumiretso sa loob.
Dala ng hiya, nanatili si devon sa labas ng pintuan.
"Antayin ko na lang dito ang phone. aalis din ako," sabi nya sa binata na nasa loob na.
Nag-antay sya sa labas. Mga ilang minuto na ang nakaakraan ngunit di lumabas si James.
"Sir, nakita nyo na po ba ang phone?" tanong nya ngunit walang sumasagot.
NAg antay pa sya ng ilang minuto. Hindi pa rin lumalabas ang binata.
LAlong nagtaka si Devon dahil wala na syang marinig na kaloskos mula sa loob. Mga beinte minutos syang nakatayo sa labas ng pintuan ngunit hindi pa rin lumalabas ang lalaki. Nang hindi na nya mahintay, sumilip silip muna sya sa loob.
'Nasaan na ang ugok na yun at talagang hindi lumabas. Ano'ng gusto nya maghintay ako rito ng isang oras.' himutok nya.
"Sir, asan na po ang phone," muling tanong nya.
Dahil walang sumasagot, pumasok na sya. namangha sya sa lawak ng living room. Malinis at maganda. Blue ang motiff. Panlalaki talaga ngunit maaliwalas sa mata. May malaking plasma TV sa sentro ng living room. May chandelier. Hinanap nya kung nasaan si james. Iginala nya ang mata sa kabuuan ng bahay nito. Organisado ang mga gamit. wlaang kalat. Hindi mo aakalain na lalaki ang nakatira dahil masinop ang bawat sulok ng bahay.
"So how do you like my place?" maay-maya'y tanong nito mula sa kanyang likuran habang nakatapis ito ng twalya at pinupunasan ang basang buhok.
waaaaahhh!!!!!!
ReplyDeletebitin!!!
next chap pls!!! :)
pilyong james roberts.. tsk tsk tsk! i love it! sana may next chapter na. thanks!
ReplyDelete@ mary_totosie - i second to that.... kawawa naman devz pag-intayin ba... pero na-eexcite ako sa next na mangyayari!! hehehe..
ReplyDeletenapa-omg ako for devon & roflmao sa ka-pilyohan ni James. LOL.
ReplyDeleteexciting nah..