Thursday, August 4, 2011

CHAPTER 21

Agad syang kinabig ni James paharap sa kanya at hinapit ang kanyang bewang. Nasa gitna na sila ng hall kasama ang ibang guests na nagsasayaw din. Andun din sina Patrick and Ann. Nakatayo si Sam at kausap nito si Yen ngunit huminto nang makitang hila ni James si Devon. Wala nang nagawa si Devon kundi ang ipatong ang mga kamay nya sa mga balikat ng lalaki. Ramdam nyang nakatingin sa kanila halos ang mga tao kaya itinutok na lang nito ang mga mata sa floor. Ngunit nagulat sya nang hawakan ni James ang kanyang baba at iniangat ang kanyang mukha kaya napatingin sya rito.

Nakangiti ito nang ubod tamis ngunit nanunudyo ang mga mata. Wala nga naman syang magagawa ngayon. Mahihiya syang gumawa ng eskandalo kung pahihiyain nya ito ngayon.

'Anlakas makapang-asar ang ngiti,' sa loob loob ni Devon kaya inirapan nya ito. James chuckles again. Ngunit lalo sya nitong kinabig palapit sa kanya. Devon grasped. They're just too close gaya ng insidente sa beach na nagresulta ng pagtuhod nito sa lalaki. Mukhang nabasa ni James ang iniisip ni Devon.

"I'm warning you Devon.  Don't do something stupid again." biglang naging seryoso ang mukha ni James.
Hindi umimik si Devon. Tinignan nya lang ito.

"Aren't you going to say something?" parang nayamot si James sa walang karea-reaksyon ng dalaga samantalang kung makangiti ito sa mga lalaki habang kumakanta kanina, halos abot hanggang tenga.

"Ha?" pagmamang-maangan ni Devon.

"Why do you act like nothing had happened? Why didn't you feel guilty at all when you almost killed me lady," James firmly uttered.

Walang mahagilap na salita si Devon kundi "Ano'ng sinasabi mo?"

"Wow!" Nakangiti na ang binata and pulled her closer. "And now you're acting like you can't remember anything? Oh wait. Let me remind you of your silly crime."

"Sorry!" mabilis na sabi ni Devon. Ayaw na nyang pahabain pa ang komprontasyon nila. Aminado syang kelangan nyang humingi ng despensa rito ngunit mas naiisip nya ang magkadikit nilang katawan. Naasiwa sya ngunit tila gusto ito ng kanyang katawan.

Natigil sandali si James at tinignan sya. Hindi nya matagalan ang titig nito kaya ibinaling nya ang kanyang tingin. Nakita nya si Sam at Yen na nasa dance floor na rin. Nakita nyang masaya silang magkausap. Napansin ni James na nakatingin sya sa dalawa. Distracted ba si Devon dahil nagseselos ang dalaga? Dahil ba sa nasasaksihan nyang sweetness ng kaibigan nitong si Sam at ni Yen? Gusto ba ni Devon si Sam? Agad nainis si James sa iniisip.

"What's that sorry for? Sorry for yourself?" sarkastikong ani James.

Muling tinignan ni Devon ang kaharap. Nakita nito ang tila inis sa mukha nito. Inisip ng dalaga na nainis ito sa pambabalewala nya sa nangyari.

"Kasalanan mo rin." mahinang sambit nya ngunit malinaw na narinig ng binata.

"So you're not sorry at all Devon." ayan na naman ang nakalulusaw nitong ngiti at matang nanghahalina.

"You..." hindi na naman nya mahagilap ang tamang salita. Gusto nyang sabihin rito na kasalanan nya dahil sa yakap nya, dahil sa pagtatangka nitong halikan sya ngunit di nya magawang sabihin rito. Kagat - labi syang bumuntong-hininga.

Lalong na amuse si James sa reaksyon ng dalaga. Alam nya kung ano ang gusto nitong sabihin. 'Silly,' nangingiti si James. But when he remembered her looking at Sam and Yen, 'Not to silly, naisip nya.' He thought nagseselos ito. And he hated it. He hated her to act that way. He hates to see her acting jealous of Yen because of that guy. Seeing her face so close, he can't help but to be mesmerized. Mas gumaganda habang matagal na tinititigan. Hindi nakakasawa. In fact, the longer you he stares at her, the more attractive she becomes. But remains sweetly innocent. He looks at her wet lips. Her lips look like inviting. Kung hindi lang nya naiisip that they're in the middle of many people, he could have grabbed  her lips anytime he wanted to. Now he feels sweating holding himself so hard not to do it. He doesn't want to ruin this evening just because of his desire for this woman. Desire? Inulit ng isip nya. Is it? tanong ng utak nya. She's beautiful. She's naive. Simple. Someone he never thought is so attractive to be his. Ipinilig nya ang ulo bago pa mapunta sa kung saan ang kanyang iniisip.

"You're very lovely tonight." James can't hide his admiration sa dalaga habang nakatingin ang binata sa mga mata ni Devon.

Tinignan ni Devon ang kaharap. Gwapo. Hindi ordinaryong tao. Edukado. Kasayaw nya ito at pinupuri sya. Hindi ba dapat masaya sya? Ngunit bakit hindi nya magawa.

"Can we stop dancing already?" bagkus tanong ni Devon.

Unti-unting ngumiti si James then he chuckles.

"You really know how to get out of situation you thought was awkward, don't you?"

Yun na ang hinihintay na Devon na pagkakataon. "Awkward? Very awkward. I feel uneasy. Nakatingin halos lahat ng tao sa atin at hindi ako sanay. Nakakahiya," inis na sabi ni Devon. Inis nga ba sya sa binata o inis sya sa sarili dahil sa nararamdaman nya. She's getting more comfortable being in his arms at ayaw nyang mahalata ito ng binata o kayay sya naman ang masanay. Ayaw nyang tanggalin ang wall na inilagay nya. Hindi maaaring magkagusto sya sa isang gaya ni James Roberts. Sya lang ang masasaktan sa huli.

"I don't care. I just want to dance with you." James feels she's slowly in surrender. He feels her uneasiness but that makes him more sure that he's totally in control.

"Are you really embarassed or are you scared of me?" nanunudyo na naman ito. At ang titig na nyang yun, Devon is almost losing her defense.

"Mr. Roberts, hindi ako natatakot sa'yo." Nakipagsukatan si Devon ng tingin sa kaharap. James is in glee inside. 'Now that's my woman!' sa isip nya.

"Then show me." hinapit sya nito nang mas mahigpit at saka sila gumalaw. Hanggang pumunta sila sa gilid. There she saw Sam and Yen looking at their direction. Nakita nyang tumango si Sam. May lungkot sa mga mata nito. Nagtaka si Devon ngunit muli, tumambad sa harap nya ang mukha ani James na nakatitig sa kanya. Wala na ang ngiti nito ngunit mahigpit na nakapulupot sa kanyang bewang ang mga kamay nito.  Now she's thinking kung ano'ng dahilan ng lungkot na nakikita nya sa mga mata nito ngayon.

"Do you like him?" seryosong tanong nito sa kanya.

Tinignan sya ni Devon. "Sino?"

"Sam." diretsong sagot ni James.

Hindi makapaniwala si Devon. Kaya ba ito sumeryoso?

"At bakit mo tinatanong?" nagsimulang bumangon na naman ang inis nya rito.

"You look at them like a jealous girlfriend." nakatitig lang ito sa kanya.

"Huh! Ewan ko sa'yo," nagsimulang kumalas si Devon. Patapos na rin ang kanta ni Bret.

"Not too fast baby," kumalas din si James ngunit iniyapos nito ang kamay sa kanyang bewang at sinabayang maglakad. Nakatingin sa kanila ang mga tao kaya nagpatianod na lang si Devon sa mga pangyayari. Iginiya sya ni James sa backstage at pinaupo sa silya saka binulungan.

"We're not yet done baby. I'll come back," Halos hindi makahinga si Devon sa reaksyon ng kanyang katawan sa ginawang yun ni James. His whisper was like tiny feathers touching his ear, sending endless sensations all over her body.

Nang makaalis si James, agad na pinakawalan ni Devon ang kanyang hiniga. PArang nanlalatang napakapit sa silya at saka huminga nang malalim. Bakit ganun na lang ang epekto ng lalaki sa kanya.

'May gusto na ba sya kay James?' nanlaki ang mata nya sa naisip. Natutop nya ang dibdib. Anlakas ng kabog nito.

"Sabi ko na may gusto sayo ang bossing ko," nagulat si Devon sa paglitaw ni Marissa. Natatawa naman si Marissa sa reaksyon ni Devon. Hidi maikakaila, gusto ng kanyang binatang amo si Devon at ganun din si Devon rito. Kinikilig sya sa isiping iyon ngunit tila hindi magiging ganun kadali para sa dalawa ang sitwasyon.