Friday, January 28, 2011

CHAPTER 15

James didn't waste time. He  immediately grabbed a drink at the counter. He told Yen to assist Ivan and Ann. The pubhouse manager guided the two in a corner dahil yun na lang ang bakante. Maraming tao ngayon sa pubhouse. James was still occupied with the thought about devon. Wala sa hinagap nya na ganun ang epekto ng babaeng yun sa kanya. And knowing she's closer to that Sam made him so jealous of that man.

'Jealous?' he thought again. 'Maybe you're just challenged.' He laughed in his mind. Any girl would jump off to his bed without a second thought but that girl was so unaffected by his charm...'Should I say...naive?' Then tumungga ulit. While he's in his deep thoughts about Devon, may lumapit at umupo sa tabi nya. When he looked, it was Tricia. 

"Hey, mind me sitting here?" tanong ng babae while smiling at him. He knew that the girl is a bit tipsy already. James shrugged his shoulder indicating he didn't care.

"You know what, you look exactly like my ex boyfriend," she told James as she tried to catch his attention.

Annoyed, James looked at Tricia. "Really? But my last girlfriend was half Aussie half Filipina," he said sarcastically.

Tricia laughed. "Hey, you're so serious. I didn't say it's you. I said you look like him," sabi ulit ng dalaga. James nodded and looked at the woman. She's wearing a mini-skirt and a hanging blouse. Nakikita ang pusod nito. James mastered playing with liberated women. He knew when a woman flirts with him. For a while, he will be trying to get Devon out of his mind. Maybe flirting with another girl, liberated girl like Tricia, will help him.

"Do you have a boyfriend now?" he asked.

"None that I know of. I'm very much single right now," she smiled.

"What do you like of a guy?" he asked again.

"Someone smart... good-looking... and a good kisser," pranka nitong sinabi.

James expected this girl to be this straightforward.

"Do you think I qualify?" Being as liberated as a guy who grew in a western country, James asked.

"Prove it." she dared.

"Nah," James nodded. Nagulat na lang sya nang makalapit na ang babae sa kanya and kissed James. With the alcohol's spirit, he kissed her back. Suddenly, a voice called his name. Nang lingunin ito ni james, nakita nya ang kaibigan, Bret with Fretzie, and behind them are Sam and Devon whose eyes were wide-eyed dahil sa nasaksihan. James, as if nothing happened, let go of Tricia. Nakalapit na ang apat and Bret teased him.

"Sorry if we interrupted something," nakangising sabi nito kay James. Tricia laughed while James was seriously staring at Devon. Na conscious si Devon kaya tinignan nya si Sam at kinausap ito ngunit sa loob nya, may kirot dahil sa nakitang halikan ng dalawa.

Samantalang tinudyo naman ni Fretzie si Tricia. Lumapit si Yen and she guided them to a vacant table. Magkatabi sina Sam at Devon ngunit kaharap niya si James. Hindi maarok ng dalaga ang iniisip nito ngunit ramdam nyang panakaw sya nitong tinitignan. Ipinakilala ni Bret si Sam kay James formally and soon, naging casual na ang usapan ng lahat.

"Juice lang ang order ni Devon. Hindi sya umiinom ng alcoholic beverages," paunang sabi ni Sam sa mga kaharap.

"Konti lang Devz..KJ mo naman," pilit ni Tricia.

Tiningnan ni Devon si Sam as if asking what she should do. Umiling si Sam. That didn't escape james' observant eyes. Naninibugho ang kalooban nya coz Sam acted like a boyfriend. Nang tignan ni Devon ang mga kaharap, nasulyapan nya ang blankong ekspresyon ni James na matiim na nakatingin sa kanya.

She looked at Sam again. "Sam, pwede naman sigurong konti lang." sabi nito just to show na hindi sya maarte. She didn't  see ang pagtaas ng kilay ni James.

Sam protested but Bret insisted." Come on! Konti lang. Even si Fretzie,she's drinking too. Konti lang naman," pangungumbinsi nito.

Bagamat nag aalala, hindi na nagsalita si Sam. Bret poured Devon's glass w/ wine. Sa unang tikim nya, it's bitter na mainit sa lalamunan. Muntik na nya itong iluwa but she tried to swallow it. James, on the other, was looking her every move, watching her every expression. Kahit kinakausap sya ni tricia, his thought is on the woman who looks all red now.

Ang isa ay naging dalawa hanggang lima. Tumatawa na si devon. Nagkukwento na rin. Looks like the alcohol already affected her and James couldn't help but to woory at the same time, naninibugho because she seems so touchy towards Sam. How he wished to sit beside her and be the recepient of her touches. Nang bumulong si Sam sa dalaga, James looked away. Dun nya nahagip sa tingin ang pinsan nya kissing a girl at the corner. It is ann obviously. Matinik talaga silang magpinsan pagdating sa babae. Nang maalala ang insidenteng nakita ni Devon. He wanted to tell Devon that the kiss meant nothing at all but how? When he looked at her again, ito naman ang bumubulong kay Sam. Linagok nya ang iniinom hoping it will wash away his envy sa lalaki.

"You have to stop drinking bubble D," muling bulong ni Sam sa kaibigan.

"I'm fine Sam. Kaya ko pa.Wag kang mag-alala, ngayon lang to," natatawang bulong nito kay Sam pero namumungay na ang mata. Ngiti na ito nang ngiti. tawa na rin nang tawa. maya-maya'y nagpaalam sya para pumunta sa CR. Pa ekis ekis na syang naglakad ngunit itinaboy nya lang si Sam nang tangkain sya nitong alalayan.

"Kaya ko to," natatawang sabi nya sa kaibigan.

Nang makarating sa CR, tinignan nya ang sarili sa salamin, pulang pula na sya. Naghilamos sya sakaling mabawasan ang pamumula nya at mawala na rin ang pagka-tipsy. Paglabas nya ng girl's comfort room, muntik na syang matumba kung hindi sya naagapan ng malalakas na bisig. Halos kayakap na nya ito. Nang tingalain nya ang lalaking tumulong sa kanya, sumalubong rito ang pormal na mukha ni James. Marahil dala na rin ng nainom, nawala ang inhibisyon ni Devon at nginitian nya ito nang napakatamis. Namumungay ang mga mata.

"Salamat sir... You're my hero," she grinned as she tried to pull herself sa pagkakahawak nito sa kanya.

Thursday, January 13, 2011

CHAPTER 14

Napag-usapan ang kelangan nilang paghahanda para sa annual party ng RESORT for the guests and employees. Magiging hands-on si bret in preparing a fabulous show with the assistance of Ms. marissa and Ms. yen. Si James ang over-all in charge samantalang sina Ivan at Ann with Ms. lavander ang bahala sa event at line-up ng program kasama na ang food at drinks at invitation for VIP guests.

Nagsimula ang paghahanda ng lahat at excited lahat dahil ito ang kauna unahang event na ioorganize ng anak ni Mr. Roberts. For three days na pare-pareho ang routine ni Devon, practice, pasyal with Sam and Patrick at minsan kasama sina Bret,Fretzie, at Tricia, kain, tulog, swimming. Napapansin ni Devon na nagkakalapit na sina Bret at Fretzie. Kung sabagay, bagay naman ang dalawa. Minsan naman nanonood si Sam at Patrick ng rehearsal sila. Kinocoach sya ni Sam minsan dahil magaling din itong kumanta. At hindi pa rin ito nagbabago..maasikaso pa rin. Minsan, sya pa ang nagluluto para sa kanila. Nalulungkot lang si devon dahil malapit nang matapos ang bakasyon ng kaibigan. Kunswelo na lang nya ay maabutan pa nito ang annual party at makikita sya nitong magperform.

Isang hapon pagkatapos ng rehearsal, hinihintay ni Devon si Sam sa lobby para kumain ng dinner nang lumapit si Ms. Marissa.

"Hinihintay mo mga kaibigan mo,no?" tanong nito.

Tumango lang si Devon at ngumiti.

"Hindi mo ba talaga bf si Sam. Ang sweet nya sa'yo?" tanong ulit nito.

Ngumiti lang si Devon. "Malambing lang talaga yun noon pa man."

"Swerte mo naman. Sana akin na lang sya... Char," saka tumawa si Ms. Marissa. Pagkuway lumapit ito at naupo sa tabi nya.

"Wala ka bang napapansin Devz?" biglang tanong ulit ni Marissa at ngayoy medyo pabulong. nagtaka si Devon.

"Ha? Kay Sam?" tanong din ni Devon.

"Hindi. kay Mr. Roberts?" kinindatan sya nito.

Wala pa ring ideya kung bakit nagtanong nang ganun si Ms. marissa ngunit sinagot nya pa rin ito. "Close po sila ni Ms. Ann." tipid na sagot nya. Hindi na kasi sya nito kinausap mula nung mag-usap sila sa opisina nya at lagi na nitong kasama si Ms. Ann.

"Hindi yun. Char ka naman eh. Hindi mo ba alam o talagang nagbubulagbulagan ka lang? alam mo bang laging nakatingin sa'yo?" siko nito sa kanya.

Nagtatakang napatingin sya kay marissa. Pilit nyang inalala kung saan kelan ngunit hindi nya nakikita ang lalaki. Muling nagsalita si Ms. Marissa.

"Pag may rehearsal, nasa isang sulok lang at nakatingin sa'yo. Nung una, inisip kong gusto lang nya makita ang rehearsal pero yung lagi ka nyang tinatanong sakin kung nakita daw ba kita..kung kumain na kayo..kung kasama mo ba si Sam, di pa ba ako magtataka?" kinikilig na kwento nito sa kanya.

Namula si Devon. Pagkuwa'y naisip na baka niloloko lang sya ng kaharap. "Naku, ano ba sinasabi mo Ms. marissa. Char char," napalo nya tuloy ito sa hita.

"Aray," reklamo ni Ms. marissa ngunit nakangiti ito.

"Ang bongga mo... Nakarating ka na pala sa penthouse nya?" hindi pa rin nagpaawat sa kwento si Ms. marissa. "Alam mo bang si Susie lang at Ms. Lorie napapadpad doon. Si Susie naman yung tagalinis nya.Kilala mo naman si Ms. Lorie, yung sistah nya.  Plus ikaw. May gf nun si sir pero never nya pinaakyat sa penthouse nya."

Muling namula si Devon nang maalala ang insidente sa pool kung saan naiwan nya ang phone na syang dahilan kung bakit kinailangan nyang pumunta sa penthouse nito. Hindi yun nakaligtas kay marissa. "Meron bang "something" sa inyo ni Mr. Roberts?" muling tanong nito.

"Ha?" Muling tumawa si Devon para itago ang hiya sa awkward na tagpong yun. "Wala po yun. Naiwan ko lang nun yung phone at si sir ang nakapulot." nahihiyang turan nya.

"Hmmm. Nahihiya ka lang eh. Pero alam kong meron.. " kinikilig na sambit ni Marissa.

"Wala Ms. Marissa. Imagination nyo lang yan," umiiling na wika ni Devon bagamat sa loob nya, hindi nya alam ang dapat maramdaman. Ayaw nyang isipin ng kahit na sino na may gusto sya sa boss nila.

Hanggang makaalis si Ms. Marissa, pilit pa rin iniisip ni Devon and naging pag uusap nila.

'Totoo nga kaya?' naisip nya. Ngunit gwapo, mayaman, at matalino ang kanilang boss. Siguradong maraming nagkakandarapa dito. Isa lamang syang ordinaryong babae. 

'Imposible,' muling naisip nya.

Ngunit nang maalala ang una nilang pagkikita, ang pag uusap nila sa viewdeck, ang insidente sa pool at sa penthouse nito, naguguluhan si Devon. May mga nanligaw din naman sa kanya ngunit bakit iba si James. Ipinilig nya ang ulo.

'Erase. erase. erase. Wala kang karapatang mag- isip ng ganyan.' sita nya sa sarili.

Nasa kalagitnaan sya ng pagmumuni muni nang makita nyang parating na rin si Sam at Patrick. Nawala sandali sa isip nya si James. Pagkatapos ng dinner, muli silang nagkayayaang mag swimming. Ngunit hindi nagswimming si Devon. Pinanood lang nya ang magpinsan. Nang matapos ang mga ito, inihatid sya sa cottage at umakyat na rin ang dalawa para magbihis. Tutuloy sila mamya sa pubhousedahil niyaya sila ni Bret.

Nang hindi makita sina Fretzie at Tricia sa cottage, lumabas ulit si Devon at naupo nagpunta sa tabing dagat. Tinext nya si Sam na sunduin na lang sya sa seashore. Naupo sya habang nakatingin sa dagat. Walang anu-ano, may tumabi at naupo sa tabi nya. Nang tignan nya, it is James na nakangiti sa kanya. She gasped her breath dahil sa pagkabigla.

"Mind if I sit here." Sabi ng lalaki.

Nagpapakiramdaman sila. Walang gustong magsalita. 

"Do you like your stay here?" tanong ni James pagkaraan.

"Oo naman." She said with sincerity. "Maganda rito. Maganda ang lugar. Hindi pa rin ako makapaniwala na magtatrabaho ako rito for 5 months. Parang bakasyon lang." 

"Good! That's exactly what I wanna hear. That you're enjoying your stay." muli itong tumingin sa kanya.

Magsasalita pa sana ito ngunit nagring ang kanyang cellphone. Parang ayaw sagutin ngunit nang ayaw tumigil, sinagot nya rin.

"Yes, Ann." sagot nito sa tawag. Naririnig ni devon ang boses ng babae. "Yeah, see you then." Nang maibaba nito ang phone, tumayo na si James. "Aren't you coming yet? Malamig na." anyaya nya sa dalaga.

"I'm waiting for Sam and Patrick.. They knew that I am here." sabi nya rito.

Hindi na nakita ni devon ang biglang pagbabago ng expresyon nito dahil agad nyang ibinalik ang tingin sa dagat. Tinignan sya sandali ni James na tila may gustong sabihin ngunit hindi rin nya itinuloy. Though he doesn't want to leave Devon at that moment, he proceeded to go. Bumalik na sya to meet Ivan and Ann sa lobby yet feeling just so bad knowing Devon is actually waiting for Sam.

Nang makita sya nina Ivan at Ann, agad silang tumayo to meet him halfway dahil palabas rin naman sila.

"Where have you been James? You're letting this girl wait." biro ni Ivan at itinuro si Ann.

Bagamat wala sa mood, he apologized. Ann is wearing a very skimpy, tight short and a body-hug strapless tube. She's sexy but that's all. Then he thought of Devon. The woman was wearing a striped lady-polo and a black skinny jeans but why did he find her so desirable... he's easily turned on at the sight of her walking on the beach... She's gorgeous as her hair was blown by the air. Biglang nag-init ang pakiramdam but he immediately disregarded his thoughts. He needs a drink para mawala sa isip nya ang babaeng yun.

Sunday, January 9, 2011

CHAPTER 13

Maya mayay nagring ang cellpphone ni Devon. Tinignan nya muna si James na animo’y humihingi rito ng permiso para sagutin ang tawag. Tumango lang si James.
“Sam,” sagot ni Devon sa tumawag. Di na nito pinansin ang sandaling pagkunot ng noo ng kaharap.
“Bumaba na kami. Andito kami ni pat sa lobby. Hintayin ka na lang namin dito,” sabi ni Sam sa kabilang linya.
“Sige,” simpleng turan ni Devon saka nya ibinaba ang cellphone. Nang tignan nya si James, nakakunot-noo pa rin itong nakatingin sa kanya.
“Is he one of those guys you met at the port?” Hindi pansin ni Devon ang inis sa tinig ni James.
“Opo,” sagot ni Devon. Hinintay ni James na dagdagan pa nito ang sasabihin ngunit yun lang ang turan ng dalaga.
“Is he your boyfriend?” di na napigilang tanong ni James sa kanya.
Bagamat nagtaka si Devon sa tanong ng lalaki, umiling lang si Devon.
At hindi inaasahan ni Devon ang susunod na sasabihin ng kaharap. “Well and good. I thought he is. I saw that he hugged you or maybe it’s the other way around.” Casual lang na turan ng lalaki. Maang na napatingin rito si Devon ngunit pinili na lang nyang hindi magsalita.
“Aren’t you going to say something?” casual na tanong ulit ni James sa dalaga.
“Tapos na po ba ang meeting?” casual lang din na sagot ni Devon.
Bumuntong-hininga si James. “We will give you a 5-month probation. If you did a great job, you’ll be hired as a regular performer or you can claim the scholarship and study. Whatever is your choice. But if not, then you can’t have either,” pagpapaliwanang ni James.
Hindi na lang umimik si Devon. Hindi pa rin makapaniwala sa magandang oportunidad na naihain sa kanya kung kaya tatanggapin nya anumang sabihin nito. Tiwala sya sa kanyang abilidad at pag iigihan pa nya. Ang di nya matantya ay kung paano pakiharapan ang lalaking ‘to na minsan mabait minsan naman masungit.
‘Limang buwan..’ naisip ni Devon. Hindi naman matagal yun. At hindi rin naman siguro nya araw araw na makakasama ang lalaki. Owner ito ng resort at maaaring magiging abala ito palagi. Hindi nya pwedeng tanggihan ang napakagandang pagkakataon para mapabuti nya ang kanyang kunabukasan at maging ng kanyang pamilya.
“You may go now,” pagkaraa'y sabi sa kanya ni james.
Tumango sya sa lalaki at tumayo na si Devon. Mabilis itong nakalabas at dumiretso sa lobby. Nakita nyang naghihintay na doon sina Patrick at Sam. Nang makita sya ni Sam, agad sya nitong inakbayan.
“Gutom ka na ha bubble D,” nakangiting tanong nito. Ngumiti rin si Devon at tumango saka sila nagtungo sa restaurant. Hindi na nakita ni Devon ang mga matang nakasunod sa kanila. Sumunod ding lumabas si James kay Devon at nakita nito ang pag akbay ng lalaki kay Devon at ang matamis na ngiti ng dalaga rito. Pilit inaalis ni James sa isip nito ang nakita ngunit di nya maiwasang mainis sa nasaksihang pagiging malapit ng dalaga sa kaibigan nito.
----------------------------------------

Tinawagan nya si Bret at nasa restaurant pa rin ang mga ito kasama ang kaibigan at saka ang pinsan nito. Sinabi nitong puntahan sila sa restaurant. Hindi na nagdalawang isip pa si James. Sumunod sya sa restaurant. Nadatnan nya ang kanyang pinsan at ate Lorie na ang uusap. Samantalang kausap naman ni Bret si Ann. Ang dalawang assistants ng dalaga ay nakatingin sa isang mesa habang nagbubulungan. Nang sundan nya ito ng tingin, nakita nya ang dalagang kausap nya lang kanina habang nakaharap ang kaibigan nito sa kanya na tila may tinatanggal sa kanyang mukha ngunit kung titignan, parang hahalikan nito ang dalaga. Lalong nagpuyos ang kalooban ni James pagkakakita sa dalawa. Nang makita sya ni Bret, tinawag sya nito. Pumunta sya sa mesa ng mga ito. Bagamat ang isip ay nasa kabilang mesa, pilit syang ngumiti.


“I really like your place talaga. Very cozy din ang restaurant nyo. You must be a good manager.” Sabi ng kaibigan ni Bret na si Ann.
Ngumiti rin si James sa compliment nito. “Thanks!” simpleng sagot ni james. Nang makita sya ng kapatid at pinsan, lumapit na ang mga ito sa kanilang mesa. Lumapit ang waiter kay James ngunit di na sya umorder. Nawalan na sya ng gana. Nag usap sila ni Ivan tungkol sa byahe nito. Nang matanong nya ang tungkol sa kanyang ama, nagkatinginan sina Lorie at Ivan.. Hindi yun nakaligtas kay James.
“He’s fine,” simpleng sagot ni Ivan. Hindi na nagtanong pa si James. Kakausapin nya mamaya ang pinsan. Alam nyang hindi ito ang tamang lugar dahil may kasama silang ibang tao.
“I hope you’ll enjoy your stay,’ maya maya'y baling ni James sa mga bisita ni Bret.
“Sure we will. By the way, nakalimutang sabihin ni bret na gwapo pala ang kaibigan nya,” sabi ni Ann saka nito kinindatan si James.
“Oh! Talagang hindi ko sinabi kasi I don’t find him that good-looking,” biro ni Bret. Palabiro talaga ito. Nagtawanan ang lahat.
“He’s just so intimated that's why” game naman si James at sandaling nawala ang attention nya kay Devon. 
Lalong lumakas ang halakhak ni Bret.
“You think so bro?” Dinama ni Bret ang noo ni James. “DO you have a fever?” Lalong nagkatawanan ang grupo.
Napatingin dito ang mga customers kasama sina Sam. Devon, at Patrick.
‘MArunong din pala syang tumawa,’ sa isip ni Devon nang makitang tumatawa ang binata.
Nang mapansin ni Sam na nakatingin pa rin si Devon, tinanong nya ito.
“Kilala mo sila?”
“Ha?” nagulat si Devon. Nang tignan nya si Sam, nakatingin din ito sa tinitignan nya. “Ah! Siya yung nagmamanage ng resort. Siya yung owner. Yung nakared nablouse, si Ms. Lorie yun, kapatid nya at may-ari naman nitong restaurant.” paliwanag ni Devon.
“Ganun ba?” simpleng turan ni Sam. Tinawag na nito ang waiter at nag order. Pareho ang order nina Sam at Devon na Sweet Glazed Roasted Pork tenderloin samantalang Grilled chicken ang kay Patrick.
Masayang nagkukwentuhan ang magkakaibigan. Maya maya inaasar pa rin ng dalawa ang dalaga. nang maiserve ang kanilang order, masayang kumain ang mga ito. Nang mapansin ni Sam na may sauce sa gilid ng bibig ni Devon, inabot nito ang tissue at pinunasan. Nagkataong muling tumingin si James sa mga ito kung kayat muling bumangon ang paninibugho nito sa nasaksihan.


'And you said he's just a friend. How come you're that sweet,' naninibughong isip ni James.


Nagpaalam na sya sa mga kasama at sinabing hihintayin na lang nya ang mga ito sa conference hall para sa meeting. Hindi na nya hinintay pang magsalita ang mga ito at umalis na.
Pagkatapos ng ilang sandali, natapos na rin sina Bret kumain kung kayat bumalik na ito sa hotel kasama sina Ann at ang 2 assistants nito. Naiwan sina Ivan at Lorie at nagpatuloy sa pag uusap tungkol sa pamamahala sa resort.
Nang matapos kumain, ipinasyal niDevon ang dalawang kaibigan sa resort. Doon nila nakasalubong sina Ms. Lavander at Ms. Marissa.
“Devon, wag mong kalimutan yung meeting mamya. Kinausap na rin ni Ms. Lorie sina Fretzie at Tricia. They will join the meeting too. KAsama ka din.” Paalal ni Ms. Lavander saka umalis ang dalawa.
“Para saan ang meeting,” takang tanong ni Sam.
Dun na sinabi ni Devon ang naging usapan nila ni James.
“So you’ll be working here?” gulat na usisa ni Sam.
“Ang swerte mo Devz. Congratz.” Masayang bati sa kanya ni Patrick.
Ipinaliwanag nya sa mga ito ang 5-months na probation period.
“So ano’ng gagawin mo mag aaral ka ba pagkatapos?” tanong ulit ni Patrick habang tahimik lang na nakatingin si Sam sa kanila at malalim na nag iisip.
“Kung nagustuhan ang performance ko, may choice akong mag aral o magtrabaho bilang regular performer na. Hindi ko pa alam. Saka ko na lang pag iisipan siguro after 5 months.”
“Pero papayagan ka ba ng mama at papa mo?” tanong ni Sam.

“Insan, Masaya sigurado sina tita at tito.. Bihirang pagkakataon to. Akalain mo, magiging performer si Devz sa JAEVON resort. One in a million opportunities yun so di dapat palampasin ni Devz.” Sabi ni Patrick.
Hindi na umimik pa si Sam. ALam nyang ito na ang magiging katuparan ng mga pangarap ni Devon. Dapat maging masaya sya para sa kaibigan.
Matapos maglibot, bumalik na sa lobby ang tatlo. Makikijoin sya sa meeting samantalang aakyat muna ang dalawa at iidlip. Balak nilang magswimming mamayang gabi.
Nakita ni Devon si Ms. Marissa. Kinawayan sya nito at sabay silang pumasok sa confe hall. Nandun na rin sina Tricia at Fretzie. Umupo sya sa tabi ng babaeng naka yellow na may malaking ribbon sa ulo at kausap ang isang Amerikano. Samantalang nasa center seat naman si James at nakayuko at may binabasa. Nang dumating sina Lorie at Ivan, nagsimula nang ipakilala ni Ms. LAvander ang bawat isa. Unang ipinakilala si James roberts bilang General Manager ng Hotel at ang kapatid nito na manager ng JADE RESTO. Tumayo si Ms. Lorie at ipinakilala ang pinsan nilang si Ivan Donald bilang pansamantalang magiging OIC ng resort habang nasa America ang CEO. Nagpalakpakan ang lahat ng nandun maliban kay James at napansin ito ni Devon. Muling umupo si Ms. Lorie at muling tumayo si Ms. lavander para ipakilala ang bawat isa. Una nitong binanggit si Bret bilang assistant manager ng hotel, si Ann bilang event coordinator sa nalallapit na annual party ng resort, si Yen bilang manager sa pub house. Ganun din ang mga regular performers. Pagkaraan ipinakilala din sila ni Ms. Lavander bilang guests performers. Matapos maipakilala ang baat isa, nagsimula na ang meeting.