Wednesday, December 29, 2010

CHAPTER 12

You’ve changed so much,” hindi pa rin maalis ang tingin ni Sam sa kababata. Hindi nya akalain na ang dalagitang palaban ay isang napakagandang dalaga na ngayon. Sa limang taon, napakalaki ng ipinagbago nito.
Ano ka ba, ako pa rin to,” sabay hampas ni Devon kay Sam.
At hindi pa rin nawawala ang hobby mong manghampas pag pinupuri ka o natutuwa ka,” natatawang sabi ni Sam.
Sinabi mo pa insan. Nung umalis ako, ako ang pinagtitripang hampasin ni Devz. Andami ko ng pasa. Buti na lang lagi nya kong nilalakad sa mga girls na gusto ko kaya okay lang,” singit ni Patrick saka sila nagtawanan.
May sumagot naman sa mga girls na yun?” tanong ni sam sa pinsan.
Yun na nga eh, walang naniniwala sa kanya kaya lagi ako’ng binabasted,” kamot ni patrick ang ulo kaya tipong hahampasin na naman sya ni Devon ngunit tumakbo na ito. Naiwang nagtatawanan sina Sam at Devon.
Tama ka bubble D, hindi ka pa rin nagbabago,” natatawang sabi ni Sam saka nito inakbayan si Devon.
At ganyan pa rin ang tawag mo sakin, SAMakatuwid,” natatawang turan ni Devon sa kaibigan. Sabay na nagtawanan ang dalawa. Kumapit naman si Devon sa bewang ni Sam. Masaya silang nagtungo sa hotel. Nadatnan nila si Patrick na kinakausap na nito ang receptionist. Masaya pa rin silang nag uusap nang lumapit sa kanila si Ms. Lavander.
Devon, may gagawin ka ba ngayon? Gusto kang makausap ni Mr. Roberts sa kanyang office..” sabi ni Ms. Lavander kay Devon.
Tungkol po saan?” nagtatakang tanong ni Devon sa assistant ni James.
Nagtataka ring tumingin sina Sam at Patrick na parang humihingi ng paliwanag.
I think it’s about it’s about the scholarship na in-offer ni Ms. Lorie sa’yo. Puntahan mo na lang sa office. Hindi na kita masasamahan coz I have to entertain his guests na nasa restaurant na ngayon. Are they your friends?” tanong ni Ms. Lavander at nginitian sina Sam at patrick.
Ngumiti rin ang dalawa at magiliw na nagpakilala.
“This place is awesome! It’s more than what I was really told. No wonder na dinadayo itong resort nyo.” Puri ni Sam sa resort.
Oh! Thank you. Please enjoy your stay and let us know pag may kailangan kayo or tanong kayo, we’ll be very happy to accommodate you,” nakangiting sabi ni Ms. Lavander.
Tumango lang sina Sam at patrick at nagpasalamat. Umalis na rin si Ms. Lavander at nagtungo sa restaurant.
Nang makaalis si Ms. Lavander, tinanong agad ni sam si Devon, “ Nag offer ng scholarship ang resort? Really?”
 Marami palang pinapaaral ang Resort. Yung ibang nag graduate, dito na din sila nagwork. Mabait nga yung may ari,” paliwanag ni Devon. ‘Mabait? Pati ba si James?’ tanong ng isip nya.
Ganun ba? Okay ah. Puntahan mo na. kaya na namin to. Tawagan kita mamya para sabay tayong maglunch. For sure gutom ka na rin,” sabi na lang sa kanya ni Sam.
Kanina pa po.” Natatawang sambit ni Devon ngunit sa loob loob nya, kinakabahan syang makaharap muli si James Roberts. Tinignan nya ang pasilyo papunta sa opisina nito.
--------------------------
Nag-usap sila nina Sam na tatawag si Devon sa kanila pag tapos na syang kausapin ni Mr. Roberts. Kung alam lang ni Sam at Patrick ang anging engkwentro nya kay James, siguradong sasamahan sya ng mga ito.
Kumatok si Devon sa pinto.
Please come in” narinig nya ang boses ng lalaki mula sa loob. Nang buksan nya ang pinto, nag angat ito ng mukha. Nang makita sya, pormal nitong itinuro ang upuan sa harap ng desk nya. Bagamat bantulot, umupo si Devon ngunit hindi nito tinitignan ang kaharap. Ngunit nararamdaman nya, nakikita nya mula sa gilid ng kanyang mga mata na nakatitig ito sa kanya. Pagkaraan ng ilang segundo, nagsalita ito.
Do you have an idea kung bakit kita ipinatawag?” pormal pa ring tanong nito kay Devon.
Huminga nang malalim si Devon bago nagsalita.
Sabi ni Ms. Lavander, baka tungkol sa scholarship. “ sagot ni Devon na hindi p rin tumitingin sa kausap.
Nakita ko ang resume mo. So member ka pala ng isang banda.” Casual na sabi nito sa dalaga.
Sumasali ako sa mga school plays at pagkagraduate ko ng high school, sumasama nako sa banda.’ Pagbibigay impormasyon ng dalaga.
Do you only sing or alam mo ding tumugtog ng instruments?” tanong ulit ni James.
Alam ko’ng mag gitara pero usually ako ang kumakanta,” sagot ulit ni devon.
Can you sing now?” nang aarok na tanong ni james.
Nabigla si Devon. Pinapakanta sya nito? Tinignan nya ang kausap at seryoso itong nakatingin sa kanya.
Kakanta ako dito?” natitigilang tanong ni devon. Hindi nito alam kung seryoso ba ang kaharap o nagbibiro.
Well if you want to sing outside, let’s go,” pilosopong sagot ni James.
Biglang nainis si Devon sa sagot ng lalaki.
Okay, I’ll sing here.” Huminga ito ng malalim saka nag isip ng kakantahin.
You can stand up if you want,” muling nagsalita ang lalaki. This time, may ngiti na sa labi nito.
Tumayo si Devon at saka muling huminga nang malalim. Kung balak ng lalaking pahiyain sya, hindi nya ito bibigyan ng kasiyahang makita yun. Kung ang motibo naman nito ay patunayang karapat dapat sya sa pagkapanalo nya, yun ang makikita nito. Pagkatapos ay nagsimula nang kumanta ang dalaga:
"Hello" was all we said
Now I can't get you out of my head
Something in your smile I guess
Left my heart so breathless
My eyes just couldn't help but sigh
This heart of mine can no longer deny
It's such a special feeling
I know that love is waiting 'round the bend
I'm so close to being close to you
It only takes a while or two
For love to smile at me and you
For all we know this love may grow
It all seemed like a dream
Can't believe this is happening
Now you're here so close to me
Something I thought could never be
And I know I'm into something good
I'll try to make it last if I could
Got to get a little closer
I'm so close to getting to know you better
I'm so close to being close to you
I'm so close to being?
Close to you

Halos hindi na pumikit si James. Walang kakurap kurap na nakatitig ito sa dalaga.

'No wonder why she won. She has the voice of an angel,' sa isip nya. nang matapos kumanta ang dalaga ngunit

"Not bad," simpleng komento lang nito saka iminwestra ulit sa dalaga na maupo.

HIndi malaman ni Devon kung magpapasalamat sya o maiinis sa simpleng reaction ng lalaki. Ngunit sumunod na lang sya at muling naupo.

"If I hire you as a singer-performer for this resort, will you accept it?" maya mayay seryosong tanong nito sa dalaga na ikinabigla ni devon.

"Magtatrabaho ako dito?" di makapaniwalang tanong din nya kay james.

"Yes!" simpleng sagot ni james na naghihintay ng kanyang kasagutan.

"Seryoso ho ba kayo?" muling tanong ni Devon.

"Do I look like I'm joking?" balik tanong nito sa kanya.

"We have regular performers so hindi lang ikaw ang kakanta. I'll introduce some of them later." casual na paliwanang nito.

"Pero bakit?" nagtatakang tanong ni Devon.

"I don't expect that reaction from you Ms. Servo. Many college graduates desire would do everything they could to work in this resort. Shouldn't you be grateful that I offered you a job?" nakataas na ang kilay nito habang nagsasalita.

Hindi nakaimik si Devon. Tama naman si James. Hindi bat isa ang JAEVON resort sa pinakatanyag sa Pilipinas. Isang napakalaking oportunidad. May stable na trabaho sa isang napakagandang lugar habang naeenjoy pa nya ang ginagawa dahil hilig naman talaga nya ang pagkanta. Ano'ng inaarte nya ngayon. Tumingin sya sa lalaki na ngayo'y nakatingin sa kanya.

"Salamat po Mr. Roberts. Maraming maraming salamat! Tatanggapin ko po ang alok nyo," desisyon ni Devon.

"Good," tumango si James. Nang ibaling ni Devon ang tingin, dina nakita ng dalaga ang makahulugang ngiti sa mga labi ng binata.


Monday, December 27, 2010

CHAPTER 11

Nakalayo na si devon kay james ngunit malakas pa rin ang pintig ng puso nya. Apektado sya sa presensya ng lalaki ngunit bakit gustung-gusto nya na nasa tabi lang si James. Mas binilisan pa ni Devon ang paglalakad. Nang makarating sa port, may mangilan-ngilan na ring tao dun. Marahil, may hinihintay din ang mga ito. Mga ilang minuto syang nakatayo nang matanaw niyang papunta sa port si James. Suot na nito ang jacket. Muling kinabahan si Devon.
‘Sinusundan ba sya talaga sya ng lalaki?’ naisip nya.
‘Ang ganda mo ‘te,’ sabi ng isip nya.
Nang makarating sa port, nagtama ang kanilang paningin. Ngunit kung kanina ay nakangiti ito sa kanya, ngayon ay blanko na ang ekspresyon.  Isa isang binati ng mga nandun si James. Ilan pala sa mga nandun. Lumapit ito sa isa’ng babae. Ibinaling na lang ni Devon ang tingin sa dagat. Maya maya lang dumating na ang ferry. Excited na nakatanaw si Devon sa mga bumababa kaya di nya alam na matiim na nakatitig sa kanya si James.
“Hey james!” tawag sa kanya ng isang mestisong lalaki. Napalingon pareho sina James at Devon rito. Ngumiti si James at kinawayan.
“Ivan,” tawag nito. Kumaway si James dito at kasunod na pala ni Ivan sina Bret, at tatlo’ng babae.
Nang makalapit ang mga ito kay James, nagyakap ang magpinsan. Nagkakilala na rin sina Ivan at Bret at mga kasama nito sa loob pa lang ng ferry.
“Hey man!” Masayang nagkayakapan ang magkaibigan. Ipinakilala rin ni Bret ang mga kasama.
“By the way James, she is Ann Sy and these are her assistants, Betty and Bash. I told you, she’s an event organizer so she and her assistants can help you with this month’s big events.” Pagpapakilala ni bret sa kaibigang si Ann.
Nag shake hands sina James and Ann. Ganun din sa mga assistants ng dalaga.
“Ang ganda ng resort nyo. I heard so much about it. Actually, our family has also a resort  in Thailand. But I kept coming back sa Philippines kasi maganda. “ sabi ni ann kay James.
“Mukhang magkakasundo tayo,” sabi ni James.  Habang nag uusap usap sila, nakatingin lang si Devon sa kanila. Tinignan nya ang babaeng kausap ni James. Mukhang fashionista. Maigsi ang shorts na hapit na hapit. Body hugging din ang  tube na damit. Nakashade ng yellow.  Hindi nalalayo sa suot nya ang suot ng mga kasamahan nya. Ngayon nya napagtanto kung bakit ganun ang paghanga ni Ms. Marissa sa sinasabi nyang Bret. Tisoy ito at kahit simple lang ang porma, marunong itong magdala.
“Devon,” maya mayay narinig nyang may sumigaw sa pangalan nya. Narinig din ito nila James kung kayat napatingin si James sa taong tumawag sa pangalan ng dalaga. Gwapo ang lalaki.  Tinignan ni James si Devon at kumakaway ito sa lalaki at sa kasama nito. Nang makalapit ang lalaki kay Devon, niyakap nya ang dalaga.
Nakaramdam ng kirot sa dibdib si James. Seryosong nakatingin sa dalaga at sa lalaki habang nag uusap ang mga kasama nya. Nabigla din si Devon nang yakapin sya ni Sam ngunit di na sya nakakibo nang buhatin sya nito at hindi na rin nya nakita ang matalim na tingin ni james sa kanila.
“I miss you so much bubble D,” sabi sa kanya ni Sam nang ibaba sya nito. Nakita ni devon ang sinseridad sa mata ni Sam. Nakalapit na rin si Patrick sa kanila. Niyakap din siya ni Patrick. Natatawa na lang si Devon. Hindi pa rin nagbabago si Sam. Bubble D pa rin ang tawag nito sa kanya.
“Namiss din kita…Sobraaaa,” sabay kagat labi ni Devz para pigilan ang pag iyak nito.
“Awww!”  Muli syang niyakap ni Sam.
Lalong nagtiim ang mga bagang ni James sa nasaksihan. Hindi nya kayang tignan ang babae na yakap ng iabng lalaki kahit sino pa ito. Kung kayat niyaya na ni James ang mga kasama. Kinakausap sya ni Ann ngunit tumatango lang sya. Hindi nya naiintidihan ang sinasabi nito dahil nakapokus ang isip nya kay Devon at sa lalaking ngayon ay nakaakbay na sa kanya habang masayang  nagkukwentuhan. Nang makarating sila sa hotel, agad syang tumuloy sa opisina. Mainit ang ulo at napagdiskitahan nya tuloy ang mga empleyado.
“Where’s Marissa?” tanong nya kay Ms. Lavander.
“Sir, nasa restaurant po. Pinatawag po sya ni ma’am Lorie.” Sagot ni Ms. Lavander.
“I told her to gather the employees dahil may meeting kami this morning. Andito na sina Bret and Ivan, wala pang tao sa conference hall,” paninita nito.
“Eh sir. May 30 minutes pa naman po. 10:45 am po yung meeting.” Mahinahong sabi ni Ms. Lavander.  Nagtataka ito sa mode ng boss. Kahapon lang, masaya. Ngayon, hindi halos maipinta ang mukha.
‘Moody talaga,’ sabi na lang ni Ms. Lavander sa isip nya.
“Ms. Lav, please assist my cousin, Bret, and Bret’s friends. The  pakisabi sa kanila na may meeting tayo at exactly 10:45am.” Utos ni James sa assistant. “Tell them I need to prepare for the meeting.”
“Yes sir,” sabi ni Ms. Lavander saka lumabas. Nang makalabas ang assistant, bumuntung-hininga si James. Hindi pa rin maalis sa isip nito ang mahigpit na yakapan ni Devon at ng lalaking iyon kung sino man yun. Maya-mayay nag ring ang telepono nya.
“What?” singhal nito.
“Hey dd!” Ang ate Lorie nito.
“OH! Lorie, I’m sorry! What is it?” biglang bumaba ang tono ni James.
Narinig nyang natatawa ang kapatid sa kabilang linya.
“Meeting agad ang nasa isip mo hindi mo man lang ba pakakain sina Ivan?” tanong nito.
Bumuntung hininga muli si James.
“Okay! Postpone the meeting at 2pm. Tell them to eat and rest first.” Sabi na lang nito. 
Nang maibaba ang cellphone, tinignan ang folder na nakalagay sa ibabaw ng mesa nya. Nabasa nito ang pangalan ni Devon. Kinuha nya ang folder at pinasadahan.
“DEVON SERVO,” namutawi sa kanyang mga bibig. Tinignan nya ang profile picture nito. Ang mga ngiti nito. Nag matangos na ilong. Mga matang nangungusap.
‘What’s in you Devon that makes me feel this way.’ Bulong nya sa sarili. Matapos tignan ang profile, tinawagan nya si Ms. Lavander.
Ms. Lavander: For your approval na yan sir.  Sabi ko sa kanya hintayin nya ang desisyon nyo. I told her na hintayin na lang nya ang desisyon nyo.
James: Okay! Thank you Ms. Lav!
Matapos makausap si Ms. Lavander, muling ibinalik ni james ang tuon sa profile ni Devon at tahimik na pinagmasdan ang picture nito.

CHAPTER 10

Agad tumalikod si Devon pagkakita sa itsura ng lalaki. Gusto nyang umalis nang mga sandaling yun ngunit parang itinulos ang kanyang mga paa sa kinatatayuan. James chuckles in amusement saka ito dumiretso sa kwarto. Natatawa habang naghahanap ng isusuot. He invited Devon to come in but she chose to stay outside and kept asking him her cellphone. Hindi sya sumagot kanina and he waited her to go inside pero mukhang handang maghintay sa labas ang dalaga. Alam nyang hindi ito makakaalis hanggat hindi nito dala ang cellphone kaya hinintay nyang pumasok ito. But almost 10 minutes had passed, hindi pa rin ito pumapasok. Tinignan nya ito at nandun lang sa labas ng pintuan at hindi na maipinta ang mukha.

'Mukhang matagalang paghihintay ito' sabi ni James sa isip nya kung kayat napagpasyahan nyang maligo muna.

Nasa kalagitnaan ng paliligo ng marinig nya ang boses ng dalaga. Dali-dali nyang tinapos ang paliligo at lumabas. Nakita nya ang likod nya ang dalaga sa salas na inililibot nito ang paningin sa kabuuan ng living room. Nang humarap ito sa kanya, parang noon lang nakakita ng lalaking hubad baro. He can't help but chuckle in amusement. She looks naive and innocent. Umiiling iling na ngumiti si James at nagbihis na.

Sa living room, pagkatapos makaalis ni James sa likod nya, napaupo si Devon. Parang nanghina ang kanyang tuhod. Hindi naman yun ang unang beses na nakakita sya ng hubad barong lalaki kasi ang mga kaibigan naman nya ay ganun pag nagsuswimming sila. NGunit hindi nya alam kung bakit ganun na lang ang epekto ni James sa kanya. Matagal syang parang tigagal hanggang sa lumabas si James na nakabihis na at gwapong gwapo sa suot nitong puting shirt at short. Tinitignan sya nito na nakangiti ngunit di nya masalubong ang mga titg nito. Ibinaling ni Devon ang kanyang paningin sa bintana.

"Nasaan na yung cellphone?" tanong ulit nito kay James.

Ngunit hindi sya sinagot ni James. bagkus, dumiretso ito sa kusina.

"What flavor of ice cream do you want?" malakas na tanong nito sa kanya.

LAlong nagtaka si Devon. Bumabangon na naman ang inis nito sa lalaki. Hindi nya sinagot ang tanong nito. Isinungaw ni james ang ulo sa may pinto ng kitchen at muling tinanong si Devon.

"Do you chocolate, strawberry, vanilla? WHich one?" tanong nito.

"Ayokong kumain ng ice cream. Yung cellphone ko po, yun ang gusto ko," mahinahong sagot ni Devon ngunit inis na sya rito.

"Okay," simpleng turan ni James saka ito bumalik sa kusina.

Tumayo si Devon at iginala ang mga mata sakaling makita nya ulit ang cellphone. Nang tignan nya ang oras, halos alas dose y media na. Nanlaki ang mga mata at natutop ni Devon ang bibig.

'Ano na lang iisipin ng mga empleyado.' sa isip nya saka dali-daling tumungo sa may pintuan. Bahala na. Bukas na lang nya kukunin ang cellphone kay Ms. Lavander. Kung bakit kasi ano'ng naisip nyat sumama sama pa sya rito.

Nang lumabas si james mula sa kitchen, wala na si Devon sa kinauupuan nya. Naisip nyang nasa CR lang ito ngunit hindi naman nakaswitch ang light. Nang puntahan nya ang pintuan, wala na doon ang slipper ng dalaga.

'Umalis na di man lang nagpaalam,' naiiling na nangingiti si James. Ibinalik nya sa kusina ang inihandang chocolate ice cream para sa dalaga. Nawalan na rin sya ng ganang kumain. Kinuha nya ang cellphone ni Devon na nasa kwarto nya. Iniisip kung dadalhin ba nya ang cellphone nito sa cottage o ipabigay na lang kay Marissa o Ms. Lavander. Nagdesisyon syang ipabigay na lang ito kay Marissa. Hindi pa rin maalis sa isip nya ang mukha ni Devon. 

'Simple yet beautiful,' naisip nya. Nakantgiti habang iniisip ang naging engkwentro nila ng dalaga sa maghapon.

Samantala, naiinis pa rin si Devon habang naglalakad papunta sa cottage nila. Hindi nya alam kung ano ang iniisip ngayon ng receptionist na nakakita sa kanya pagbaab nya sa elevator. Nakangiti itong nakatingin sa kanya. Baka iniisip nito kung ano'ng ginawa nya sa penthouse kasama ni Mr. Roberts.

'Wag ka nga,' sita nya sa sarili. 'Ano naman gagawin nyo dun. Bakit naman sila mag iisip ng ganun,' tanong nya sa sarili. Nadaanan nya na may mangilan ngila pa ring nasa swimming pool.
'The night is still young,' ika nga ng karamihan. Nang marating ni Devon ang cottage, pumasok agad sya sa kwarto. Naglakad sya nang pabalik balik. Naiinis sya sa pakikiharap ng James Roberts na yun sa kanya.

'Bat ka naman maiinis aber?' tanong nya sa sarili. 'Naiinis o na eexcite? Mukhang interesado sayo,' sabi ng isa pang parte ng utak nya.

Umiling sya tanda ng di pagsang ayon.

'Hindi magkakagusto ang isang tulad nya sa tulad ko,' sabi nya sa sarili. 'Kaya anuman ang iniisip mo, burahin mo na. Mag enjoy ka lang. Isang linggong bakasyon, bonggang experience,' sabi na lang nya sa sarili. Humiga na si Devon. Nakatulugan nya ang pag iisip kay James Roberts.

------------------

Nagising si Devon sa katok sa pinto. Tinatawag sya ni fretzie. Nang tignan nya ang oras, alas 7 na ng umaga. Binuksan nya ang pinto at iniabot sa kanya ni Fretzie ang kanyang cellphone.

"Ibinigay ni Ms. Marissa. saka may loaf bread na dito. Sinabi ni Ms. Marissa na pwede na tayong magluto rito. " sabi ni Fretzie.

Maagang nagising si Fretzie dahil maaga itong nakatulog dala ng migraine kagabi.

"Tulungan kita mamya Fretzie tawagan ko lang ate ko," sabi ni Devon. Pumasok sya ulit sa kwarto at idinial ang numero ng kanyang ate.

"Te, kumusta si mama," tanong agad ni devon sa ate nya.

"Ha?" halatang bagong gising lang ang ate nya dahil sa boses.

"Ayos lang ba si mama?' tanong ulit ni Devon sa ate.

"Oo naman. bat ka ba nagpapanic?" tanong ng kanyang ate.

"Kala ko tumawag kayo kagabi?" nakahinga na nang maluwag si Devon.

"Tumawag nga ako. Bakit nga ba hindi mo sinasagot?" sermon ng ate nya.

"Ha?" natigilan si Devon.

"Pero tumawag ako dahil tinatawagan ka daw ni Patrick hindi mo daw sinasagot. Sabi nya mga 9am dating nila jan." paliwanag ng kanyang ate.

"Ah! Ganun ba. Kala ko kasi kung ano na." turan ni Devon sa ate.

"Baka maubusan ka ng load. Basta enjoy ka na lang jan. Wag mo kaming alalahanin dahil okay lang kami. Okay lang si mama." sabi ng ate nya.

Nagpaalam na rin si Devon. Nakahinga sya nang maluwag. Siguradong tatawag naman si patrick mamya pagdating nila sa resort. Kahapon 1 bar na lang ang cellphone nya ngunit ngayon, full charge.

"Suguro chinarge ni Ms. marissa," naisip nya. Bigla nya ulit naalala ang pagpunta nya sa penthouse ni James.

'Buti na lang at nakonsensya, ibinigay din,' sa isip ni Devon. NAgpapasalamat pa rin sya at ang lalaki ang nakapulot. Sabagay, wala naman sigurong magkakainteres sa phone nya dahil puro sosyal at mayayaman ang guests ng resort. Lumabas na sya at tinulungan si fretzie sa paghahanda ng kanilang breakfast. Maya-maya'y, lumabas na rin si Tricia na may hang over pa. Agad itong pumasok sa banyo. Nang lumabas, naupo sa salas.

Tricia: Devon, pa'no ako nakauwi?

Maya-maya'y tanong nito kay Devon.

Devon: Hinatid ka ni James Roberts.

Trcia: What?

Nabiglang sabi ni Tricia.

Tricia: ano'ng sabi nya?

Lumapit na si Tricia sa kanya. Kasalukuyang nagtitim[pla na sya ng gatas para rito.

Devon: Heto. Uminom ka muna ng gatas.

Kinuha ni Tricia ang tinimplang gatas para sa kanya ni Devon at hinintay ang sagot ni Devon sa tanong nya.

Devon: Wala naman syang sinabi. Basta hinatid ka lang dito.

Tricia: Oh no! ANo na lang ang iniisip nya tungkol sakin. Kelangan kong bumawi.

Nagkatinginan na lang sina Devon at Fretzie ngunit di na sila nagsalita pa. Mukhang gusto ni Tricia ang owner ng resort. ANuman ang gawin ni tricia, labas na sila dun. Ipinagkibit balikat na lang din ni devon ang naging engkwentro nya sa lalaki. Marahil, walang ibig sabihin ang mga paraan ng pakikiharap nito sa kanya. Nang maihanda nina Fretzie at Devon ang breakfast, tinawag na nila si tricia. Pagkatapos nilang kumain, nagkusa na si tricia na magligpit ng pinagkainan nila. Maya-maya'y nagriring na ang telepono ni Devon.

"Devon, malapit na kami," bungad sa kanya ni Patrick pagkasagot nya sa telepono.

"Talaga? O sige, hintayin ko kayo," excited rin si devon na makita ang kaibigan at ang pinsan nito. Naalala nya si Sam, crush nya nung high school sila.

'Ano na kaya hitsura nya?' tanong ni Devon. Payat kasi ito nung high school sila. Halos limang taon nang nagmigrate sa US si Sam at ang pamilya nito. Yung huling litratong nakita nya ay nung nakarang taon pa. Naalala nya, maliban kay Patrick, si Sam din ang tagapagtanggol nya sa mga bullies sa school nila. Lagi syang tinutukso na tomboy dahil kasama nya sina Patrick at Sam. mas nauna ng isang taon si Sam ngunit sya at si patrick ang kasa kasama nito. Pati yung mga kaibigan ni Sam, kilala din sya. Kaya sa school nila, may mga girls na naiinggit sa kanya. Yung iba, siniraan pa sya at sinabing malandi dahil laging kasama ang mga boys. nang malaman ito ni Sam, kinompronta nya ang mga babaeng yun. Sikat si Sam sa school nila kaya pinakkikinggan ng mga kapwa nya estudyante ang sinasabi nito.

Napapangiti si Devon habang naiisip ang kaibigan. Maya-maya'y nagbihis na sya. Hihintayin nya sa port sina Sam at patrick.

Nang lumabas sya mula sa kwarto, nanonood na si Fretzie ng TV. Lalabas daw sila mamaya ni tricia at magsuswimming. Sinabi nya na susunduin nya ang mga kaibigan at susunod sya sa kanila mamya. Gustong ipakilala ni Devon ang mga ito sa kanila.

Nakangiti pa rin si Devon habang papunta sa port. Nang tawagin sya ni Ms. Marissa.

Marissa: Devon, saan ang punta mo?

Devon: Hihintayin ko po mga kaibigan ko sa port.

Marissa: ah! Hindi ko na kayo masasamahan mamya kasi may meeting kami. Kayo ng bahala mamya ha? Pero mamyang alas-tres, sabbihin mo kina Tricia and Fretzie, punta kayo sa office. Ms. Lavander needs to discuss something with you guys.

Tumango na lang si Devon. Pagkatapos makalis ni Ms. marissa, tumuloy na si devon sa port. Naglalakad sya sa puting buhangin. Di nya maiwasang mamangha sa ganda ng lugar. marami na ring mga turista ang nasa beach. Naglakad lakad muna sya at namulot ng mga shells. Naupo sya sandali at pinagmasdan ang dagat. sa mga oras na yun, payapa ito, malinaw.. Malamig kung kayat nayakap nya ang sarili. Nakalimutan nyang dalhin ang sweater.

"Take this," maya-mayay narinig nya ang pamilyar na boses sa kanyang likod. nang tignan nya ito, ang nakangiting James Roberts na iniaabot ang jacket sa kanya.

Tipid na ngumiti si devon at umiling.

"Hwag na. Okay lang ako," sabi nito sa lalaki. Saka ibinalik nya sa dagat ang tingin. Ngunit naramdaman na lang niyang inilagay ng lalaki ang jacket pasuot sa kanyang likod at saka ito naupo sa tabi nya. Bagamat nagulat ngunit hindi na tumutol pa si devon dahil nilalamig na sya. Nang tignan nya ang lalaking nakaupo sa tabi nya, tahimik itong nakatingin sa dagat. Inalis ni Devon ang tingin nya sa lalaki.

" Why did you leave last night without even saying a word," maya mayay tanong ni James sa kanya.

Walang maisip na isasagot si Devon kaya tahimik lang itong nakatingin sa dagat. PAlakas nang palakas ang kaba sa kanyang dibdib hindi sa takot o anupaman ngunit dahil sa presensya ng lalaki. Sa parte ni James, nagtataka rin sya sa kanyang sarili kung bakit ganito na lang ang epekto ng babaeng ito sa kanya. Gusto nya itong laging nakikita. Gusto nyang nakakatabi. Gusto niyang kontrolin ang sarili. Hindi ito tama kung kayat ibinigay nya kay Marissa ang cellphone nito para iabot sa dalaga. Bagamat nagtataka si Marissa kung pa'nong na kay Mr. james Roberts ang cellphone ni devon, hindi na rin ito nagtanong pa. Ngunit habang papunta sya sa port para sunduin sina Bret at ang mga bisita nito ganun din ang pinsan nitong si Ivan, namataan niyang papunta din sa dagat ang dalaga. Seeing her with her long hair waved with the wind, he can't help to grasp in awe. Napakaganda ng dalaga. When he saw her picking some shells na parang bata, lalo syang na attract dito kung kayat di na nya namalayan na lumalapit na sya. nang makita nyang umupo ang babae at yakapin ang sarili dahil sa ginaw, how he wanted to hug her tightly and keep her warm. He's jealous of the jacket dahil nakayakap ito sa dalaga. Muling napangiti si James sa naiisip. Matagal silang nakaupo lang. Hindi nagsasalita ngunit nagpapakiramdaman. Maya mayay, tumayo na si Devon at iniaabot sa kanya ang jacket.

"Where are you going?" tanong ni james sa kanya.

"jan lang," maikling sagot nito at iniaabot pa rin sa kanya ang jacket.

"it's cold. Use it." sabi din ni james at tumayo na rin sya. Pinagpag ang buhangin sa kanyang pantalon.

"Hindi. Okay lang ako.Salamat." Sabi ni Devon at iniwan ang jacket sa paanan ni james saka ito umalis.

Kinuha ni james ang jacket at sinundan ng tingin ang dalaga.

"Looks like she's a little stubborn," napapiling na lang si James habang nakatingin pa rin sya sa dalaga.

Monday, December 20, 2010

CHAPTER 9

Binuksan ni Devon ang freezer. Hindi ganun kadaling i-defroze ang karne o isda. Hindi rin ganun kadali magluto. Tinignan nya ulit. May nakita syang hotdog pero wala namang rice na luto. May mga mga delata ng corned beef, spam, at tuna pero wala namang loaf bread para gumawa na lang sana sya ng sandwich. NAkita nyang may mansanas at ubas, inilabas nya yun at hinugasan habang naiinis pa rin kay James.

'Teka, bat ka ba naiinis ateng?' tanong nya sa sarili.

'Bakit nga ba?' balik-tanong nya.

Dahil ba sa nangyari sa may pool? Dahil ba sa ang lalaki mismo ang nagdala kay Tricia sa cottage nila? Na halos buhatin na nya ito? Dahil ba parang hindi sya tinitignan man lang at parang kung sino'ng magtatanong ng pagkain? Alin nga ba ang dahilan?

'Ano yan ateng? Selos?' kastigo nya sa sarili.

'Hindi ah,' agad na sagot ng isnag parte ng kanyang isip.

Huminga sya nang malalim.

'Bat naman ako magseselos? wag ka nga.' muling sita nya sa sarili.

Pagkatapos mahugasan ang mga prutas, inilagay nya ito sa tray saka dinala sa salas. Andun pa rin at prenteng nakaupo si james at nanunuod. Enjoy na enjoy nito ang pinapanood. Inilapag nya ang tray sa harap ng lalaki. Tinignan ni james ang inilapag ni Devon. Mansanas at ubas.

"I said I'm starving. Hindi ako mabubusog dito," animo'y pagrereklamo nya.

"Matigas yung karne saka isda. It takes time bago lumambot. May mga delata jan pero walang bread o kanin. May hotdog at spag, gusto nyo po yun," mahinahong paliwanang ni Devon. Hindi nya ito tinitignan at nakatutok lang sa TV ang atensyon.

Saglit na natigilan si JAmes. Tinignan nya si Devon na nakatutok ang mata sa TV at hindi tumitingin sa kanya.

'Now you get the doze of your own medicine,' paninita ng kanyang isip.

'SHut up,' sabi nya sa sarili.

Kumuha sya ng isang slice ng mansanas saka kinain at ibinalik sa TV ang atensyon. Parehong nagpapakiramdaman. maya-maya'y kukuha ulit si James ng ubas saka unti-unting isusubo. Nakatutok ang kanilang atensyon sa TV ngunit wala silang naiintindihan. Maya-maya'y tapos na ang pelikula. Kukunin sana ni Devon ang remote control ngunit naunang kinuha ito ni James. Tinignan na lang ng dalaga kung ano ang gagawing sunod ni JAmes. Inilipat nito sa kabilang channel. nang makita ang Discovery Channel, inilapag na nya ang remote control.

'Aba't ang mokong wala pa atang balak umalis.' bumangon na naman ang inis ni Devon.

Humikab si Devon bilang pagpaparamdam na inaantok na sya. Nag inat pa para convincing. Ngunit parang tuod na nakatutok lang ang mata ni James sa TV. Nang tignan ni Devon ang inihandang prutas, ubos na.

'Hay, salamat naman,' sabi nya sa sarili.

"Do you have some more?" maya-maya'y tanong ni James.

Nanlaki ang mga mata ni Devon.

'At ano'ng balak ng lalaki? Halos alas dose na ng hating gabi.. ,' tanong nya sa sarili.

Devon: Ano'ng oras kayo aalis sir?

Di na nya napigilang itanong.

James: I can leave whenever I want to. Why?

Balik tanong nito sa kanya.

Devon: Gabi na kasi. Baka kung ano ang isipin ng mga tao.

Palusot ni Devon. Di lang din nya maamin sa sarili na kinakabahan sya sa di nya alam na dahilan. Sa nakikita nya, walang dahilan para matakot sya rito dahil ito ang may ari ng resort at wala itong gagawing ikapapahiya ng resort. Kinakabahan sya para sa kanyang sarili dahil di nya alam kung ano'ng maaaring reaksyon nya pag nagkalapit ulit sila gaya kanina sa pool.

Maya-maya'y bumuntong-hininga ang lalaki at tinignan sya. Hindi sya makatingin rito.

James: You left your phone at the bench.

Pagbibigay alam nito.

Nagulat si Devon. Naalala nya. Dinala nga pala nya ang pphone papunta kanina sa pool. Ngunit dahil sa nangyari, naiwan nya ito sa bench. Tumingin sya sa lalaki at nakita nyang pormal ito'ng nakatingin sa kanya.

James: It's in my room. I think  someone is calling a while ago named Patrick. I believe he's your friend coming tomorow? I didn't answer it since it wasn't my phone. Also a person named Chris. I think that person called you three times.

Casual na pagbibigay alam ni James kay Devon. Biglang nag-alala si Devon.

Bakit tumawag ang kanayang ate? Nasabi naman na nya rito na nakarating sa isla. Pag ganun, kinakabahan sya dahil baka may emergency. Lalo sa mga nakaraang araw ay nagkasakit ang kanyang ina.

Napansin ni James na parang aburido si Devon. parang apektado sa naalmang missed calls ng isang Chris.

'Who is that Chris? Boyfriend? WHy does she look restless pagkarinig nya about Chris' missed calls?' tanong nya sa sarili.

JAmes: You can get your phone to my office tomorrow.

Tumayo na si James. Aburido pa rin si Devon kung bakit may three missed calls ang kanyang ate. Tinignan nya si JAmes. Nagtama ang kanilang paningin. Napalunok sa Devon dahil sa titig ng lalaki sa kanya.

Devon: Hindi ko alam kung bakit tumawag ang sister ko pero nag aalala ako. Pwede bang kunin yung phone ngayon na?

Pagkatapos sabihin ni Devon yun ay agad itong nagbaba ng tingin para hindi makita kung anuman ang reaksyon ng lalaki na sa tantya nya ay maiinis. Di nya nakita ang pilyong ngiti sa labi ng lalaki.

JAmes: Well, if you say so.

Saka tumalikod ang lalaki. Nag aalangan pa rin kung susunod ba sya rito.

'NAku.Tama bang gagawin mo Devon?' tanong nya ulit sa sarili.

'Kukunin mo ang phone at aalis ka na. Ganun lang naman ang aggawin mo. ANo'ng hindi taam dun,' tanong ng isa pang bahagi ng utak nya.

'OO nga pero dis oras na ng gabi. Baka kung ano'ng sabihin nung mga staff na makakakita sa kanila. Baka kung ano ulit ang gawin nya. naalala mo sa pool nang dumikit sya sayo?' paalala nya sa sarili.

Nang tignan nya ang lalaki, andun sa labas malapit s apintuan at mukhang inaantay sya.

'Hay naku. bahala na nga.' sabi na lang nya.

"What took you so long?" pormal na tanong sa kanya ni james.

Malamig na sa labas. Kung kayat niyakap nya nag sarili habang naglalakad sila. Hindi na nya sinagot ang laalki kaya tahimik na rin itong naglakad.

'Saan kaya ang bahay ng mokong nato,' tanong ni Devon.

Sumunod lang sya sa lalaki. Tumuloy sila sa loob ng hotel. may receptionist pa rin at mangilan ilang guests at mga staff ng hotel. Binati ng mga ito si JAmes. Pormal na tumango lang ito sa kanila. PAti sya binabati rin. Ngumiti lang sya ngunit nahihiya. Pumasok na sa elevator si james habang bantulot pa rin sya kung sasakay din ba sya o babalik na lang sa cottage at bukas na alng kukunin ang cellphone.

'Naku. Napasubo ka na naman,' sabi na lang nya.

Dahil nagdadalawang isip, hinawakan sya ni james sa siko at iginiya papasok sa elevator. Nagulat mana sya ngunit agad din syang binitiwan ng lalaki pagkasara ng elevator. Nakita nyang ipinindot nito ang 8F. Nang marating nila ang 8th floor, dun nya napagtanto na may penthouse pala ang hotel at yun ang residence ng lalaki. wala pa rin silang imikan. May ipinindot na numero si James (pincode) saka bumukas ang pintuan.

"Come in!" paanyaya sa kanya ni james saka ito dumiretso sa loob.

Dala ng hiya, nanatili si devon sa labas ng pintuan.

"Antayin ko na lang dito ang phone. aalis din ako," sabi nya sa binata na nasa loob na.

Nag-antay sya sa labas. Mga ilang minuto na ang nakaakraan ngunit di lumabas si James.

"Sir, nakita nyo na po ba ang phone?" tanong nya ngunit walang sumasagot.

NAg antay pa sya ng ilang minuto. Hindi pa rin lumalabas ang binata.

LAlong nagtaka si Devon dahil wala na syang marinig na kaloskos mula sa loob. Mga beinte minutos syang nakatayo sa labas ng pintuan ngunit hindi pa rin lumalabas ang lalaki. Nang hindi na nya mahintay, sumilip silip muna sya sa loob.

'Nasaan na ang ugok na yun at talagang hindi lumabas. Ano'ng gusto nya maghintay ako rito ng isang oras.' himutok nya.

"Sir, asan na po ang phone," muling tanong nya.

Dahil walang sumasagot, pumasok na sya. namangha sya sa lawak ng living room. Malinis at maganda. Blue ang motiff. Panlalaki talaga ngunit maaliwalas sa mata. May malaking plasma TV sa sentro ng living room. May chandelier. Hinanap nya kung nasaan si james. Iginala nya ang mata sa kabuuan ng bahay nito. Organisado ang mga gamit. wlaang kalat. Hindi mo aakalain na lalaki ang nakatira dahil masinop ang bawat sulok ng bahay.

"So how do you like my place?" maay-maya'y tanong nito mula sa kanyang likuran habang nakatapis ito ng twalya at pinupunasan ang basang buhok.

CHAPTER 8

Nang marating ni Devon ang cottage, dali dali nyang isinara ang pinto at ikinandado. Nanginginig pa rin sya. Bigla nyang natampal ang ulo nang maalala ang ginawa. Nasampal nya si James Roberts dahil sa kabiglaan. Nang ilapit nito ang bibig sa knyaang tenga, amoy alkohol ito ngunit naamoy nya rin ang panlalaking pabango nito. Hindi nya mawari ngunit nang lumapit ito sa kanya, hindi nya alam ngunit na eexcite sya na kinakabahan. Nang ilapit nito ang mga labi sa kanyang tenga at bumulong, nabigla sya. Hindi nya inakalang yun ang sasabihin kaya sa kabiglaan, nasampal nya ito. 

'Hala ka Devon. magbalut-balot ka na ngayon pa lang.' panakot ng kanyang konsensya.

'Wala ka naman kasalanan. nararapat lang yun sa kanya. Kahit sya pa ang pinakamayaman sa buong mundo, hindi nya kelangang...' hindi nya naituloy ang sasabihin.

'Ano nga bang sinabi nya?' kastigo nya sa sarili.

'Do you like me but you're just playin' hard to get,' nagflashback sa kanya ang ibinulong ni james Roberts.

'Totoo ba yun,' tanong nya sa sarili.

'Oh eh bat nagalit ka?' kompronta nya sa sarili.

'Dahil hindi nga totoo,' sagot nya sa sarili

'Pwede mo namang sabihing hindi totoo na di mo na kelangang sampalin pa yung tao.' sigaw ng isip nya.

' Nabigla ako eh,' katwiran rin nya sa sarili.

'Oh ano na ngayon? Imbes na matutuloy ang scholarship mo, baka mapurnada pa.' sabi nya ulit sa sarili.

'Ano'ng gagawin ko?' tanong nya sa sarili.

'Aba! Malay ko sa'yo. Humingi ka ng tawad ULIT. kalowka.' sagot ng isang bahagi ng kanyang isipan.

'Tama lang ginawa mo. Bastos naman talaga yun. ' sulsol naman ng isa pang parte ng utak nya.

Nanlulumong pumasok sa kwarto si Devon. nang mapansin nya, basa nga pala sya. Nagmaamdali syang pumasok sa banyo at naligo. Nilabhan nya ang swimsuit na binigay sa kanya ni Tricia. 

'Naku, ito ang una at huling pagsuot ko sa'yo,' sabay gusgos sa swimsuit.

'Kalowka, pati yan dinamay mo,' sigaw ng isip nya.

Bagamat naguguluhan ngunit natawa pa rin sya sa iniisip.

'ANo bang nangyayari sa'kin. Mula nang dumating ako kaninang umaga, parang nawawala na'ko sa sarili. Hindi ka naman dating ganyan,' paninita nya sa sarili.

Nang matapos sa banyo, pumasok na sya sa kwarto. Inayos nya ang mga gamit.

'Mas mabuti nang handa kung sakali ngang paalisin ako ng James Roberts na yun,' sabi nya sa sarili. Dahil basa pa ang buhok, lumabas sya sa living room at nanood. Nawala sa isip nya ang nangyari at natuwa habang nanonood ng pelikula.

------------

Nang mawala sa paningin nya si Devon, naiiling na hinagod nya ang pisnging sinampal ng babae. Imbes na magagalit ngunit natatawa sya sa nangyari.

'Why did you tell her that all of a sudden,' he scolded himself.

AFter what happened, he realized that his charm doesn't work at all times. And unexpectedly, 'not to that woman.'

Pag may nagustuhan syang babae, he can get sa isang pitik lang. Lalo syang nacurious kay Devon.

'So an ordinary woman named DEVON SERVO can resist your charm,' sabi nya sa sarili.

'NO way,' sigaw agad ng isip nya.

Paalis na sana sya nang makita ang isang bagay na umiilaw. Nang tignan nya, "PATRICK",nag aappear sa screen ng phone.

'IS that Devon's phone?' naisip nya. Ang babaeng yun lang naman ang galing dun sa pool.

Kinuha nya ang phone. Nag iisip kung dadalhin sa cottage ni Devon o ipapabigay na lang nya kay Marissa. Mas minabuti nyang piliin ang huli at nagdesisyon nang umakyat sa penthouse. Hindi na sya natuloy mag swimming dahil sa komprontasyon nya kay Devon. Nang makarating sa penthouse, muli nyang tinignan ang screen ng phone. ANdun ang picture ni Devon na nakatawa. Matatagal syang nakatitig rito hanggang sa magring ang cellphone nya.

Yen: James, come over at the pub house. I need you here right now.

Si Yen ang namamahala sa pub house ng resort. Ngunit kung may customer's problems, sya ang tinatawagan.

Muling bumaba si James at tumuloy sa pub house. AGad siyang sinalubong ni Yen at itinuro ang babaeng halos nakahiga na sa couch.

Yen: Sabi nya, special guest daw sya ng resort eh hindi ko naman alam kong saan ko dadalhin. Hayan at mukhang lasing na.

Nang tigann ni james kung sino, namukhaan nya ang isa sa mga sponsored guests nila na nagngangalang Tricia.

James: I know her. DOn't worry, I'll take her to their cottage.

Yen: Are yous ure?

Nag-aalalang tanong ni Yen sa boss. Ito ang gusto nya kay James, kahit na laging seryoso ngunit madaling lapitan. Patas ang trato nya sa mga tauhan sa resort, manager man o janitor. NAkita nyang inalalayan ni James ang babae.

'Mukhang malaki ang problema.' naisip na lang ni Yen at saka ito bumalik sa counter.

Nahihirapan na siJames dahil halos lupaypay na ang ang babae. Nang makarating sa cottage, kinatok nya ang pinto.

"Sino yan?" Narinig ni James mula sa pamilyar na boses. Muli nyang kinatok ang pinto at hindi nagsalita.

"Sino yan sabi," muling tanong ni Devon.

Kung si Tricia ang kumakatok, bakit hindi ito nagsasalita. nang muli itong kumatok sa pangatlong beses, hindi na sya nagsalita.

Samantalang si James na nahihirapan na sa bigat ng lasing na babae, nagsimula na ring mapikon.

"This is James. Your friends is drunk and she coulndn't even go back here. Open the door," bulyaw nito.

Natameme si Devon. Di nya alam kung bubuksan ba nya ang pinto o hindi.

'Narinig mo sinabi nya? Anjan sa labas si Tricia. lasing daw.' sabi ng isang parte ng utak nya.

Dali-daling binuksan nya ang pinto at nakita ang lupaypay na TRicia. Inalalayan nya ito dahil parang nahihirapan na si James. Sa pag alalay nya, di rin sinasadyang mahawakan nya ang lalaki.

"Where's her room?" tanong nito sa kanya.

"Jan," sabi nya. Nang maipasok nila si Tricia, lumabas agad ang lalaki. Habang inayos naman ni Devon ang pwesto ni tricia. Inalis ang high heels. Nang makitang okay na, lumabas na ito. Akala nya, umalis na rin ang lalaki ngunit paglabas nya, tahimik itong nakaupo sa couch at nakatingin sa TV.

"Salamat sa pagdala sa kanya rito," sabi ni Devon. Ngunit di man lang tumingin ang lalaki sa kanya. parang interesadong nanonood.

'Aba'y nabingi na ba sya sa sampal ko,' himutok ni devon nang hindi sya nito pansinin.

Umupo sya sa couch at tinignan ulit ang lalaki.

"Mr. Robert, salamat po uli sa pagdala sa kanya rito." mas nilakasan na nya ang boses.

Ngunit animoy wala itong narinig. At dahil nagkataong komedya ang pelikula, tumawa pa ito. nainis si devon sa pagwawalang bahala nito sa kanya.

'Ano'ng karapatan mo te?' tanong ng konsensya nya.

Nang hindi nya mahintay na magsalita ang lalaki, tumayo na si Devon.

"Do you have something to eat? I'm starving." biglang sabi sa kanya ng lalaki. Hindi pa rin sya nito tinitignan. Bagamat naiinis, dumiretso sya sa kitchen at tinignan ang ref habang nasa salas si James.

CHAPTER 7

Kasalukuyang pumipili ng isusuot na shorts si Devon nang may kumatok. Si Tricia. Nakabihis na ito. Napakasexy nya sa kanyang damit. Nakalugay ang mahabang buhok. Nakita nito ang hawak na shorts ni Devon.
Tricia: Yan ba ang isusuot mo? Wala ka bang swimsuit?
Devon: Manipis naman to. Okay lang siguro.
Tricia: Ang alam ko required na swimsuit isuot pag ganitong mga first class resort. Meron ako'ng extra. Sa Hongkong ko pa nabili yun with my mom. Bigay ko na lang sa'yo.
Devon: Ha? Wag na Trish. Okay nako dito.
Tricia: Halika.
Hinila ni tricia ang kamay ni Devon at pumasok sila sa kwarto ni Tricia. may kinuha sya sa kanyang bag.nang makita ang hinahanap, lumapit ito kay Devon saka ibinigay.
Tricia: Ito. Bago pa yan. Last week ko lang binili.
Nag aalangan kung kukunin ba ni devon o hindi na lang sya magsuswimming. Nakita ni Tricia ang pagdadalawang isip ni Devon kaya kinuha nito ang kamay at binigay sa kanya. Sayo na yan.
Tricia: Sige. Babush. Alis na ako. Baka maraming cute ngayon sa pub. Swimming ka na. Gamitin mo na yan.
Saka umalis si Tricia. Naiwan si Devon na nag aalangan kung pupunta ba sya at magsuswimming o wag na lang. Bumalik sya sa kanyang kwarto at tinignan ang ibinigay sa kanya na swimsuit. Nanlaki ang kanyang mga mata. Napakasexy ng swimsuit. Isang banded halter top matched with tie side hipster bottom. Hindi ito kayang suotin ni Devon. Lumaki sya sa isang konserbatibong pamilya. Nasanay syang nagsusuot ng mga simple lang. Pag kumakanta sya kasama ang banda, jeans at t-shirt lang. Hindi naman sya pinipilit ng mga kasama na magpaka-girly dahil alam nilang hindi ito sanay. Ang mahalaga naman daw ay ang boses nya. Iniisip nya, ano'ng gagawin nya sa resort kung hindi sya magsuswimming? Tinignan nya ang orasan.
'Mag aalas diyes na. may tao pa kaya sa swimming pool?' tanong nya sa sarili.
Nagdesisyon syang isuot ito ngunit sinuot nya ang kanyang bathrobe. Pag may tao, hindi sya magsuswimming. Kung wala, magsuswimming sya. Isinuot nya ang binigay sa kanya ni Tricia. Kung may sobra syang pera pagkatapos ng isang linggo, babayaran nya ito sa kanya.
'Pero sa Hongkong nya binili.Mahal yan for sure.' sabi nya sa sarili. 'Bahala na. Kung diko man mababayaran nang buo, eh di kunin ko na lang bank account nya para bigay ko pag nagka gig ulit ako.'
Lumabas na si Devon at tumuloy sa swimming area. Talagang napakaganda ng resort.
May mangilan ngilan pa ring nagsuswimming. Sabi kanina ni Ms. marissa may swimming pool pa sa likod ng resort. Exclusive yun for the owner at owner's guests. Since special guests sila, pwede daw nilang gamitin yun. Nakita din nya sa wakas. Natuwa sya dahil walang tao. Malawak ang swimming pool. May mga lamp posts na nakapalibot at mga palm trees. May mga benches din. Lumapit sya sa pool at isinawsaw ang isang paa. Maligamgam ang tubig. Marahil may heating system din ang pool. Muli syang nagpalinga linga sa paligid. Nilibot ang buong pool.
'Mukhang wala namang tao.' sabi nya sa sarili.
Tinanggal nya ang tali ng kanyang bathrobe. Tumingin ulit sa paligid. Pagkuway, dali daling tinanggal ang bathrobe at masayang lumusong sa tubig. Mga sampung minuto syang nagtampisaw at lumangoy na pabalik balik. Nang mapagod, Nagback crawl. Nakatingala sya sa langit. Nakikita nya ang mga bituin. Walang anu ano, ipinikit nya ang mga mata habang nakangiti. Hindi nya alam, may mga pares na mga matang nakatunghay sa kanya.
-------------------------------
Dahil badshot si James, tumuloy sya sa swimming pool. Ngunit naiisip pa rin nya ang pinag usapan nilang magkapatid. Kaya sa halip, tumuloy sya sa minibar na malapit din sa pool. Exclusive ang pool para sa family at guests ng pamilya. Minsan, dito din ginaganap ang exclusive gatherings ng intimate family friends ng mga Roberts o kung may espesyal na okasyon. Habang umiinom, napansin nyang may isang taong lumapit sa pool. Sasabihan nya sana itong ekslusibo ang lugar nang makita nyang lumilinga linga ito na parang tumitingin kung may tao sa paligid. Dala ng kuryusidad, hinayaan nya itong libutin ang pool. Natantya nya na ito'y babae dahil sa balingkinitan at mahabang buhok nito. Hindi nya mamukhaan dahil dim ang ilaw sa paligid.  Na curious sya kung ano ang sunod na hakbang nito pagkaraang libutin ang pool. Muling nagpalinga linga ang babae na parang chinicheck kung may tao ba. Hindi sya nito nakita dahil nakapatay ang ilaw sa mini bar. Pagkaraan nang ilang saglit, tinanggal nito ang bathrobe. Napasinghap si James. Kahit medyo malayo ang babae ngunit naaninag nito ang napakagandang hubog ng katawan. Itinakip nito ang mga kamay sa kanyang pangharap at dali-daling lumusong sa tubig, Hindi alam ni James kung ang init na naramdaman ay dala ng nainom na alak o epekto ng babaeng nasa pool ngayon. Pinagmasdan nya ito habang pabalik balik na lumalangoy. Muli syang tumungga at uminom. Mukhang napakabilis na nyang maapektuhan ngayon ng mga babae samantalang sa mga bansang narating nya, maraming mas sexy at mas magaganda ngunit hindi ganun ang epekto nito sa kanya. Aalis na lamang sya ngunit nang muling tignan ang babae, nakalutang na ito sa swimming pool. Biglang kinabahan sa pag aakalang may nangyari sa babe. Dali-daling pinuntahan ni james ang babae only to find that she's doing a backstroke. Lalo syang nagulat nang matunghayan ang mukha nito. It's the same woman she just met this morning.. He ran his eyes sa kabuuan ni Devon. He saw her this mornign wearing a boyish attire na kaibang kaiba sa babaeng nakikita nya ngayon.
'She is a goddess.' naiisip nya. 'Perfect curves. Not too less..not too much.' Lumunok sya nang ibaba nya ang paningin sa kabuuan ng dalaga.
Naramdaman ni Devon na hindi sya nag iisa. nang imulat nya ang mga mata nakita nya ang isang lalaking nakatunghay sa kanya.
Sa pagkagulat, napasigaw na lang sya.
"BAstos..maniac," sigaw nito.
Natauhan si James sa sigaw ng dalaga. Tumingin sya sa paligid. Dahil natamaan ng liwanag ang mukha nito, narecognize ito ni Devon. Biglang nanlamig ang kanyang pakiramdam nang matantong ang kasama nya ngayon ay si James Roberts ulit. Huli na para bawiin nag nasabi. Muli syang tinignan ni james na ngayon ay pormal na ang mukha.
"Why are you here?" malamig na tanong nito sa kanya.
Hindi makapagsalita si Devon. Niyakap nya ang sarili. Hindi nya alam ang gagawin kung aahon na ba sya. Ngunit nasa tabi ng kinatatayuan ng lalaki ang bathrobe nya.
"This is exclusively for the owners and intimate friends of our family. WHy are you here?" muling tanong ni James na ngayon ay nakakunot ang noo habang nakatingin sa kanya.
"And what did you just say? Bastos? Maniac?" Sunod na tanong nito.
Wala siyang maisip isagot sa lalaki.
Tinignan ni Devon ang bathrobe sa tabi ng lalaki. Tinignan din ito ni james. Nakuha agad nito ang gustong mangyari ni Devon. Ngunit bakit nagdadalawang isip si James na ibigay ang bathrobe sa dalaga. Ngunit nang makitang parang nangangatal na ang bibig ng dalaga na  parang giniginaw, kinuha nya ang bathrobe at inilapag malapit kay Devon. Tinitignan lang sya ni Devon. Nang mailapag ang bathrobe, tumalikod sya sa dalaga.
"Okay. Wear your bathrobe now. Hurry. I won't look." ngunit sa isip nya, naghuhumiyaw ang kagustuahng lumingon rito.
Walang sinayang na sandali si Devon. Dali-dali syang umahon at isinuot ang bathrobe habang nakatingin kay James na nakatalikod sa kanya.
"Are you done?" tanong ng lalaki.
NAng maisuot at maitali ang bathrobe, parang nakahinga nang maluwang si Devon.
"Okay na." sabi nya sa lalaki.
Nang lumingon ito, nakita nyang mahigpit na nakayakap sa sarili ang dalaga. James can't still get over sa nakitang kabuuan ng dalaga bagamat natatkpan na ito ng bathrobe.
"SO why are you here," muling tanong ni james sa kanya.
"Akala ko walang tao. Sabi kasi ni Ms. marissa, pwede daw kami magswimming dito. Hayaan nyo po, hindi na mauulit. Sige po," paalis na si Devon ngunit muling nagsalita ang lalaki.
"Why do you keep on getting away from me?" tanong nito sa kanya. This time, may lambing sa tinig nito.
Liningon nya ang lalaki at nakita nito ang namumungay na mga mata. Palapit rin ito sa kanya. Gustong lumayo ni devon at umalis. Ngunit parang nakaglue ang mga paa at hindi nya ito maihakbang. Hanggang sa makalapit sa kanya si James.
"WHy do you look so scared of me?" hinawakan nito ang buhok na tumatabing sa kanyang mga mata. Inilapit ni James ang mga labi sa tenga ng dalaga saka bumulong.
"Or do you like me but just playin' hard to get?" bulong nito sa kanya
NArindi si Devon sa narinig at isang malakas na sampal ang ibinigay sa lalaki saka ito tumakbo palayo.  Hinawakan ni james ang kanang pisngi na sinampal ni Devon habang nakatingin sa babae palayo sa pool.

Friday, December 17, 2010

CHAPTER 6

Sinalubong sya ni Marissa sa bungad ng opisina nila. Magiliw sya nitong ipinakilala sa assistant ni James. Mabait ito at palatawa.

Ms. Lavender: Pasensya ka na sa akin Devon. Medyo lukaret minsan. Pero mas mabuti na diba kesa naman maging pader na gaya nung amo ko.

Saka ito tumawa. Napapangiti sya habang nakikinig kay Ms. lavender. Yun nga ba talaga ang personalidad ng isang James Roberts? Ngunit, bakit iba ang nakausap nya kanina sa taas? Maya maya lang may pinapirma na sa kanya ang assistant. Ininterview din sya tungkol sa kanyang buhay at sa background ng kanyang pamilya. Nang matapos ang kanilang pag-uusap, sinabi sa kanya na antayin na lang nya ang final decision ng mga Roberts. Sinabihan na syang bumalik sa kanilang cottage. Maya mayang alas syete, pwede na silang mag dinner.

Tahimik ang cottage nang makapasok si Devon. Maaaring nakaidlip ang mga kasama. Pumasok na rin sya silid. Inayos ang mga gamit. Tatanong nya kung pwedeng mag night swimming pagkatapos kumain. Ano ang silbi ng magagandang pool kung hindi sya makakapaglangoy. Kahit di sya masyadong marunong, meron naman sigurong mababaw lang. Tatanong nya kay Ms. Marissa mamya.

Nakaidlip din sya sandali. Nagising sya sa mahinang katok sa pinto. Nang buksan nya, si Fretzie pala. Tumawag daw si Ms. Marissa na pwede na silang kumain. Pumunta na ang tatlo sa restaurant. Bakit habang papalapit sa restaurant, hinihiling nyang makita ulit ang pamilyar na mukha. Ngunit dumating sila dun at natapos kumain na di nya nakita si James. Tinanong nya kay Ms. marissa kung pwede silang mag night swimming. Oo naman daw. Sya lang ang may gustong lumangoy dahil ang paalam ni Tricia, pupunta ito sa pub house. Si Fretzie naman, sumakit ang ulo kaya gusto nyang magpahinga muna.

Sa penthouse ni James, kanina pa sya nakatingin sa kanyang bintana. Malayong nakatingin sa dagat. Naguguluhan kung bakit ganun ang epekto ng babaeng kakikilala lang nya.

Pumasok sya sa opisina para mawala ito sa isip nya ngunit di sya makapag concentrate. Niloloko sya ni Ms. lavender kung ano daw ba ang nangyayari sa kanya. Dahil mismo sa sarili, di nya alam ang sagot kaya nagdesisyon syang pumanhik sa viewdeck. Matagal din syang nakatayo at nakatingin sa kawalan nang makita nyang pumasok ang babaeng laman ng kanyang utak. Tuwang tuwa ito. May ningning ang mga matang nakatingin sa dagat. nang ipikit nito ang mga mata para damhin ang simoy ng hangin, napasinghap si James. Di nya maipaliwanag ngunit tumatak sa isip nya ang ganung itsura ng dalaga.

'Devon..Devon...Devon...' muling sambit nya sa pangalan ng babae.

Kung tutuusin, panlalaking pangalan ito at kahit ang pananamit nito ay boyish din, he can't deny na babaeng babae ito habang tinititigan nya. May biloy ito at napakaganda ng kanyang mga mata. Waring nangungusap.. Nang magtama ang kanilang paningin, he swore he could have.....

'What?' tanong nya sa sarili... nangingiting ipinilig ang ulo. Hindi pa pala sya nagdinner. Just the thought of that woman fills his stomach. He's not starving. Ngunit ang posibilidad na makita nya ulit ito sa restaurant, yun ang nang engganyo sa kanya para bumaba at kumain. Papalabas na sana sya sa kanyang penthouse nang may kumatok.

It is his sister Lorie. Nakalimutan nya na mag uusap pala sila ng ate nya.

"Aren't you hungry yet?" tanong ng kanyang ate at dumiretso sa kanyang kitchen. "What did you cook for yourself, dd?"

"Stop calling me dd. I'm no longer a child." sabi nya sa ate. His sister used to call him dd since he was young. Sabi kasi nila, James looked exactly like their daddy when the old Roberts was younger. PAreho rin ng ugali. They called tehir father 'daddy', they called him 'little daddy.' Pero dahil mahaba, Lorie changed it into 'dd'. Until now, his sister fondly calls him 'dd' 

Natatawang lumabas si Lorie. Ngayon lang nya napansin na hawak ni James ang cellphone nito. She knew na lalabas ang kapatid hawak ang cellphone.

"Are you going out?" tanong nito sa kapatid.

"Supposedly. I'm starving. kakain sana ako sa resto." casual na paliwanag nya sa kapatid.

"Hmm! Strange. You like to cook your dinner rather than to eat in my restaurant." Casual ding puna ng kapatid.

"Oh! I'm just lazy this time." simpleng sagot nito.

"Which is another strange thing today. You're never lazy when it comes to cooking." this time, nakatingin na ang kapatid sa kanya.

"Come one. what's your point Lorie?" kunot-noong tanong nya sa kapatid.

"Hey.Relax lil bro." natatawang sabi ni Lorie. Lumapit ito sa bintana at inayos ang kurtina. "I didn't mean anything. I'm just curious."

"Well, I'm just really lazy today..also stressed. You know we have a big event to come this Sunday." turan nito sa kapatid.

Naghahanda ang buong resort ng kanilang annual party kasama ang mga guests. Until now, hindi pa rin na finalize ang mga performers dahil biglang umalis si Bret. Bukas pagdating nito, saka nila aayusin ang lahat.

"What do you think of our guests?" maya maya'y tanong ni Lorie sa kanya.

"Guests? We have hundreds of guests." pilosopong sagot nito. Sya man ay nagtataka sa pagtatanong ng kapatid about the guests ng hotel or ng resort.

"No, I mean the three ladies. They won the contest, right? Parang kakilala mo yung isa. What's her name?" tanong ng kapatid.

"Who? " pagmamaang maangan nya.

"The girl named Devon. She's pretty, isn't she?" tanong nya sa kapatid.

Muling napangiti si James nang maalala ang engkwentro nya sa babae. Ngiting hindi nakaligtas sa paningin ng kanyang kapatid. Kakaibang ngiti na hindi nya nakita in his months of stay in lieu of their father sa pamamahala ng business.

"They're all pretty." pormal na sagot ni James sa kapatid. "That girl names Tricia looks like a model. Fretzie looks sweet. They can make a good girl band."

"What about Devon?" tanong pa rin nya sa kapatid.

"She looks simple. A little boyish. " simpleng sagot ni James sa kanyang kapatid habang sa isip nya, marami pang adjectives ang nandun to describe that girl. 'simply gorgeous' 'sweetest smile' 'most expressive eyes'....habang iniisip, di nya namamalayang napapangiti sya which didn't escape Lorie's notice. But rather than to comment, she chose to keep her thoughts to herself.

"SO dad will be back next month. Tita Bittey is taking care of him well. But dad sent Ivan to help you in running the resort. He's in manila right now but he must be here tomorrow." pag iiba ni Lorie sa usapan.

'So it's his dad. That's the reason why Ivan is coming over.' sa isip ni James.

"Dad didn't trust me that enough yet, did he? Why is he sending Ivan? You're here already assisting me in running the resort." may bahid hinananakit na tanong nya sa kapatid.

"Don't think that way. Ivan worked in famous hotel in New York and had been around in different countries in Europe managing different hotels. So dad must have thought that Ivan can share his experience with you." depensa ng kapatid sa ama at sa kanilang pinsan.

"I'm running the resort well, ain't I? But if that's what dad wants, fine!" tumayo na ito at pumunta sa kwarto. Kumuha ng towel at swimming trunk.

"Where are you going?" tanong ng kapatid.

"Swimming. Just lock the door." iniwan na nito ang kapatid at bumaba. Naiinis sya that until now, he felt he couldn't meet the expectation of his father. That he couldn't handle the responsibility on his own. He needs to swim para mawala ang inis nya. Kanino ba sya naiinis?
Most likely sa sarili nya. Kaya papagurin nya ang sarili through swimming. It's his way of releasing anger. of being pissed off  with his own limitations. He felt this this the only venue he excelled..so as in cooking.

Napapiling na lang si Lorie habang nakatingin sa pinto. 'James, you're still dd.still childish.' naisip nya.