Friday, December 17, 2010

CHAPTER 6

Sinalubong sya ni Marissa sa bungad ng opisina nila. Magiliw sya nitong ipinakilala sa assistant ni James. Mabait ito at palatawa.

Ms. Lavender: Pasensya ka na sa akin Devon. Medyo lukaret minsan. Pero mas mabuti na diba kesa naman maging pader na gaya nung amo ko.

Saka ito tumawa. Napapangiti sya habang nakikinig kay Ms. lavender. Yun nga ba talaga ang personalidad ng isang James Roberts? Ngunit, bakit iba ang nakausap nya kanina sa taas? Maya maya lang may pinapirma na sa kanya ang assistant. Ininterview din sya tungkol sa kanyang buhay at sa background ng kanyang pamilya. Nang matapos ang kanilang pag-uusap, sinabi sa kanya na antayin na lang nya ang final decision ng mga Roberts. Sinabihan na syang bumalik sa kanilang cottage. Maya mayang alas syete, pwede na silang mag dinner.

Tahimik ang cottage nang makapasok si Devon. Maaaring nakaidlip ang mga kasama. Pumasok na rin sya silid. Inayos ang mga gamit. Tatanong nya kung pwedeng mag night swimming pagkatapos kumain. Ano ang silbi ng magagandang pool kung hindi sya makakapaglangoy. Kahit di sya masyadong marunong, meron naman sigurong mababaw lang. Tatanong nya kay Ms. Marissa mamya.

Nakaidlip din sya sandali. Nagising sya sa mahinang katok sa pinto. Nang buksan nya, si Fretzie pala. Tumawag daw si Ms. Marissa na pwede na silang kumain. Pumunta na ang tatlo sa restaurant. Bakit habang papalapit sa restaurant, hinihiling nyang makita ulit ang pamilyar na mukha. Ngunit dumating sila dun at natapos kumain na di nya nakita si James. Tinanong nya kay Ms. marissa kung pwede silang mag night swimming. Oo naman daw. Sya lang ang may gustong lumangoy dahil ang paalam ni Tricia, pupunta ito sa pub house. Si Fretzie naman, sumakit ang ulo kaya gusto nyang magpahinga muna.

Sa penthouse ni James, kanina pa sya nakatingin sa kanyang bintana. Malayong nakatingin sa dagat. Naguguluhan kung bakit ganun ang epekto ng babaeng kakikilala lang nya.

Pumasok sya sa opisina para mawala ito sa isip nya ngunit di sya makapag concentrate. Niloloko sya ni Ms. lavender kung ano daw ba ang nangyayari sa kanya. Dahil mismo sa sarili, di nya alam ang sagot kaya nagdesisyon syang pumanhik sa viewdeck. Matagal din syang nakatayo at nakatingin sa kawalan nang makita nyang pumasok ang babaeng laman ng kanyang utak. Tuwang tuwa ito. May ningning ang mga matang nakatingin sa dagat. nang ipikit nito ang mga mata para damhin ang simoy ng hangin, napasinghap si James. Di nya maipaliwanag ngunit tumatak sa isip nya ang ganung itsura ng dalaga.

'Devon..Devon...Devon...' muling sambit nya sa pangalan ng babae.

Kung tutuusin, panlalaking pangalan ito at kahit ang pananamit nito ay boyish din, he can't deny na babaeng babae ito habang tinititigan nya. May biloy ito at napakaganda ng kanyang mga mata. Waring nangungusap.. Nang magtama ang kanilang paningin, he swore he could have.....

'What?' tanong nya sa sarili... nangingiting ipinilig ang ulo. Hindi pa pala sya nagdinner. Just the thought of that woman fills his stomach. He's not starving. Ngunit ang posibilidad na makita nya ulit ito sa restaurant, yun ang nang engganyo sa kanya para bumaba at kumain. Papalabas na sana sya sa kanyang penthouse nang may kumatok.

It is his sister Lorie. Nakalimutan nya na mag uusap pala sila ng ate nya.

"Aren't you hungry yet?" tanong ng kanyang ate at dumiretso sa kanyang kitchen. "What did you cook for yourself, dd?"

"Stop calling me dd. I'm no longer a child." sabi nya sa ate. His sister used to call him dd since he was young. Sabi kasi nila, James looked exactly like their daddy when the old Roberts was younger. PAreho rin ng ugali. They called tehir father 'daddy', they called him 'little daddy.' Pero dahil mahaba, Lorie changed it into 'dd'. Until now, his sister fondly calls him 'dd' 

Natatawang lumabas si Lorie. Ngayon lang nya napansin na hawak ni James ang cellphone nito. She knew na lalabas ang kapatid hawak ang cellphone.

"Are you going out?" tanong nito sa kapatid.

"Supposedly. I'm starving. kakain sana ako sa resto." casual na paliwanag nya sa kapatid.

"Hmm! Strange. You like to cook your dinner rather than to eat in my restaurant." Casual ding puna ng kapatid.

"Oh! I'm just lazy this time." simpleng sagot nito.

"Which is another strange thing today. You're never lazy when it comes to cooking." this time, nakatingin na ang kapatid sa kanya.

"Come one. what's your point Lorie?" kunot-noong tanong nya sa kapatid.

"Hey.Relax lil bro." natatawang sabi ni Lorie. Lumapit ito sa bintana at inayos ang kurtina. "I didn't mean anything. I'm just curious."

"Well, I'm just really lazy today..also stressed. You know we have a big event to come this Sunday." turan nito sa kapatid.

Naghahanda ang buong resort ng kanilang annual party kasama ang mga guests. Until now, hindi pa rin na finalize ang mga performers dahil biglang umalis si Bret. Bukas pagdating nito, saka nila aayusin ang lahat.

"What do you think of our guests?" maya maya'y tanong ni Lorie sa kanya.

"Guests? We have hundreds of guests." pilosopong sagot nito. Sya man ay nagtataka sa pagtatanong ng kapatid about the guests ng hotel or ng resort.

"No, I mean the three ladies. They won the contest, right? Parang kakilala mo yung isa. What's her name?" tanong ng kapatid.

"Who? " pagmamaang maangan nya.

"The girl named Devon. She's pretty, isn't she?" tanong nya sa kapatid.

Muling napangiti si James nang maalala ang engkwentro nya sa babae. Ngiting hindi nakaligtas sa paningin ng kanyang kapatid. Kakaibang ngiti na hindi nya nakita in his months of stay in lieu of their father sa pamamahala ng business.

"They're all pretty." pormal na sagot ni James sa kapatid. "That girl names Tricia looks like a model. Fretzie looks sweet. They can make a good girl band."

"What about Devon?" tanong pa rin nya sa kapatid.

"She looks simple. A little boyish. " simpleng sagot ni James sa kanyang kapatid habang sa isip nya, marami pang adjectives ang nandun to describe that girl. 'simply gorgeous' 'sweetest smile' 'most expressive eyes'....habang iniisip, di nya namamalayang napapangiti sya which didn't escape Lorie's notice. But rather than to comment, she chose to keep her thoughts to herself.

"SO dad will be back next month. Tita Bittey is taking care of him well. But dad sent Ivan to help you in running the resort. He's in manila right now but he must be here tomorrow." pag iiba ni Lorie sa usapan.

'So it's his dad. That's the reason why Ivan is coming over.' sa isip ni James.

"Dad didn't trust me that enough yet, did he? Why is he sending Ivan? You're here already assisting me in running the resort." may bahid hinananakit na tanong nya sa kapatid.

"Don't think that way. Ivan worked in famous hotel in New York and had been around in different countries in Europe managing different hotels. So dad must have thought that Ivan can share his experience with you." depensa ng kapatid sa ama at sa kanilang pinsan.

"I'm running the resort well, ain't I? But if that's what dad wants, fine!" tumayo na ito at pumunta sa kwarto. Kumuha ng towel at swimming trunk.

"Where are you going?" tanong ng kapatid.

"Swimming. Just lock the door." iniwan na nito ang kapatid at bumaba. Naiinis sya that until now, he felt he couldn't meet the expectation of his father. That he couldn't handle the responsibility on his own. He needs to swim para mawala ang inis nya. Kanino ba sya naiinis?
Most likely sa sarili nya. Kaya papagurin nya ang sarili through swimming. It's his way of releasing anger. of being pissed off  with his own limitations. He felt this this the only venue he excelled..so as in cooking.

Napapiling na lang si Lorie habang nakatingin sa pinto. 'James, you're still dd.still childish.' naisip nya.

3 comments:

  1. next chaps puhleaseee..... nae-excite me kc magkakasabay mag swimming cl devz & james!!! waaaaaahhhh!! (assuming lang ako... pede din hindi kung ayaw ng writer!! hehehe)

    ReplyDelete
  2. langoy ftw..hmm.anu kaya swim suit nu MM?? LOL.

    ReplyDelete