Thursday, December 16, 2010

CHAPTER 4

Dumiretso si James sa kanyang opisina habang nasa isip pa rin nya si Devon. Sya mismo, napapaisip kung bakit ganun na lang ang pekto ng babae sa kanya and to think na kakikilala pa lang ito rito. Nakakunot sya ng noo nang mabungaran nya si Ms. Lavender na aligaga sa pagsagot sa tawag sa telepono. Nang makita sya nito, nagtaka ngunit nagpatuloy itong makipag usap. Nang matapos, sinundan nya ang kanyang boss sa office nito.

Ms. Lavender: Sir akala ko hindi po kayo papasok ngayon.

James: I changed my mind. Did you have lunch already?

Ms. Lavender: Tapos na sir. Tumawag po pala pinsan nyo, Ivan said he's in Manila right now. Darating sya bukas.

James: Oh good! He promised me last time he'll visit me so I guess this is it.

Ms. Lavender: Ang dad nyo, next month pa po sya babalik. Your brother Tom called kani kanina lang.

James: I see. Maybe that's the reason why my sister wants to talk to me. Let her in when she's there.

Ms. Lavender: Nameet nyo na po yung mga sposored guests who won the singing contest?

Naalala muli ni James si Devon. He can't just forget her face. Tumikhim si Ms. Lavender at naghihintay ng sagot mula sa boss.

James: Ahm! yes, I met them... Actually, one of them may come later. Her name is Devon. Lorie offered her a scholarship so I told her she can come at the office and talk to you. Please do assist her.

Matamang tinigtignan ni Ms. lavender ang amo habang nagsasalita ito. Parang may kakaiba. Kung noon parang laging arogante, napakabanayad nitong magsalita ngayon. Bagamat nahihiwagaan sa ikinikilos ng amo, hindi na nagsalita pa ang mabait na assistant.

Samantala mula sa restaurant, pagkatapos silang magpaalam kay Lorie, inilibot na sila ni Ms. Marissa. Wala sialng kibuan nang lumabas ngunit nang makita nila ang dagat, parang mga baatng nagtakbuhan sa may dalampasigan. Tuwang tuwang nakatingin sa kanila si Ms.Marissa. Nakipaghabulan ang mga ito sa alon at humahalakhak habang nagsasabuyan ng tubig. Ngunit tinawag na sila ni ms. Marissa at ipapakita pa sa kanila ang mini agrden at mini zoo na nasa likod lang ng resort. May fishpond din kung saan dito kinukuha ang mga isdang niluluto sa restaurant kayat garantisadong presko ang mga ito. Ipinakita rin ni Ms. MArissa ang iba pang cottages na may iba pang motiff. Ang swimming pool na napakalawak overflowing patungo sa mas mababa pang pool. River Pool sa itsura. May sauna at jaccusi din. Complete ang ameneties ng  resort. May concert hall/disco pub din ito. May mga palm trees na nakapalibot sa buong resort. SInabi sa kanila ni Ms. Marissa na three times a week, may concert. Darating bukas ang in charge at yun nga si bret. Kinikilig si Ms. Marissa habang kinukwento nito ang tungkol sa kaibigan ng amo. Kaiba daw kasi si Bret. PAlakaibigan. palangiti. palabati. na pawang kabaligtaran ni Mr. Roberts.

Natatawa si Devon habang nakikinig kay Ms. MArissa. 

'Mukhang masungit talaga ang lalaking yun,' sa isip nya.

PAgkatapos nilang maglibot nang isang oras, sinabi ni Tricia na pagod na ito. Habang si Fretzie naman ay gusto na rin nyang magpahinga kaya bumalik na ang dalawa sa cottage samantalang si Devon, gusto pa nyang maglibot. Alas kwatro pa naman. Alas sais sya pwedeng pumunta sa opisina ni Ms. LAvender. 

Marissa: Gusto man kitang samahan Devon pero kelangan kong bumalik sa hotel. O kung gusto mo, sumama ka na sakin. Kung wala nang ginagawa si Ms. Lavender, pwede mo naman syang kausapin nang mas maaga.

Devon: Okay lang kaya ms. MArissa. Sabi ng boss nyo, alas sais?

Marissa: Samahan mo ako. Kung merong ginagawa, pwede mo silang antayin o kaya magview muna dun. May viewdeck kami sa hotel.

Sumama na nga si Devon kay Marissa. pagdating nila sa Hotel, itinuro ni Ms. Marissa ang nagngangalang Lavender. Maganda ito at katamtaman ang tangkad ngunit mukhang smarte.

MArissa: Nasa 5th floor ang viewdeck. Kung gusto mo, punta ka muna dun. Taz tawagan kita. Nasa akin naman ang number mo pag pwede ka nang bumaba.

Sinunod ni Devon ang sinabi sa kanya ni Ms. marissa. Pinindot nya ang elevator at pumunta sa 5th floor. Nang marating nya ito, agad syang namangha sa ganda ng lugar. Anlamig ng simoy ng hangin. Nakaharap ang deck sa mismong dagat. Kita nya ang mga along nag uunahan sa dalampasigan. Ipinikit nya ang kanyang mga mata habang nilalanghap ang amoy dagat na hangin. Matagal sya sa ganung posisyon nang marinig nyang may tumikhim. Lumingon sya sa pinanggalingan nito at nakita nya ulit ang pamilyar na mukha.

James: What are you doing here?

Nauutal si Devon at di nya alam ang sasabihin dahil naalala pa rin nya ang hiya.

Devon: Ahm..ahm... I'm... I'm going na..

Paalis na si Devon ngunit narinig nya ulit itong nagsalita.

James: I didn't ask you to leave. I'm just asking what you're doin' here. I thought inililibot kayo ni Ms. Marissa around the resort.

Bagamat nagtaka si Devon sa pakikiharap ng lalaki, at parang amused ito'ng nakatingin sa kanya, nahihiya pa rin itong sumagot.

Devon: Maaga kasing napagod ang mga kasama ko. Taz busy pa ata si Ms. lavender sa baba kaya pinaakyat muna ako ni Ms. Marissa rito. Tatawagan na lang daw po nya ako pag may oras na si Ms. lavender.

JAmes: Then stay here. I think my assistant is quite busy at this hour. As I told you, mga 6pm sya makaluwag luwag.

Umupo ang lalaki sa bench at itinuro ang bench na katabi nito.

James: Take a sit.

Devon: Aalis na lang po ako. Babalik na lang po ako mamya sa opisina nyo.

James: How old are you?

Devon: Po?

James: I said how old are you?

Devon: 20 po..

James: I'm 20 as well. So disregard the "po". I bet you still remember my name?

Naguguluhan si Devon sa tinutungo ng kanilang usapan ngunit sinagot pa rin nya ito.

Devon:  James po.

James: Wrong.. I'm not James Po. I'm James Roberts.

Tumingin ito sa kanya saka ngumiti. Napasinghap si Devon. Bagamat nagtataka ngunit tipid itong gumanti ng sa kausap.

James: Okay I get it. I'm not good at jokes.

Saka ito tumawa. BAgamat nagtataka, muling nagsalita si Devon.

Devon: Salamat po sa free accomodation. NApakalaking bagay po nun para sakin.

JAmes: I said no more "po"

Kumindat ito sa kanya. Parang natataranta ngayon ang puso nya. Bakit ba ganito ngayon ang nararamdaman nya. Binigyan nya ng malisya ang simpleng kindat ng may ari ng resort. Muling nagpatuloy si Devon sa sasabihin.

Devon: Sorry kanina. Hindi ko sinasadya.

Tumingin sa kanya si James habang nakatayo pa rin sya.

James: If you're really sorry, come and sit here.

Nagtataka man at bantulot kung susunod sa sinabi nito o hindi nang muli itong magsalita.

JAmes: Why do you look so afraid? Am I a monster? Do I look like a monster?

Devon: No

Biglang lumapit si Devon at umupo sa bench katabi ng inuupuan ng lalaki. Biglang namayani ang katahimikan sa pagitan ng dalawa.

1 comment:

  1. oi..nagkahiyaan pa talaga..hehehe
    Vongga, starring si Dyosang Lav & Justa Malisa..hehehe.

    ReplyDelete