Nang marating ni Devon ang cottage, dali dali nyang isinara ang pinto at ikinandado. Nanginginig pa rin sya. Bigla nyang natampal ang ulo nang maalala ang ginawa. Nasampal nya si James Roberts dahil sa kabiglaan. Nang ilapit nito ang bibig sa knyaang tenga, amoy alkohol ito ngunit naamoy nya rin ang panlalaking pabango nito. Hindi nya mawari ngunit nang lumapit ito sa kanya, hindi nya alam ngunit na eexcite sya na kinakabahan. Nang ilapit nito ang mga labi sa kanyang tenga at bumulong, nabigla sya. Hindi nya inakalang yun ang sasabihin kaya sa kabiglaan, nasampal nya ito.
'Hala ka Devon. magbalut-balot ka na ngayon pa lang.' panakot ng kanyang konsensya.
'Wala ka naman kasalanan. nararapat lang yun sa kanya. Kahit sya pa ang pinakamayaman sa buong mundo, hindi nya kelangang...' hindi nya naituloy ang sasabihin.
'Ano nga bang sinabi nya?' kastigo nya sa sarili.
'Do you like me but you're just playin' hard to get,' nagflashback sa kanya ang ibinulong ni james Roberts.
'Totoo ba yun,' tanong nya sa sarili.
'Oh eh bat nagalit ka?' kompronta nya sa sarili.
'Dahil hindi nga totoo,' sagot nya sa sarili
'Pwede mo namang sabihing hindi totoo na di mo na kelangang sampalin pa yung tao.' sigaw ng isip nya.
' Nabigla ako eh,' katwiran rin nya sa sarili.
'Oh ano na ngayon? Imbes na matutuloy ang scholarship mo, baka mapurnada pa.' sabi nya ulit sa sarili.
'Ano'ng gagawin ko?' tanong nya sa sarili.
'Aba! Malay ko sa'yo. Humingi ka ng tawad ULIT. kalowka.' sagot ng isang bahagi ng kanyang isipan.
'Tama lang ginawa mo. Bastos naman talaga yun. ' sulsol naman ng isa pang parte ng utak nya.
Nanlulumong pumasok sa kwarto si Devon. nang mapansin nya, basa nga pala sya. Nagmaamdali syang pumasok sa banyo at naligo. Nilabhan nya ang swimsuit na binigay sa kanya ni Tricia.
'Naku, ito ang una at huling pagsuot ko sa'yo,' sabay gusgos sa swimsuit.
'Kalowka, pati yan dinamay mo,' sigaw ng isip nya.
Bagamat naguguluhan ngunit natawa pa rin sya sa iniisip.
'ANo bang nangyayari sa'kin. Mula nang dumating ako kaninang umaga, parang nawawala na'ko sa sarili. Hindi ka naman dating ganyan,' paninita nya sa sarili.
Nang matapos sa banyo, pumasok na sya sa kwarto. Inayos nya ang mga gamit.
'Mas mabuti nang handa kung sakali ngang paalisin ako ng James Roberts na yun,' sabi nya sa sarili. Dahil basa pa ang buhok, lumabas sya sa living room at nanood. Nawala sa isip nya ang nangyari at natuwa habang nanonood ng pelikula.
------------
Nang mawala sa paningin nya si Devon, naiiling na hinagod nya ang pisnging sinampal ng babae. Imbes na magagalit ngunit natatawa sya sa nangyari.
'Why did you tell her that all of a sudden,' he scolded himself.
AFter what happened, he realized that his charm doesn't work at all times. And unexpectedly, 'not to that woman.'
Pag may nagustuhan syang babae, he can get sa isang pitik lang. Lalo syang nacurious kay Devon.
'So an ordinary woman named DEVON SERVO can resist your charm,' sabi nya sa sarili.
'NO way,' sigaw agad ng isip nya.
Paalis na sana sya nang makita ang isang bagay na umiilaw. Nang tignan nya, "PATRICK",nag aappear sa screen ng phone.
'IS that Devon's phone?' naisip nya. Ang babaeng yun lang naman ang galing dun sa pool.
Kinuha nya ang phone. Nag iisip kung dadalhin sa cottage ni Devon o ipapabigay na lang nya kay Marissa. Mas minabuti nyang piliin ang huli at nagdesisyon nang umakyat sa penthouse. Hindi na sya natuloy mag swimming dahil sa komprontasyon nya kay Devon. Nang makarating sa penthouse, muli nyang tinignan ang screen ng phone. ANdun ang picture ni Devon na nakatawa. Matatagal syang nakatitig rito hanggang sa magring ang cellphone nya.
Yen: James, come over at the pub house. I need you here right now.
Si Yen ang namamahala sa pub house ng resort. Ngunit kung may customer's problems, sya ang tinatawagan.
Muling bumaba si James at tumuloy sa pub house. AGad siyang sinalubong ni Yen at itinuro ang babaeng halos nakahiga na sa couch.
Yen: Sabi nya, special guest daw sya ng resort eh hindi ko naman alam kong saan ko dadalhin. Hayan at mukhang lasing na.
Nang tigann ni james kung sino, namukhaan nya ang isa sa mga sponsored guests nila na nagngangalang Tricia.
James: I know her. DOn't worry, I'll take her to their cottage.
Yen: Are yous ure?
Nag-aalalang tanong ni Yen sa boss. Ito ang gusto nya kay James, kahit na laging seryoso ngunit madaling lapitan. Patas ang trato nya sa mga tauhan sa resort, manager man o janitor. NAkita nyang inalalayan ni James ang babae.
'Mukhang malaki ang problema.' naisip na lang ni Yen at saka ito bumalik sa counter.
Nahihirapan na siJames dahil halos lupaypay na ang ang babae. Nang makarating sa cottage, kinatok nya ang pinto.
"Sino yan?" Narinig ni James mula sa pamilyar na boses. Muli nyang kinatok ang pinto at hindi nagsalita.
"Sino yan sabi," muling tanong ni Devon.
Kung si Tricia ang kumakatok, bakit hindi ito nagsasalita. nang muli itong kumatok sa pangatlong beses, hindi na sya nagsalita.
Samantalang si James na nahihirapan na sa bigat ng lasing na babae, nagsimula na ring mapikon.
"This is James. Your friends is drunk and she coulndn't even go back here. Open the door," bulyaw nito.
Natameme si Devon. Di nya alam kung bubuksan ba nya ang pinto o hindi.
'Narinig mo sinabi nya? Anjan sa labas si Tricia. lasing daw.' sabi ng isang parte ng utak nya.
Dali-daling binuksan nya ang pinto at nakita ang lupaypay na TRicia. Inalalayan nya ito dahil parang nahihirapan na si James. Sa pag alalay nya, di rin sinasadyang mahawakan nya ang lalaki.
"Where's her room?" tanong nito sa kanya.
"Jan," sabi nya. Nang maipasok nila si Tricia, lumabas agad ang lalaki. Habang inayos naman ni Devon ang pwesto ni tricia. Inalis ang high heels. Nang makitang okay na, lumabas na ito. Akala nya, umalis na rin ang lalaki ngunit paglabas nya, tahimik itong nakaupo sa couch at nakatingin sa TV.
"Salamat sa pagdala sa kanya rito," sabi ni Devon. Ngunit di man lang tumingin ang lalaki sa kanya. parang interesadong nanonood.
'Aba'y nabingi na ba sya sa sampal ko,' himutok ni devon nang hindi sya nito pansinin.
Umupo sya sa couch at tinignan ulit ang lalaki.
"Mr. Robert, salamat po uli sa pagdala sa kanya rito." mas nilakasan na nya ang boses.
Ngunit animoy wala itong narinig. At dahil nagkataong komedya ang pelikula, tumawa pa ito. nainis si devon sa pagwawalang bahala nito sa kanya.
'Ano'ng karapatan mo te?' tanong ng konsensya nya.
Nang hindi nya mahintay na magsalita ang lalaki, tumayo na si Devon.
"Do you have something to eat? I'm starving." biglang sabi sa kanya ng lalaki. Hindi pa rin sya nito tinitignan. Bagamat naiinis, dumiretso sya sa kitchen at tinignan ang ref habang nasa salas si James.
next pls,.,.,.,.,.
ReplyDeletebitin pa rin.... waaaahhhh!!!
ReplyDeletenatawa ako sa nabingi dahil sa sampal!! hahaha...