Thursday, December 16, 2010

CHAPTER 3

Nang makita ni Lorie and kapatid, agad itong ngumiti at kinawayan si James. Lumapit ito sa kapatid na katabi ni Ms. Marissa at ng dalawang dalaga. Magaganda ang mga ito. Maputi ang isa samantalang matangkad na parang model ang isa. Muling sumagi sa isip nya ang nakaengkwentro nyang babae kanina. Malayung malayo ang itsura nito sa kanila.

"Hey brother, you wake up so late again," umiiling iling na sita ng kanyang ate sa kanya.

"You know the reason why," natatawang tugon nito sa kapatid. Kasama ito sa board meeting at alam nyang overtime ang mga staff ng Hotel sa closed door meeting nila kagabi.

"Alright. By the way, I'd like you to meet Fretzie and Tricia. They're the sponsored guests of the hotel to stay here for a week. Actually tatlo sila.. Parating na rin ang kasama nila," paliwanag ng kapatid.

Magiliw na inilahad ni James ang mga kamay para makipaghandshake sa dalawang dalaga. Well, they're really pretty. Makinis. AT mukhang may class. 

"I'm james, general manager of this resort. Congratulations for winning and welcome to JAEVON resort. I hope you'll enjoy your stay." sabi nya sa mga ito habang nakatitig sa dalagang nagngangalang TRicia. Ngumiti ito sa kanya.

"I'm sure mag eenjoy kami. The resort is really beautiful." sabi ni Tricia kay James.

"Thank you. After eating, siguro itotour kayo ni Ms. Marissa in and around the resort. " pagbibigay alam nito sa dalawang guest. "Shall we order? Ano'ng gusto nyo?" pag iiba ni James sa usapan. In fact, nagugutom na rin sya.

Habang pumipili ng makakain ang lahat, sya namang pagdating ni Devon. Hinanap nya kung saan nakapwesto ang mga kasama. Nagpalinga linga sya. Tyempong tumingin si MArissa sa pinto kung kayat nakita nya si Devon. Kinawayan nya ito para lumapit na sa mesa nila. Dali dali nyang pinuntahan ang mesa nina Ms. MArissa. Napansin nyang may kasama ang mga ito na isang mestisang babae at isang lalaki. Di nya ito nakilala dahil nakatalikod ito. Maaaring ito ang may ari ng resort. 

"Sorry po. May nakalimutan lang po ako," nakangiting paumanhin ni Devon sa mestisang babae dahil sa tantya nya, ito ang boss ni Marissa.

Nang magbaba sya ng tingin sya din namang pagtaas ng tingin ng lalaking nakaupo at nakahawak ng menu.

Sabay silang nagulat pagkakita nila sa isat isa.

Devon: Ikaw?
James: You?

Sabay pa silang nagsalita. Nagulat at nagtaka ang mga kasama nila.

Lorie: Do you know each other?

Sabay silang lumingon kay Lorie. Saka ulit sila nagkatinginan.

Marissa: Devon, he's Mr. James Roberts, General Manager of the JAEVON HOTEL. Sila ang may-ari ng JAEVON Resort.

Biglang napahiya si Devon. Ang lalaking pinagsupladuhan nya kanina, sya palang may ari ng Resort. Parang gusto nyang lumubog sa kinatatayuan nya ngayon. Nakakahiya. At baka dahil din dun, magbabalot na sya paalis sa resort. Nang tignan ni Devon ang lalaki, lalo syang napahiya dahil nakangisi ito. Para syang maiiyak sa hiya.

Lorie: Please sit down. I'm Lorie, James' sister.

Tumango si Devon kay Lorie. Tumingin kung saan pwedeng umupo ngunit wala nang bakanteng upuan maliban sa upuan na nasa tabi ng lalaki.

Imbes na magalit, naaliw si James sa reaksyon ng dalaga. nakita nya kung paanong parang binuhusan ito ng napakalamig na tubig pagkaraang maipakilala sya ni Marissa. Ngunit naawa din sya dahil parang maiiyak ito sa hiya. Hindi nya alam ngunit parang gusto nya itong lapitan at yapusin. Nag aalangan itong umupo sa tabi nya kaya tumayo sya at iniurong ang silya at iminwestrang umupo na ito rito. Bagamat bantulot pa rin ang dalagang umupo, umupo na rin. Saka lang din sya umupo sa tabi nya. Ramdam nya ang tensyon ng dalaga dahil parang nanginginig ang mga tuhod nito.

Marissa: Sir, she's Devon Servo, the winner of the singing contest held at the city

Pagpapakilala ni Marissa sa dalaga.

'Devon......Devon....Devon...' inulit ulit ito ni James sa isip nya.

James: Nice meeting you Devon. Congratulations for winning. Welcome to JAEVON resort."

Tinignan ni Devon ang kamay na iniaabot ng lalaki. Nahihiya man pero inabot nya ito.

Devon: Thank you sir!

NAnlalamig ang kanyang kamay at alam niyang naramdaman ito ng lalaki.

James: Your hand is cold. Are you okay?

Binawi nya agad ang kamay.

Nang sumabad si Tricia.

Ticia: Kararating nya kasi and first time nyang sumakay ng ferry so I guess, di pa rin sya makaget over. But she's fine I'm sure.

Nagkibit balikat si James at muli itong tumingin sa menu.

Fretzie: Devon, mag order ka na? Ano'ng gusto mo'ng kainin?

Devon: Kahit ano. Okay lang.

James: Here's the menu. Look for something you want

Hindi makatingin si Devon kay james kaya kinuha na lang nya basta ang menu. Tinignan nya ang nasa menu pero hindi naman nya alam kung ano ang mga yun. Di pa ata sya nakakakain nun.

Waiter: Sir, ano po'ng order nila?

Nagbigay na ng order ang mga ito ngunit hindi makapili si Devon. Hindi nya alam ang mga nasa menu. Nakita nya ang pangalan ng pasta kung kayat yun ang itinuro nya sa waiter. Habang nag aantay, nagsimulang magkwento si Tricia tungkol sa business ng family nya.
Merong kaya ang mga ito. Sumali sya sa singing contest dahil hilig talaga nito ang pagkanta. Ganun din si Fretzie, isang doctor ang ama nito at may kaya rin ang pamilya.

Tricia: What about you Devon?

Devon: Ha? Wala kaming business. Messenger ang tatay ko ng isang kompanya sa amin. Hindi nga ako nakapagtapos ng college kasi hindi kaya ng pamilya ko. So rumaraket ako bilang singer ng isang banda sa amin.

Lorie: You know what, we sponsored some students in their college so maybe we can talk about it if you're interested. You can go to the admin office and talk to Ms. Lavender, James' assistant.

Nabuhayan ng loob si Devon. Sobra sobrang biyaya to kung sakali. Abot ang kanyang ngiti sa kapapasalamat at di nya namamalayang umiiyak na pala sya sa kaligayahan.

James: Hey! Easy!

Di namalayan ni James na pinupunasan na nya sa pamamagitan ng kanyang mga kamay ang luhang umaagos sa pisngi ng dalaga. Nagulat din ang dalaga nang maramdaman ang haplos ng lalaki sa kanyang pisngi. Nagbaba sya ng tingin at pinunasan ang mga matang hilam sa luha. HAbang nakangiting nakatingin sa kanila sina Marissa, Lorie, Fretzie habang seryoso naman ang mukha ni Tricia.

Devon: Thank you!

Hanggang dumating ang mga order nilang pagkain. Tahimik na silang kumakain. Masarap ang napili nyang pagkain. Buti na lang. Hanggang matapos silang kumain, wala pa rin silang imik Isinerve na ng waiter ang dessert nila. Naunang matapos kumain si James.

James: Marissa, tour them around the resort. Then tomorrow, send them to my office. By that time, Bret has already arrived.

Masaya itong tumango sa amo. Tumayo ngunit muling lumingon sa kanya.

James: If you're interested with the scholarship, you can talk to Ms. Lavender around 6pm at the admin office. Ask marissa where it is.

Pagkatapos nitong sabihin, umalis na. 

Lorie: I'll come at your office dd...

Natatawang pahabol ng kapatid. Itinaas na lang nya ang kamay na nakatalikod habang naglalakad palabas ng restaurant.

1 comment:

  1. yes..scholarship for devon..go for it girl..nice chapter te jezziel..

    ReplyDelete