Thursday, December 16, 2010

CHAPTER 1

Characters:
James Roberts
Devon Servo
Sam Castillo
Ivan Donald
Tricia Sanchez
Fretz Bernabe
Bret Joseph
Patrick Sorio
Ann Sy
Yen Salde


 

Namangha si Devon nang marating ng ferry ang JAEVON Resort. It's the most exclusive and most popular resort sa HIYAS ISLAND dahil dinarayo ito ng mga turista. Marami na ring mga local and hollywood celebrities ang naging guests ng naturang resort. Hindi nya akalain ni sa panaginip na mararating nya ang sikat na lugar.Napapanood lamang nya ito sa TV dahil dito kadalasang ginaganap ang mga big events gaya ng wedding ng mga sikat na artista, politiko, o ng mga myembro ng alta sosyedad. Masaya nyang inililibot ang kanyang paningin sa kagandahan ng isla. Hanggang marinig nya ang anunsyo ng isang crew. Kelangan na daw nilang bumaba. Excited na kinuha ni Devon ang kanyang mga gamit.Konti lang naman ang damit na dala nya dahil hindi naman sya magtatagal sa lugar. Sumali sya ng singing contest sa kanilang bayan. Isa ang JAEVON Resort sa mga sponsors.Maliban sa cash prices, meron pang one week free accomodation para sa mga nanalo ganun din sa 1st, 2nd, and 3rd runner ups. Hindi sana sya sasali ngunit pinilit sya ng kanyang kaibigan.

Patrick: Sali ka na. Maganda naman ang boses mo.
Devon: Pero madaming magagaling. Baka matalo lang lang ako.
Patrick: Haay naku Devz.. Manalo o matalo ka amn, at least you tried.

Napangiti ni Devon. Patrick is really a good friend. Classmate sila nung high school. Nag-aaral na ito sa Manila at kumukuha ng Business Administration. Graduating na sa susunod na sem. Samantalang sya, gusto nyang kumuha ng Engineering o Architecture ngunit walang pantustos ang kanyang mga magulang. Kaya huminto muna sya ng pag aaral at rumaraket sya bilang singer ng isang banda. Nag aaral ang kanyang ate at patapos na ito sa kursong nursing. Ipinangako ng tatay nya na mag aaral sya pagkatapos ng ate nya. Minsan may malaking tip, nakakatulong sya kahit paano sa gastusin nila sa bahay.

Sumali sya dahil na rin sa pangungumbinsi ng kanyang kaibigan at sa kanyang tuwa, nanalo sya. Mga thirty silang contestants ngunit hindi nya sukat akalain na mananalo sya. Wala sa isip nya na sya ang mananalo.  Tatlo silang nabigyan ng cash prices at 1 week accomodation- Sina Fretz Bernabe at Tricia Sanchez na mula rin sa kabilang syudad. Parang mga sosyal. Nanliliit man sya nung una nyang makita ang mga ito ngunit inisip nya ang kanyang pamilya. At ang kanyang pangarap na makarating sa sikat na Resort.  Basta ang gusto nya, makita ang napakagandang resort. At yun nga, dalawang araw pagkatapos ng patimpalak, naabisuhan silang pumunta na sa resort. Sa wakas, nakarating din sya sa sosyal na lugar.
"DEVON SERVO?" tawag sa kanya ng isang balingkinitang babae. Sa tantya nya, isa ito sa mga staff ng resort dahil may ID ito. Tipid na ngumiti si Devon.
"I'm Marissa. Call me Mar or issa whatever you like," kinindatan nito ang dalaga.
Mukhang magiliw si Ms. MArissa kaya magaan agad ang loob ni DEvon dito.
"I'm one of the administrative staff here. Actually, nauna na ang mga kasama mo-sina Fretz at Tricia. Nasa cottage nyo na sila. So let me say, WELCOME to JAEVON RESORT!"

Nakangiting paliwanag ni Ms.Marissa.
"Salamat po Ms.MArissa." Masayang sagot ni devon sa mabait na staff.
"Siguro hindi naman tayo nagkakalayo ng edad. Pareho naman tayong maganda so pwede bang tawagin mo na lang ako'ng Mari or Issa?" lambing nito sa dalaga saka kinuha ang trolley ni Devon.
"Naku Ms. este Mari, ako na lang magdadala nyan.Nakakahiya naman." pilit nitong kinukuha ang trolley mula kay Marissa.
"Don't mention. It's my job. Halika, follow me please." mabilis itong naglakad. Wala nang nagawa ang dalaga kundi sundan ang mabait na staff.
Habang naglalakad, namamanghang nililibot ni Devon ang kanyang paningin sa kabuuan ng resort. Di pa rin sya makapaniwala. ANg ganda ng lugar. May mga swimming pools para sa ibat' ibang edad. May mga lounge chairs na nakahilera sa bukana ng resort. Parang paraiso sa ganda. Ang 8-stories hotel na mega sa design.Parang nasa ibang bansa sya. Iba pa ang mga cottages na may ibat ibang motiff- Japanese, Western, Mexican, at Hawaiian.
Nanlalamig sya habang tinitignan ang mga nadaraanan. Parang panaginip. 'Dito ako mamamalagi for 1 week?kurutin mo nga sarili mo baka nanaginip ka lang.' sabi nya sa sarili. Kinurot nga nya ang pisngi.
"Aray," nasabi nya. 'totoo nga at hindi ito panaginip.'

Habang naaaliw namang pinagmamasdan sya ni Ms. Marissa.

"Totoo ang nakikita mo Devon. Nasa JAEVON RESORT ka," nakangiting sabi ni Ms. MArissa sa kanya. nakita nitong kinurot ng dalaga ang sarili.Naalala nya ang reaction nya nung una din syang tumuntong sa JAEVON RESORT.

"HAlika na para makakain na kayo ng lunch.Siguradong gutom ka na at pati na rin sina Fretzie at Tricia," anyaya ni Ms. marissa.

Sa isang Hawaiian cottage sya dinala ni Ms. Marissa. ANg ganda ng cottage. Cool sa mata. Maaliwalas ang kulay ng kurtina. Fully furnished ang cottage. ANg ganda ng salaset.MAy malaking plasma Tv sa sentro. Katabi nito ang dining set na may anim na upuan. Tatlo ang kwarto ng cottage.

"Nanjan sa A1 si Fretz.Sa A3 naman si Tricia. Sa A2 ka na," paliwanang ni ms. Marissa.
Kinuha niya ang trolley bag kay ms. marissa.

"Nandito ang CR. May ref. Kung gusto nyong magluto, meron ng supply ng chicken, beef, fish. Gulay, prutas. Mga kubyertos, andito sa cabinet. Yung microwave andito. Kung may kelangan kayo, puntahan nyo lang ako sa first floor ng hotel. Nandun ako sa admin. Tanong nyo sa receptionist. Or anjan ang telepono,tawagan nyo lang ako. Connect line is 143." paliwanang ni Ms. marissa.

Maya maya lumabas na si Fretz pagkatapos ay lumabas na rin si Tricia. Ngumiti ang mga ito sa kanya. Ngumiti din sya sa mga ito.

"Hello. I'm Fretz." maganda ito at mestiza. mukhang mabait.

"Hi.I'm Tricia." matangkad na parang model at maganda rin ngunit parang suplada.

"I'm Devon." pakilala nya sa sarili.

"I think, handa na kayo so tara,kain tayo ng lunch." anyaya sa kanila ni Ms. Marissa.

---------------------------

 
Sa kabilang banda, naalimpungatan si James dahil sa tunog ng kanyang iphone. Nasa penthouse sya ng JAEVON hotel at kagigising lang nya. "Shsh," inis na sambit nya. Nang makita ang pamilyar na numero, sinagot nya ito nang pabalang.

"What?" inis na sagot ni james

"Hey, man.Relax." tumatawa namang sagot ng nasa kabilang linya.

"You woke me up from my less than an hour of sleep and you want me to relax?" bulyaw nito sa kaibigan.

"Well, I'm sorry dude. I'm coming back tomorrow. But I'm not coming along. I'll be bringing my friend Ann. She's nice and I think she can help us in running the hotel." pagbibigay alam nito sa kaibigan.

Bumuntong hininga na lang si James. Kahit paano, gumaan ang pakiramdam nya pagkaalam na babalik na rin si Bret. Matagal na nya itong kaibigan. Kasama nya ito'ng namamahala sa JAEVON HOTEL. His father entrusted him the position as the general manager of JAEVON HOTEL while his sister runs the JADE restaurant. The old Roberts is the CEO of JAEVON RESORT. James had been travelling around the studying culinary arts in each country he went to. He was studying in one of the most popular culinary schools in France when his father got sick so he decided to go back to the Philippines to help him run the business and learn the trade as well.

James loves cooking so he asked his father if he can be assigned at the JADE RESTO but his father placed him in the hotel instead. Minsan, nakikialam sya sa menu ng JADE RESTO. Pero dahil sa dami ng guests nila this peak season, he needed some people to help. His father has good and hardworking people but he needs more so he called his friend Bret to come over. But after 3 days, umalis ito dahil sa family matters. Ngayon, babalik na. In his two months as a GENERAL MANAGER, he never proved anything yet. Anlaki ng nagagastos. He doesn't want to show his father that he's a failure. So he thought of ways na mabawasan ang gastos but at the same time, madouble ang income. The resort has been sponsoring many events and charities. Maybe it's about time to cut off some.

Ms. Lavender, his general assistant, informed him that their sponsored guests na nanalo ng singing contests had already arrived. So he needs Bret to accomodate them especially so na marami silang guests ngayon. And to instruct on what to do. 

Iiling iling na tumayo si James. Tinanaw ang bintana. The place is really perfect. Pumasok na sya sa loob ng banyo at nagshower. He must start the day right. Tapos naman na ang meeting ng BOARD kahapon so maybe he can relax now. ANdun naman si Ms. Lavander para asikasuhin ang mga guests.

"All work and no play make James a dull boy," natatawang turan nya sa sarili.

Pagkatapos magshower, nagpainit sya ng hotwater and pour it on a cup of choco. He loves hotchoco. He cooked banana pancakes as well. 'ahhh! I love it, ' habang maganang kumakain. Pagkatapos kumain, nagbihis sya ng simpleng tshirt and faded jeans. Suot ang sunglasses, lumabas na sya. He will go to JADE RESTO.

1 comment:

  1. wow ate jezziel, writer ka din pala..can't wait to read the next one..: )

    ReplyDelete