Tuesday, September 20, 2011

Chapter 23

Nang matapos kumain si Devon at Marissa, nagpaalam na ang dalaga. Nagpaalam na sya kay Fretzie. Maiiwan muna ito dahil inaantay pa nito si Bret na may prod pa mamya. Sa backdoor na sya lumabas. Nagulat sya sa nakita. May dalawang taong naghahalikan. Hindi sana nya ito papansinin ngunit namukhaan nya ang mga ito. Hindi sya nakita ng mga ito ngunit hindi sya pwedeng magkamali. Sina Sam at Yen. Dali-dali syang tumalikod bago pa man sya mapansin. Saka nya naalala ang mga tinginan ng dalawa. Ang palagiang pagsama ni Yen kina Sam at Patrick sa mga water adventures ng magpinsan. Natutuwa sya para sa mga ito. Pagdating nya sa cottage, agad syang dumiretso sa room ni Trisha. Mukhang tulog na ito. Wala na rin ang nurse. Pumasok na sya sa kanyang kwarto at nagbihis. Nakahimlay lang sya sa kanyang higaan ngunit ang isip nito ay naglalakbay sa concert hall, kung nasaan ang binatang arogante. Iniisip nya ang mga sinabi nito. Ang mga pahiwatig nya.
'May gusto ba sya sakin?' tanong ng isip nya ngunit agad nya rin itong binura sa isip. Hindi pwedeng mangyari yun. Nakatulugan nya ang ganung alalahanin. Nagising sya nang maaga. Naisip nyang puntahan si Sam at Patrick dahil hindi na nya sila nakausap pa kagabi. Baka maaga ang alis ng mga ito. Habang naghihilamos, nag ring ang kanyang cellphone. Si Sam ang tumatawag. Sinabi nitong magkita sila sa Resto. Pagkabihis, pumunta na sya sa JADE RESTO. Kinawayan sya ni Sam pagkakita nito sa kanya. Di na sya nagtaka kung bakit nandun din si Yen.
"Buti maaga kang nagising." sabi ni Patrick.
"Baka kasi maaga kayong umalis para makapagpaalam man lang ako." turan nya.
"Nakisabay nako sa kanila Devon kasi walag ako'ng kasabay." ani Yen.
Tumango na lang si Devon at nagpanggap na wala syang alam sa estado ng relasyon ng dalawa.
Magana silang kumain at nagkwentuhan. Siguradong isa ito sa mamimiss nya sa dalawa. Nakikipagbiruan na rin si Yen. Mukhang may relasyon nga ang mga ito, naisip ni Devon. Nang matapos silang kumain, naglakad lakad sila sa may aplaya. Masarap ang lumanghap ng sariwang hangin pag ganung umaga pa lang. At doon, nakita nyang muli si Rick. Nakangiti itong lumapit sa kanila.

"Hi Devon!" magiliw nitong sabi.
Devon: Hi Rick (nahihiya nyang turan)
Rick: I'm just glad to see you again.
Ngumiti lang si Devon at pagkaraan, ipinakilala na nya ito kina Sam. Mainit na ang sikat ng araw sa kanilang balat kaya nagdesisyon na silang bumalik sa hotel. Sinabayan sya ni Rick habang naglalakad sila.
Rick: We didn't have much time to know get along so why don't we have a dinner later?
Tumigil si Devon at tinignan nya ito. Nakangiti lang sa kanya ang binata.
Devon: Thank you Mr. Mendoza pero may gagawin ako mamayang gabi.
Rick: What about tomorrow night?
Devon: Iba na lang po yayain nyo. (Binilisan ni Devon ang paglakad. Natatakot ba syang makita sila ni James.)

'Bakit naman, aber?' tanong ni Devon sa sarili.
And speaking of James, ayan at kasalubong nila. He's wearing his usual jeans and shirt and his man appeal. Nagsalubong ang kanilang mga mata. Then, he looks at Rick beside her. Blanko ang expression nito. Then lumapit ito kay Yen at kinausap ito. Maaring tungkol sa resort. Hinintay ni Sam  si Yen ngunit nagpatiuna na si Devon. Sumunod naman si Rick.

Rick: Devon, please wait. (Sabi nito nang papasok na sya sa cottage. Lumingin rito si Devon at nakita nya ang parang nagmamakaawa nitong tingin.)
Devon: Mr. Mendoza, iba na lang po ang yayain nyo. Hindi po pwede.
Rick: Your boyfriend?
Devon: Huh?
Rick: You said hindi pwede. You have a boyfriend already?
Devon: I'm sorry. (Hahayan nyang ito ang isipin ng lalaki para lubayan na sya.)
Rick: Even just once. It's just a friendly dinner.
Umiling pa rin si Devon. Ayaw nyang maging tampulan ng tsismis sa resort dahil sa isang friendly dinner with the resort's guest.
Rick: Okay! I'm not lucky today. There maybe next time. (Kibit-balikat ito at saka nagpaalam)
Naiiling na lang na pumasok si Devon sa cottage. Naiisip nya, mukhang lapitin sya ngayon ng mga eligible bachelors...
Trisha: Sino yun?
Devon: Ha? (Nakaupo si Trisha at kasalukuyang umiinom ng gatas.) Guest sa hotel. Nakilala namin kagabi. Okay ka na?
Trisha: Ang cute naman nun... Oo, okay nako. Tinawagan ako ni mommy, uuwi nako ngayon Devon. (pagpapaalam nito.)
Devon: Ha? (Nagulat talaga sya.) Pero, okay ka na diba?
Trisha: Okay na nga ako kaya pwede nakong umuwi. Nag-aalala ba sila sakin.
Devon: Pero... (may sasabihin pa sana sya nang may kumatok sa pinto) Ako na ang magbubukas.
Pinuntahan ni Devon ang pinto. Nagulat sya. Si James, pormal na nakatayo at nakatingin sa kanya.
Trisha: James, come over. (Yaya ni trisha rito nang makita ang bisita.)
Pumasok si James at nilampasan si Devon. Bagamat nagtataka kung ano ang ipinunta ng binata, sumunod na rin sya rito.
James: Hey, I came here to check on you. Are you okay? (Parang nag-aalalang tanong nito kay Trisha.)
Trisha: I'm fine now. (Ngumiti si Trisha nang ubod tamis na parang sila lang dalawa ang tao.) Thank you sa concern.
James: So what is it that you want to tell me? (Tanong nito kay Trisha.)
Devon's POV: Ah, so pinapunta pala ni Trisha ang lalaki sa cottage.
Trisha: Maupo ka muna. (Yaya nito kay James. Biglang nag-ring ang phone ni Trisha sa kanyang room.)
Sandali lang. (Hindi naupo si James kundi hinarap sya nito na nasa likod nya).
Aalis na sana si Devon papunta sa kwarto nya ngunit hinarang sya ni James sa daanan nya.
James: Meet me tonight at the pool. (Nagtama ang kanilang mga mata. Nanlaki ang mga mata ni Devon.)
Devon's POV: Seryoso bang lalaking to? Bakit sya yayain doon? At kung magmando, parang wala syang right na tumanggi. (Nakipagsukatan ng tingin si Devon.)
James: You don't like what I will do if you don't meet me there. (Mahina ngunit mariin nitong sabi.)
Napalunok si Devon. Bago pa man sya makapagsalita, lumabas na si Trisha.
Trisha: Sorry, that's my mom. Maupo ka na. (Muling anyaya nito kay James. Dali-daling nilampasan ni Devon ang lalaki.)
Devon: Maiwan ko muna kayo. (Dumiretso na sya sa kanyang kwarto.)
Isinara nya agad ang pinto at saka nagpupuyos na tumalon sa kama. Nakadipa sya sa kama nang ilang minuto bago sya muling bumangon.. Naiinis sya sa lalaking nasa sala ngayon. Naiinis sya na kausap nito si Trisha ngayon. Naiinis sya na naeexcite dahil sa sinabi nito. Paulit-ulit sa isip nya ang mga sinabi nito kagabi.
Devon: Chameleon ka talaga. Paiba iba ka ng kulay. urrrrg! Kainis! (Muli syang dumapa at tinakpan ng unan ang ulo. Hindi nya alam kung gaano katagal sya sa ganung posisyon. Nang katukin sya ni Trisha.)
Trisha: Devon, tumawag si Patrick, paalis na daw sila.
Devon: Lalabas na ako. Salamat. (Sigaw nya mula sa loob.)
Inisip ni Devon na sumama kina Sam sa ferry at babalik din sya mamayang hapon. Wala naman silang activity ngayon dahil Lunes pa lang. Gusto lang nyang iwan ang resort sumandali. Dali-dali syang nagbihis. Paglabas nya, nandun pa rin pala si James.
Trisha: Sasama ka kina Sam? (Tanong agad ni Trisha. Napatingin naman sa kanya si James at tila nagbabanta ang tingin. Inismiran lang nya ito.)
Devon: Ihahatid ko lang sila sa airport. Babalik din ako. (Sabi nya kay Trisha. Ayaw nyang tapunan ng tingin ang lalaki.)
James: Akala ko uuwi ka rin Trisha? Why don't you prepare your things, ihahatid kita sa airport. (Sabi ni James rito.)
Trisha: Really? Sige, I'll pack my things na. (Tumayo agad si Trisha.)
James: Sunduin kita mamaya Trisha, I must go. (Tumayo na rin si James at nakatingin sa kanya.  Nagpaalam na ito kay Trisha na nasa loob ng kwarto nito.)
Trisha: Okay (sagot naman nito.)
Inirapan ni Devon. Wala syang maisip sabihin rito.
James: You can't get away from me that easily. (Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kanyang baba. Itinaas nya ito para magpantay ang tingin nila.) See you later, sweetheart. (saka sya nito binitawan.)
Halos hindi makakilos si Devon.
'Ano yun?' naisip nya. Para syang nahipnostismo. Ni hindi sya nakapalag nang hawakan ng lalaki ang baba nya at ilapit ang mukha nya sa kanya.. Umiling iling sya na parang ginigising ang sarili sa pagkakatulog. Pinalipas nya muna ang ilang sandali bago sya lumabas. Pinuntahan nya sina Patrick at Sam na nasa lobby na ng hotel at hinintay sya.

Tuesday, September 6, 2011

Chapter 22

"Hinahanap na ba ako ni Ms. Lav?" pag-iiba ni Devon sa usapan. Naintindihan naman ni Marissa ang gustong ipahiwatig ng dalaga.
"Hindi naman. Bakit? " turan ni Marissa.
"May 2 pa ako'ng kanta after ni Fretzie." sagot ni Devon.
"Kain ka muna." aya ni marissa rito.
"Hindi na Ms. Marissa. Mamya na lang po ako after ng prod ko." tanggi ni Devon.
Nangingiti si Marissa. Narinig niya ang sabi ng bossing nya kanina kay Devon na wag itong umalis. Mukhang susunod nga ang Devon.
'Hay, pag-ibig nga naman,' sabi ng isip nito.
'Kelan kaya din ako mapapansin ng Bret ko.' parang kiniliti ang dalaga sa iniisip.
Ilang sandali pa, nagpaalam na si Marissa.
Mag-isa na si Devon sa sulok. Gusto nyang umalis ngunit bantulot syang tumayo.
Maya-maya'y may lumapit sa kanya. Nang magtaas sya ng tingin, nakangiting nakatingin sa kanya si Sam.
"Bubble, andito ka lang pala. Hinahanap kita kanina. Let's dance," aya nito kay Devon.
Naguluhan si Devon. Ayaw nitong tumayo ngunit hindi nya mahindian ang kaibigan.  Bagamat bantulot, tumayo si Devon. Inakay sya ni Sam sa dancefloor. Nakita nya ang nakatalikod na James kausap ang kapatid nito. Bigla syang kinabahan.
'Bat ka kakabahan aber? Ano mo ba sya? Eh ano kung makita kang kasayaw mo si Sam. Kaibigan mo naman yan.' Ipinagwalang-bahala ni Devon ang kaba at nginitian na lang si Sam.
'You look worried." sabi ni Sam sa kanya na kanina pa pala sya nito inoobserbahan.
"Ha?" nagulat si Devon. "Baka pagselosan ako ni Yen ha." agad nakaiisip ng sasabihin ang dalaga.
Natahimik si Sam at mataman syang tinignan, inaarok marahil ang kanyang totoong nararamdaman.
Maya-maya'y bumuntong-hininga ito at ngumiti sa kanya.
"Bubble, you're stunning tonight." puri nito sa kanya.
Hindi masalubong ni Devon ang titig ng kaibigan. Parang may kakaiba. Nawala ang isip nya kay James at sinalubong ang seryosong tingin ni Sam. Hindi nito alam na nakita na sila ni James at ngayo'y nakatiim ang bagang na nakatitig sa kanila. Hindi na nya maintindihan pa ang sinasabi ng kapatid.
"Thank you. " simpleng sabi ng dalaga.
"Bubble, kung hindi ba tayo magkaibigan, posible kayang maging higit pa tayo run." seryosong turan ng binata.
"Sam," tanging nasambit ni Devon. "Ano'ng ibig mong sabihin?" takang tanng nito ngunit kinakabahan na sya.
Ngunit biglang tumawa ang Sam. "Ikaw naman niloloko ka lang," tumawa na ito nang tuluyan.
Biglang nawala ang kaba ni Devon at inirapan ang kaibigan.
"Kung anu ano ang sinasabi mo." saka nito hinampas ang balikat nito.
"Ouch! Ansakit nman. Ang seryoso mo kasi." natatawa pa ring sabi ni Sam.
"Naku, kung wala lang tayo rito, hindi lang yan ang aabutin mo," kunwaring inis pa rin ang Devon.
Nang mapatingin sya sa gawi ni James, nakita nyang nakaharap na ito sa gawi nila at halos magsalubong ang naka arkong mga kilay. Halos masugat sya sa talim ng tingin nito sa kanila ni Sam.
'Paktay ka ngayon Devon,' panakot ng isang bahagi ng isip nya.
'Ano'ng paktay? Bakit naman?' mataray na sagot ng isang bahagi ng utak nya. 'Ano naman ngayon kung galit.. At saka bakit galit? Eh ano bang meron sa kanila? Wala naman diba?'
Hindi nya pinansin si James at ibinalik kay Sam ang atensyon.
"He must be really "something" to you Bubble." nanunudyo na ngayon ang Sam.
"Ha?" nagulat ang dalaga.
"That guy, Mr. Roberts. Kanina pa tingin nang tingin sa atin. If eyes could kill, I'd been dead kanina pa" ani Sam.
Tumawa lang si Devon ngunit nag-iinit ang kanyang mukha. Nahihiya sya sa kaibigan.
"Kung ano ano iniisip mo." tumawa na lang ang dalaga para itago ang hiya.
"Nanliligaw ba sya sa'yo?" muling usisa ni Sam.
"Sam, wag nga sya pag-usapan natin. Hindi ako komportable." pakiusap nya rito.
"Kilala kita Bubble. Ganyan ka sa mga crush mo nung first year high school tayo." tudyo ni Sam.
"Hindi sya nanliligaw, okay?" ani Devon.
"Gusto mo sya?" muling tanong ni Sam.
"Balik nako dun.. Ako na susunod na sasalang pagkatapos ni Fretzie." ayaw nyang magtagal pa pag-uusap nilang magkaibigan dahil alam nyang di sya nito titigilan. Sinamahan na sya nitong bumalik sa inuupuan nya kanina. Bago tumalikod si Sam.
"You deserve to be happy Bubble D. Wag mong isipin ang sasabihin ng iba. You know best kung ano magpapasaya sayo. Mag-usap tayo bukas. Babalik na kami sa room namin mamaya after ng prod mo. Mag eempake. We'll be leaving tomorrow."
"Sam," biglang tumayo si Devon at nilapitan ang kaibigan. Hinawakan nya ito sa kamay. Yun ang tagpong nadatnan ni James. Blanko pa rin ang mukha nito. Nagsukatan ng tingin ang dalawang lalaki. Hinila ni Devon ang kamay ni Sam at iginiya ito palabas.
"Damn," tanging nasambit ni James habang nakasunod ang tingin nito sa dalawa. Nagpupuyos ang damdamin nya. Gusto nyang manuntok ng tao ngunit pinigil nya ang sarili. Bumalik sya sa hall. Nang makasalubong ang waiter, kumuha sya ng baso ng alak at ininom nang diretso. Hindi pa rin mawala ang imahe ni Devon at ang Sam na yun.
'Devon...' paulit ulit na sambit ng kanyang utak. 'What's with you woman? Why can't you leave my mind.' Tumingin sya sa direksyong pinuntahan ni Sam at Devon. Gusto nya silang sundan ngunit awkward na masyado. Hinanap nya si Ivan. Kausap nito ang isang guest nila who happened to be the producer of Magic Records, the biggest recording company in the Philippines.
Linapitan nya ang mga ito.

-------------------------

"Bukas na ba ang alis ninyo?" agad na tanong di Devon kay Sam.
"Bukas na. It's my flight next week back to the States. May ififix pa ako sa Manila." paliwanang ni Sam.
"Hindi ka na babalik rito? Or hindi ka dadalaw sa atin?" tanong ulit ni Devon.
"Sa pagbalik ko na lang... " turan ng binata.
"Sam, salamat sa pagpunta rito." naiiyak na si Devon.
"Bubble ano ba? Baka akalain nila pinapaiyak kita. Babalik naman ako eh." nangingiting wika ni Sam.
Magsasalita pa sana si Devon ngunit may boses nang tumawag sa kanya.
Si Yen ang lumalapit sa kanila.
"Devon, next prod ka na daw." simpleng sabi nito.
Natutop ni Devon ang noo. Sya nga pala ang sunod na salang.
"Sandali lang Sam ha. Yen, salamat," tumakbo na sya at iniwan sina Yen at Sam sa labas. Hindi na nakita ni Devon ang pag-iyak ni Yen at pagyakap ni Sam rito.

------------------------

Agad syang sinalubong ni Ms. Lav.
"Devon, saan ka ba nagpupupunta. Kaw na ang sunod. Dali." Agad syang pumunta sa standby area. Nang matapos ni Fretzie, pumunta na sya agad sa stage. Sinalubong sya ng masigabong palakpakan. Bigla syang nahiya ngunit nakangiti pa ring pumagitna sa stage.
"Maraming salamat po," pasasalamat nya. And as expected, she rendered a very soulful rendition this time of "There You'll be" by Faith Hill. May hinahanap ang kanyang mga mata ngunit di nya ito makita. Natapos ang kanta na di nya ito nahagilap.
Samantala sa isang madilim na sulok, nakatitig lang si James sa dalaga. Halatang may hinahanap ito. Siguro si Sam. Hindi nya ito nakitang sumunod kay Devon nang pumasok na ang dalaga.
'Siguro may usapan na magkikita na lang sila sa kung saan,' sa isiping iyon, muling syang nanibugho.
"Couz, you've gotta met Mr. Mendoza's son later. Sabi Mr. Mendoza, his son had some proposal for you."nilapitan sya ni Ivan.
"Where's his son?" matamlay na turan ni James. He met the Magic Records' owner Mr. Mendoza. The old man and his dad were different men. Ang dad nya, very workaholic. Si Mr. Mendoza, there's a time for everything. This is vacation time kaya it's time to relax kaya sa anak sya nito ipinapakausap.
"Nandito lang daw kanina." sabi ni Ivan. "Sasabihan nya daw mamya na lapitan tayo."
"I hate this chasing game." Inis na turan ni James.
"With Mr. Mendoza or with a woman?" nakakaloko ang ngiti ni Ivan.
Bago pa man sagutin ni James ang tanong nito, muling pumalainlang ang banda.
This time, Devon is singing "Close To You" by the Carpenters.
James and Ivan both  looked at the stage and listened to Devon. Her voice tickles everyone's ears.. Hers is just so sweet.
Nang matapos, nagpasalamat na ito at nagpaalam. Nakasunod lang ang tingin ni James sa dalaga. Nakita nya rin ang paghanga ng mga kalalakihan rito. And he can't help but to be pissed off. Na parang gusto nyang itago ang dalaga sa mga ito.
Nakita nyang parang naghahanap pa rin ang dalaga. Nang mawala na ito sa stage, parang gusto nyang puntahan ito.
"Hey boys, why are you hiding here?" lumapit si Ann sa kanila at halatang nakainom na.
Umangkla ito kay Ivan na parang nanunukso.
"Let's dance darling," sabi nito.
Napangisi na lang si James. Woman like her isn't so decent at all. Unlucky Ivan! Naisip nya ulit si Devon. Nang muli syang tumingin sa stage, he saw her with Marissa at papunta sila sa may buffet. He follows every step she makes. At yung tawa nya while talking to Marissa, he gasped his breath. She's extraordinarily attractive tonight.
Lalapitan nya sana sila pero nakita nyang may nakipagkamay rito. Maybe her instant fan.

---------------------

"Miss Devon?" nagtatakang tinignan ni Devon ang kaharap. Iniaabot nito ang kamay. Upang hindi mapahiya, inabot ni Devon at saka ngumiti.
"You're awesome tonight. You're great up there on stage singing." sabi nito hindi maikakaila ang paghanga sa mga mata nito.
Nakangiti si Devon. Nang maalala nya kung saan nya ito nakita.
"Ikaw?" gulat na bigkas ni Devon.
Ngumiti ang binata. At last, narecognize na sya nito.
"Ako nga. So your name isn't Never. Devon is much more real." Saka ito tumawa.
Napangiti na lang din si Devon.
"I believe we haven't been introduced yet. I'm Rick Mendoza. " Pagpapakilala nito.
"Nice to meet you Rick. Devon. Devon Servo. Sorry sa nasabi o nagawa ko." Hinging paumanhin ng dalaga.
"No worries. I understand." sabi nito.
"I'm Marissa Mr. Mendoza. Thank you for coming over to our resort. It's such a pleasure to have you and your father." Magalang na pagapakilala naman ni Marissa.
"Thank you Ms. Marissa. Hindi na ako nagtataka kung bakit this resort has been been known in the country. You're extremely organized and the people are all really nice. I want to meet the owner definitely." Rick commended.
"I'll Mr. Roberts to meet you tomorrow sir. " ani Marissa.
Tahimik lang na nakikinig si Devon sa usapan ng dalawa.
"No need Marissa. I'm here." nakangiting inabot ni James ang kamay kay Rick. "I'm James Roberts. General manager of this resort. Nice to meet you Mr. Mendoza.
Nakipagkamay ang binata rito. "Rick Mendoza. Nice to meet you Mr. Roberts."
Mukhang kailangan nang um-exit ni Devon dahil nag-uusap na ang mga ito. Lumapit sa kanila si Lorie at nagpakilala din kay Rick. Nakangiti lang si Devon habang nakikinig ngunit nahihiya na sya. Panaka-naka syang sinusulyapan ng dalawang binata kung kayat parang mas naging di sya komportable. Nilapitan sya ni Marissa dahil napansin sya nito na parang aligaga.
"Excuse us sirs and ms. Lorie." pagpapaalam ni Marissa. Nakahinga nang maluwag si Devon. Paalis na sila nang muli syang tawagin ni Rick.
"Devon, it's really a pleasure to meet you. I hope we can talk more when we have more time." Nakangiting sabi nito.
Hindi malaman ni Devon kung ano'ng sasabihin nya. Nakita nya ang biglang pagbabago ng expression ni James.
Ngumiti sya at tumango saka tumalikod. Na syang ikinainis ni James. Mukhang may gusto ang anak ni Mr. Mendoza kay Devon. Nag-uusap na sina Lorie at Rick. Panaka-naka syang sumasabat. Isinenyas sa kanya ni Lorie na lapitan ang kausap nina Marissa at Devon. Nang marinig nito ang pangalan, napagtanto nyang, ito pala ang anak ni Mr. Mendoza.
He glanced at Devon's direction. Nakakuha na ang mga ito ng food at pabalik na sa backstage. Inaya sila ni Lorie sa isang table. Dun na sila nag usap usap.

Thursday, August 4, 2011

CHAPTER 21

Agad syang kinabig ni James paharap sa kanya at hinapit ang kanyang bewang. Nasa gitna na sila ng hall kasama ang ibang guests na nagsasayaw din. Andun din sina Patrick and Ann. Nakatayo si Sam at kausap nito si Yen ngunit huminto nang makitang hila ni James si Devon. Wala nang nagawa si Devon kundi ang ipatong ang mga kamay nya sa mga balikat ng lalaki. Ramdam nyang nakatingin sa kanila halos ang mga tao kaya itinutok na lang nito ang mga mata sa floor. Ngunit nagulat sya nang hawakan ni James ang kanyang baba at iniangat ang kanyang mukha kaya napatingin sya rito.

Nakangiti ito nang ubod tamis ngunit nanunudyo ang mga mata. Wala nga naman syang magagawa ngayon. Mahihiya syang gumawa ng eskandalo kung pahihiyain nya ito ngayon.

'Anlakas makapang-asar ang ngiti,' sa loob loob ni Devon kaya inirapan nya ito. James chuckles again. Ngunit lalo sya nitong kinabig palapit sa kanya. Devon grasped. They're just too close gaya ng insidente sa beach na nagresulta ng pagtuhod nito sa lalaki. Mukhang nabasa ni James ang iniisip ni Devon.

"I'm warning you Devon.  Don't do something stupid again." biglang naging seryoso ang mukha ni James.
Hindi umimik si Devon. Tinignan nya lang ito.

"Aren't you going to say something?" parang nayamot si James sa walang karea-reaksyon ng dalaga samantalang kung makangiti ito sa mga lalaki habang kumakanta kanina, halos abot hanggang tenga.

"Ha?" pagmamang-maangan ni Devon.

"Why do you act like nothing had happened? Why didn't you feel guilty at all when you almost killed me lady," James firmly uttered.

Walang mahagilap na salita si Devon kundi "Ano'ng sinasabi mo?"

"Wow!" Nakangiti na ang binata and pulled her closer. "And now you're acting like you can't remember anything? Oh wait. Let me remind you of your silly crime."

"Sorry!" mabilis na sabi ni Devon. Ayaw na nyang pahabain pa ang komprontasyon nila. Aminado syang kelangan nyang humingi ng despensa rito ngunit mas naiisip nya ang magkadikit nilang katawan. Naasiwa sya ngunit tila gusto ito ng kanyang katawan.

Natigil sandali si James at tinignan sya. Hindi nya matagalan ang titig nito kaya ibinaling nya ang kanyang tingin. Nakita nya si Sam at Yen na nasa dance floor na rin. Nakita nyang masaya silang magkausap. Napansin ni James na nakatingin sya sa dalawa. Distracted ba si Devon dahil nagseselos ang dalaga? Dahil ba sa nasasaksihan nyang sweetness ng kaibigan nitong si Sam at ni Yen? Gusto ba ni Devon si Sam? Agad nainis si James sa iniisip.

"What's that sorry for? Sorry for yourself?" sarkastikong ani James.

Muling tinignan ni Devon ang kaharap. Nakita nito ang tila inis sa mukha nito. Inisip ng dalaga na nainis ito sa pambabalewala nya sa nangyari.

"Kasalanan mo rin." mahinang sambit nya ngunit malinaw na narinig ng binata.

"So you're not sorry at all Devon." ayan na naman ang nakalulusaw nitong ngiti at matang nanghahalina.

"You..." hindi na naman nya mahagilap ang tamang salita. Gusto nyang sabihin rito na kasalanan nya dahil sa yakap nya, dahil sa pagtatangka nitong halikan sya ngunit di nya magawang sabihin rito. Kagat - labi syang bumuntong-hininga.

Lalong na amuse si James sa reaksyon ng dalaga. Alam nya kung ano ang gusto nitong sabihin. 'Silly,' nangingiti si James. But when he remembered her looking at Sam and Yen, 'Not to silly, naisip nya.' He thought nagseselos ito. And he hated it. He hated her to act that way. He hates to see her acting jealous of Yen because of that guy. Seeing her face so close, he can't help but to be mesmerized. Mas gumaganda habang matagal na tinititigan. Hindi nakakasawa. In fact, the longer you he stares at her, the more attractive she becomes. But remains sweetly innocent. He looks at her wet lips. Her lips look like inviting. Kung hindi lang nya naiisip that they're in the middle of many people, he could have grabbed  her lips anytime he wanted to. Now he feels sweating holding himself so hard not to do it. He doesn't want to ruin this evening just because of his desire for this woman. Desire? Inulit ng isip nya. Is it? tanong ng utak nya. She's beautiful. She's naive. Simple. Someone he never thought is so attractive to be his. Ipinilig nya ang ulo bago pa mapunta sa kung saan ang kanyang iniisip.

"You're very lovely tonight." James can't hide his admiration sa dalaga habang nakatingin ang binata sa mga mata ni Devon.

Tinignan ni Devon ang kaharap. Gwapo. Hindi ordinaryong tao. Edukado. Kasayaw nya ito at pinupuri sya. Hindi ba dapat masaya sya? Ngunit bakit hindi nya magawa.

"Can we stop dancing already?" bagkus tanong ni Devon.

Unti-unting ngumiti si James then he chuckles.

"You really know how to get out of situation you thought was awkward, don't you?"

Yun na ang hinihintay na Devon na pagkakataon. "Awkward? Very awkward. I feel uneasy. Nakatingin halos lahat ng tao sa atin at hindi ako sanay. Nakakahiya," inis na sabi ni Devon. Inis nga ba sya sa binata o inis sya sa sarili dahil sa nararamdaman nya. She's getting more comfortable being in his arms at ayaw nyang mahalata ito ng binata o kayay sya naman ang masanay. Ayaw nyang tanggalin ang wall na inilagay nya. Hindi maaaring magkagusto sya sa isang gaya ni James Roberts. Sya lang ang masasaktan sa huli.

"I don't care. I just want to dance with you." James feels she's slowly in surrender. He feels her uneasiness but that makes him more sure that he's totally in control.

"Are you really embarassed or are you scared of me?" nanunudyo na naman ito. At ang titig na nyang yun, Devon is almost losing her defense.

"Mr. Roberts, hindi ako natatakot sa'yo." Nakipagsukatan si Devon ng tingin sa kaharap. James is in glee inside. 'Now that's my woman!' sa isip nya.

"Then show me." hinapit sya nito nang mas mahigpit at saka sila gumalaw. Hanggang pumunta sila sa gilid. There she saw Sam and Yen looking at their direction. Nakita nyang tumango si Sam. May lungkot sa mga mata nito. Nagtaka si Devon ngunit muli, tumambad sa harap nya ang mukha ani James na nakatitig sa kanya. Wala na ang ngiti nito ngunit mahigpit na nakapulupot sa kanyang bewang ang mga kamay nito.  Now she's thinking kung ano'ng dahilan ng lungkot na nakikita nya sa mga mata nito ngayon.

"Do you like him?" seryosong tanong nito sa kanya.

Tinignan sya ni Devon. "Sino?"

"Sam." diretsong sagot ni James.

Hindi makapaniwala si Devon. Kaya ba ito sumeryoso?

"At bakit mo tinatanong?" nagsimulang bumangon na naman ang inis nya rito.

"You look at them like a jealous girlfriend." nakatitig lang ito sa kanya.

"Huh! Ewan ko sa'yo," nagsimulang kumalas si Devon. Patapos na rin ang kanta ni Bret.

"Not too fast baby," kumalas din si James ngunit iniyapos nito ang kamay sa kanyang bewang at sinabayang maglakad. Nakatingin sa kanila ang mga tao kaya nagpatianod na lang si Devon sa mga pangyayari. Iginiya sya ni James sa backstage at pinaupo sa silya saka binulungan.

"We're not yet done baby. I'll come back," Halos hindi makahinga si Devon sa reaksyon ng kanyang katawan sa ginawang yun ni James. His whisper was like tiny feathers touching his ear, sending endless sensations all over her body.

Nang makaalis si James, agad na pinakawalan ni Devon ang kanyang hiniga. PArang nanlalatang napakapit sa silya at saka huminga nang malalim. Bakit ganun na lang ang epekto ng lalaki sa kanya.

'May gusto na ba sya kay James?' nanlaki ang mata nya sa naisip. Natutop nya ang dibdib. Anlakas ng kabog nito.

"Sabi ko na may gusto sayo ang bossing ko," nagulat si Devon sa paglitaw ni Marissa. Natatawa naman si Marissa sa reaksyon ni Devon. Hidi maikakaila, gusto ng kanyang binatang amo si Devon at ganun din si Devon rito. Kinikilig sya sa isiping iyon ngunit tila hindi magiging ganun kadali para sa dalawa ang sitwasyon.


Tuesday, July 19, 2011

Chapter 20

Kinakabahan na si Devon. Nanlalamig na ang kanyang mga kamay. Sumilip sya sa labas at nakita nyang nagdadatingan na ang mga guests. Sanay na syang magperform but this time is very different dahil mga nasa alta de sosyedad at foreigners ang mga bisita. First time din nyang magperform para sa JAEVON Resort. Huminga sya nang malalim. Maya-maya, bumalik sya sa upuan nya. Nag uusap sina Fretz at Bret samantalang nag aayos yung iba pang mga performers. Maya maya'y may kumalabit sa kanya.  

"Para ka namang di makapangananak na pusa Devz." natatawang biro ni Ms. Marissa. "Relax lang. Nandun na sina Pat at Sam."

Ngumiti sya rito at saka muling huminga ng malalim. Pagkatapos nilang kumain kanina, naghiwa hiwalay na sila. Pumunta na sila ni Fretz sa sauna, nagpaspa, at  saka isinukat ang gown nila. Maya maya'y nag umpisa nang tumugtog ang banda. Pumasok na si Ms. Lav sa backstage.

"Ready na lahat? Okay, break a leg." sabi nito. Napansin sya nito na parang tensed kaay nilapitan sya at nagbeso sa kanya..

"Muntik na kitang di makilala. You're beautiful!" sabi nito sa kanya  saka na ito pumunta sa stage dahil ito ang host. Pagkatapos ng konting introduction, tinawag na nya si Ms. Lorie. Napakaganda nito in her backless black gown. Inescortan sya ng pinsang si Ivan papunta sa stage. Napakagwapo nito on his white tuxedo.
Winelcome nito ang mga guests at nagpasalamat sa pag attend ng mga ito. Sinabi din nito na tradition na ng Resort ang magdaos ng annual party at masaya syang sa unang pagkakataon ay kasama nya ang kanyang kapatid at pinsan. Tinawag at ipinakilala nya ang kanyang pinsan bilang syang OIC ngayon ng resort. Pagkatapos magsalita ni Ivan, tinawag naman nito si James upang magsalita sa entablado at syang General manager ngayon ng JAEVON Resort and Hotel.Matamang nakinig ang lahat.

"Wooohoo!" sabi nito na parang naglalabas ng nerbyos din sa katawan. "Bear with me as this is my first speech in public though."  Nakangiti ang mga guests at naghihintay sa kanyang sasabihin.

"I know some if not majority of our guests today had been here last year and met my father. But i'am certain that all the employees know my father." Tinignan nya ang kapatid na nakangiti sa kanya at look like a proud sister.

"My father called me last night. How badly he wanted to fly back and be the man where I am standing now but the doctors didn't allow him. Even if they do, I'll send him back." Nagtawanan ang mga dumalo.

"My father loves this resort and he loves his people. Son in behalf of him, i want to thank you all for the hard work and loyal heart that you put into your own duties to provide our guests with prime and ultimate service. We owe our success to you. So no bosses tonight. Have fun and let's party!

Nakangiti ang binata ngunit pigil nito ang emosyon. Pagkatapos, sinabi nito na mag enjoy lang sila. May parang kung ano'ng kumanti sa damdamin ni Devon nang marinig nya itong nagsasalita.
"Mukhang close ito sa tatay nya," tanging naisaisip ni Devon. Nagulantang sya nang tinawag na sya ni Ms. Lav para kumanta. Lumingon si James sa kanya at nagsalubong at kanilang mga mata. Nagpalakpakan na ang mga tao kaya dali dali nang pumagitna si Devon. Ramdam nya ang mga mata nitong nakasunod sa bawat galaw nya kaya itinuon nya sa audience ang paningin. At nagkataong nakita nya sina Sam at Patrick kaya kumaway sya sa mga ito. Nakita ni James yun kaya kumunot ang noo nito.

(Click From This Moment On) Nang magsimula syang kumanta , everyone just stares at her in awe. Her voice captures their attention... Parang nag freeze ang paligid...everyone's holding their breath...Parang may magic... Every line she sings make them tremble... Sending spines all over their body. James just looks at her in amazement. Naitulos ito sa kinatatayuan. Her voice makes his ears captive and left him bewildered not just for a moment but until natapos ang kanta.

Nang matapos si Devon, napakalakas ng palakpakan. Napamura na lang si James. Hindi nya malaman kung aalis na sya sa kinatatayuan o pupuntahan ang dalaga sa gitna ng stage. When he looked around, lahat nakapokus kay Devon ang tingin ang he can't help but to feel annoyed and jealous dahil nakangiti lang sa kanila si Devon. Ang mga guests nilang lalaki, he can see their admiration sa dalaga which heightened his bad mood. Medyo revealing ang suot ng dalaga, maiksi at nude ang color. Hapit sa katawan nito.

Nang magsimulang muli ang tugtog ng banda for Devon's second song, pumunta na si James sa backstage but he stayed where he can clearly watch her. Nang kumanta ito, halos mawalan ang binata ng hangin sa baga. She sang softly, like a lullaby. Her voice is touching his soul sending voltage sa puso nya. Gaya ng nauna, muling namangha ang mga nandun. Ang iba, sumayaw na sa hall. (Moon River)... But James' eyes are all into the sole woman sa gitna ng entablado.

"Isn't she amazing?" tanong mula sa likod nya.

"She is." hindi pa rin inaalis ni James ang tingin sa dalagang kumakanta. When he heard him chuckles... James looked and Bret is smiling.

Nagkunwaring nainis si James at hinanap si Marissa.

"Where's Marissa?" Tanong nito kay Bret.

Hindi na rin pa nagtanong si Bret. Sinabi nitong nasa cafeteria si Marissa at chinicheck kung may kulang.

Ibinalik ni James ang tingin sa dalaga.. Naiiling na iniwan na lang sya nito ni Bret dahil siya na ang susunod na sasalang. Masigabong palakpakan muli ang mga tao nang mataos kumanta si Devon. Bagamat may sumisigaw ng more, pumunta na si Bret kaya umalis na rin si Devon. Masaya syang binati ni Ms. LAv.
"Devz, ang galing mo. Nakakadala. Tumayo balahibo ko dun." tuwang tuwa si Ms. lav sa kanya.
Nilapitan sya ni Fretzie. "Ang galing mo Devz. Sana maganda rin sakin."

"Kaya mo yan," turan nito sa kaibigan.

"You've got a gift of a voice. That's amazing!" Tinignan ni Devon ang nagsalita sa likod nya and saw James smiling at nakatitig lang sa kanya ngunit ang dalaga ang agad ibinawi ang tingin sa kaharap para iwasang mag usyuso sina Ms. Marissa, Ms Lav, at Fretzie bagamat alam nyang nakakahalata na si Ms. marissa dahil lagi syang tinatanong nito. Nagpunta si Fretzie sa dressing room upang magretouch daw ulit. 

Muling pumailanlang ang banda at ngayo'y kumakan na si Bret.

"Let's dance," hinila na sya ni James at iginiya sa hall. Hindi na nakaimik pa sina Ms. Marissa at Ms. Lav.

Tuesday, July 5, 2011

CHAPTER 19

Habang hinihintay ni Devon ang kanyang turn, naupo sya sa isang monoblock chair. Masaya nyang pinapanood sina Fretz and Bret na may duet. Maya-maya’y lumapit sa kanya si Ann.
They look lovely. Sweet.” Sabi ni Ann sa kanya.
Tinignan nya ang babae. Nakasuot ito ng minidress na yellow at may summer hat.
I’m not sure if we were properly introduced,” nakangiti ito sa kanya. “I guess, this is the chance. I’m Ann, friend ni Bret.” She extends her right hand. Kinuha ito ni Devon at nakipag shake hands.
I’m Devon.” Sabi nya. Sinipat sya ni Ann mula ulo hanggang paa. Naconscious tuloy sya.
No wonder, you’re very pretty kasi. You have a beautiful skin.” Nangingiting papuri nito sa kanya. Kaya tuloy hindi mawari ni Devon kung bukal sa loob nito ang pagbibigay ng papuri.
Salamat.” Tipid na sabi ni Devon.
May boyfriend ka na?” muling tanong nito.
Bagamat nagtaka sa tanong nito, sinagot pa rin ito ni Devon. “Wala.”
Owz? Impossible naman ata yun. Sa ganda mong yan and with that kind of profession, I’m sure maraming nanliligaw?” Ann looked surprised.
Wala pa sa isip ko. Marami pa ako’ng pangarap sa buhay para sa sarili ko at sa pamilya ko,” Devon didn’t  realize na nakakapagkwento na sya. Or maybe, she's trying to be friendly.
I get it. Gusto mong mabigyan ng good life ang family mo. At kahit kalimutan mo for the meantime ang personal life mo, okay lang. You just want to do everything for your family, right?” tanong muli nito.
Syempre naman. Kahit sino, yun ang gagawin.” Turan ni Devon.
I see.” Tumatango tango si Ann bilang pagsang-ayon ngunit di nakita ni Devon ang makahulugang tingin nito sa kanya.
Maya-maya’y dumating sina Sam at Patrick sa Concert Hall. Nilapitan agad sya ni Sam. Nagpakilala naman si Patrick kay Ann. Nung una, mukhang snob si Ann kay Patrick, ngunit maya-maya lang, nagtatawanan na sila.
Okay ka lang Bubble?” nag-aalalang tanong ni Sam. ”I was worried sa’yo last night.” Kung nalaman nito ang nangyari sa kanila ni James, tiyak, lalong mag-aalala ito.
"Okay na ako. Hayaan mo, di ko na uuliting uminom." assurance nito sa kaibigan.
Ngumiti na lang si Sam at nakahinga nang maluwag. Dahil kelangan pa nyang magrehearse, umalis muna sina Sam at Patrick. Nang dumating si Ivan at Ms. Lav, agad pinuntahan ni Ann si Ivan. Nag-usap ang mga ito. Pinuntahan sya ni Ms. LAv.
"After ng rehearsal, punta na kayo sa dressing room. Pumili kayo ng isusuot nyo," ani Ms. Lav.
Tumango si Devon. "Si Ms. Marissa po?" paghahanap niya sa mabait na assistant ni James.
"Ayun, may pinapuntahan ang boss sungit," saka mahinang tumawa si Ms. Lav.
Nagtatakang tinignan ni Devon si Ms. Lav. Hindi pa man sya nakakpagtanong, sinagot na sya nito. "Yung gwapong bossing namin. Parang babaeng may regla. Ang init ng ulo kanina pang umaga. Kung anu-anong pinagdidiskitahan." muling natawa si Ms. Lav.
Matatawa sana si Devon sa description nitong 'parang babaeng may regla' ngunit parang alam nyang sya ang dahilan ng kasungitan nito ngayon. 'Marahil dahil sa nangyari kagabi.' sabi ng isip nya. 'Feel mo te, sure ka ba? Baka naman nag away sila ng gf or pressured lang sa event bukas.' sigaw naman ng isang bahagi ng utak nya.
Dahil may board meeting, umalis na sina Ivan, Ann, at Ms. Lav. Naiwan na lang silang mga performers. Tatlo ang songs ni Devon. Pagkatapos nilang magpractice, kinongratulate sya ni Bret.
"That's amazing. I was awed. Keep it up tomorrow." sabi nito sa kanya.
Sa concert hall na sila kumain. May lunch pack na inihanda ang resto para sa kanila. Kinahapunan, wala pa rin si Trisha. Sumaglit lang sa hall si Marisa at ipinaalam na nagkasakit na nga si Trisha. Mukhang hindi ito makakapagperform bukas. May lagnat rin ito ayun kay Marissa. Yung Kanta nya, pinaghatian nila ni Fretz. Moon River at From This moment On ang napunta sa kanya. Ibinigay ni Bret ang lyrics, pinag aralan nya ito saka prinactice. Dun na rin sila nag dinner. Nang matapos sila sa rehearsal, pumunta sila ni Fretz sa dressing room. Nandun na ang mga gown nila. Dahil sa kapaguran, ang designer na mismo ang pumili ng mga dapat nilang isuot.
Umuwi sila sa cottage na pagud na pagod. Tumawag si Sam ngunit hindi na rin ito nangulit dahil bakas sa boses nito ang pagod. Kinumusta lang nila si Trisha, bumaba na ang lagnat nito. NAtulog na rin sila pagkatapos.
-----------------------------------
Kinabukasan, kahit pagod nung nakaraang gabi, maaga pa ring nagising si Devon. Nakasanayan na ng katawan nyang maagang gumising. Gaya ng nakagawian nya, pagkatapos maghilamos at magkape, naglakad lakad sya sa beach. Hindi nya akalaing, maaabutan nyang muli ang lalaking sinupladahan nya kahapon din ng umaga. Nakangiti ito sa kanya nang makita sya. Seryoso lang na naglalakad si Devon. Hindi nya pinapansin ang lalaki.
Maya-maya'y, he's humming a song na. Napatingin rito si Devon. Ngunit nanatiling hindi sila nagkikibuan.
'Mabuti naman,' sabi ng isip nya.
"Haaay, ang hirap naman," malalim na buntong-hininga ng lalaki.
Yun ang ikinangiti ni Devon. Biglang nagliwanang ang mukha ng lalaki nang makitang ngumiti si Devon.
"Haay, salamat. Akala ko di na kita makikitang ngumiti," sabi nito.
"Ang lalim ng buntong-hininga mo. Parang galing pa sa kasuluk-sulukan ng mundo," natatwang biro ni Devon. Kahit paano, magaan ang loob nya rito. Mukhang harmless naman.
Natawa ang binata. "Paano, ang hirap hindi makipag-usap sa'yo. Pero takot naman ako'ng sungitan mo ulit. kaya quiet lang ako. Pero ang hirap talaga." Nagpapacute face na ito.
"Sige, sorry kung sinungitan kita kahapon. Bad mood lang ako. Maiwan na kita rito. enjoy your stay," pagpapaalam na nya rito. Kelangan nilang maghanda for the big event tonight. Spa, parlor, manicure, pedicure. Isusukat pa yung mga gown nila at costumes.
"Wait, ano'ng pangalan mo?" tanong ng lalaki.
"Never Mind. Ayokong sabihin." turan ni Devon. Saka na ito na umalis.
"Bye Never." Pahabol na sigaw ng lalaki na ikinatigil ni Devon. Saka muling lumingon rito.
"What? I asked your name, sabi mo Never Mind. So I thought, Never is your first name." nagmamaang maangang paliwanag nito.
Natawa na lang si Devon ngunit di pa rin nya sinabi ang pangalan. Umalis sya habang naiwan ang binatang nakasunod ang tingin sa kanya.
---------------------------
"Who the hell is that guy? You're flirting with that guy this early?" nagulat sya. NAkatayo si Nakaharang si James sa daraanan nya at halos magsalubong ang mga kilay nito.
Nainis na rin si Devon sa accusation nito. "Hindi ko kilala yung lalaking yun."
"Aha! And you're flirting with a man you don't know. Wow! You tried to run away from me but here you are, flirting with a stranger?"  nakangisi na ito.
"I'm not flirting," medyo tumaas na rin ang boses ni Devon. May sasabihin pa sana si JAmes ngunit may taong nagsidatingan. Yun ang hinintay ni Devon. Tumakbo na sya pabalik sa cottage. Hindi na sya hinabol pa ni James.
--------------------------
Inis na bumalik si James sa office nya. He went to the cottage to talk to Devon and apologize pero nakita nya ang pag uusap nila ng lalaking yun sa beach...na silang dalawa lang. Halos sugurin nya ang mga ito. He saw how she smiled at him. Naiinggit sya sa lalaki. Whoever he is, he wanted to cast him away from her.
"Sir, nasa telepono po ang dad nyo." bungad ni MArissa sa kanya.
Biglang nag alala si James. Agad nitong kinuha ang telepono.
"Dad," simula ni james.
"Hey son. How's everythin' goin?" his dad sounds sickly.
" Very well dad. Everything is set for tonight's party. Don't worry. Everything's perfect," sabi nya sa ama.
" When you give your message later, extend my regards to everyone...especially to the employees. Tell them I am thankful for their help and for helping you as well. Tell them, i'll cherish their support and may they continue to support you, Ivan, and Lorie. MAke them feel they are loved, son." bilin ng ama.
James can't help but felt guilty. His dad just loves his people so much. And that's something he has to learn more.
"Don't worry dad. I'll tell them those. How are you doing?" he worriedly asked.
His father just laughed. "This is an old man but still strong. Baka talunin pa kita sa swimming race pagbalik ko jan," his dad jokes.
Tumawa na rin si James. It's just so heartwarming to hear his dad laugh.
"I need to hang up now son. Nandito na ang doctor ko. Tell Lorie to call your aunt Bittey later. And Ivan too," nagpaalam na ang ama.
"I will dad. Take care," James said.
------------------------------
Nawala ang inis ni Devon nang makita ang mga kaibigan sa labas ng cottage. NAghihintay sina PAtrick at Sam sa kanya. MAy dala silang nakapack na sa tantya nya naglalaman ng pagkain.
"Saan ka ba galing," bungad na tanong ni Sam.
"Ha? Naglakad-lakad lang sa beach. Ano mga yan?" tanong nya.
"Hulaan mo," excited na itinaas ni Patrick ang mga bitbit nya.
"Pagkain..halata naman," natatawa na rin si Devon.
"Oo nga pagkain pero ano'ng pagkain?" tanong ulit ni Patrick.
"Paamoy," inamoy ni Devon ang mga nakapack. Natawa na lang si Sam at ginulo ang buhok nito.
"Para kang aso jan. Tara sa beach, dun tayo kumain. Parang picnic lang." anyaya nito sa kanya.
"Tayo lang?" tanong ni Devon.
"Nandun na si Yen. Nagbibihis lang si Fretz, sinabihan ko na kanina. Si Trisha, maysakit pala. Naghihina pa daw. Anjan ata yung doctor at nurse." sabi ni Sam.
"Ganun ba. Sige." Sabi ni Devon. NAng makalabas si Fretz, nagpunta na ang mga ito sa beach. Nandun nga si Yen. Magana silang kumain at nagkwentuhan. Hindi nila namanlayan ang oras. Tinatawagan na sya ni MArissa. AT pinapapunta sa hotel. DUn na daw sila magbibihis para mamya. Tinapos na nila ang pagkain.

Monday, July 4, 2011

CHAPTER 18

Hinahabol ni Devon ang kanyang paghinga pagdating nya sa cottage. Agad syang tumuloy sa kanyang kwarto at saka  ni-lock ang pinto. Naupo ito sa gilid ng kama. Anlakas ng kabog nya sa dibdib.. Maaaring dahil sa pagtakbo... at kay James.


'Bagay lang sa kanya yun.' pagtatanggol nya sa sarili. Pero di nya maiwasang mag alala rito. Narinig pa nya ang sigaw ng lalaki.  Namimilipit sa sakit.


'Salbahe ka Devz. Bakit dun pa sa parteng yun mo tinamaan. Kung mabaog yun,' she scolded herself.


Hindi tuloy sya mapakali. Paroo't parito. Maya-maya'y hihiga, babangon. O kaya sisilip sa bintana, o pakikiramdaman sa labas. Nang medyo kumalma sya, lumabas syang muli sa kwarto at uminom ng tubig. Syang muling pagkatok ng pinto. Nagulat sya. Hindi nya binubuksan sa pag aalalang si James ulit ito. 


"Devz, anjan ka ba? Nakalock tong pinto,"  sigaw ni Fretz mula sa labas. Nagmamadaling binuksan ni Devon ang pinto pagkarinig kay Fretz. Nang buksan nya, kasama pala nila si Bret na nakaalalay kay Tricia na halos di na makatayo sa kalasingan.

"Kala ko tulog ka na?" tanong sa kanya ni Fretz.


"Ha? Ah, naligo pa kasi ako.. " sagot nya rito.


Inayos na nila si Tricia sa kanyang kwarto. Nagpaalam na rin si Bret. Inihatid ito ni fretz sa pinto. Nakita nya ang quick kiss nung dalawa. 'Mukhang sila na,' sabi ni Devon sa sarili. Natutuwa sya para sa kaibigan. Nang makaalis si Bret, nakita ni Devon ang gulat sa mukha ni Fretz pagkakita sa kanya.

"Kayo na, noh?" she teased her. Nawala ang alalahanin ni Devon dahil sa kaibigan.

"Ah eh," hindi makasagot si Fretz.

"Sige, wala akon'ng nakita. Wala ako'ng sasabigin. Good night Fretz," nangingiting  pnagpaalam na si DEvon.

"Devz, hindi ba masyadong mabilis?" tanong ni Fretz kaya natigilan si Devon sa pagpunta sana sa kanyang kwarto. Tinignan nya si Fretz. Maya-maya'y naupo na sila sa sofa.

"Kung tutuusin, mabilis naman talaga. Ilang araw pa lang kayong magkakilala." sabi ni Devon. At naalala nya rin ang sariling sitwasyon.

"Makulit kasi si Bret eh. Mabait naman at saka sweet kaya sinagot ko na." tugon ni Fretz.

"Desisyon mo yan Fretz. Nasa sa'yo. Ang sakin lang, pa'no na relationship nyo pag-alis mo rito," pag-aalala nya sa kaibigan.

"Hindi ko rin alam. Pero sa ngayon, gusto ko lang enjoyin yung time namin together. Pagkatapos nito, bahala na," desididong turan ni Fretz.

Marami pa silang napag-usapan. Pagkatapos mag-usap ang dalawa, pumasok na sila sa kanya-kanyang kwarto. Hindi mapalagay si Devon. Iniisip nya kung ano na ang nangyari kay James. Ganun din ang mga sinabi nito sa kanya.

'Totoo kaya mga yun,' tanong nya sa sarili. Nagpaflashback ang mga ngiti nito, ang mapupungay na mga matang tila nangungusap, ang pabango nito, ang mukha nitong papalapit sa kanya... 

'Prrrrrrrrrrt,' parang pito na umalingawngaw sa utak nya.. 'Stop na. Wag mo na isipin yun. Talagang playboy lang yun,' sabi nya sa isip. Nakatulugan nya ang pag-iisip kay James.

---------------------------------

Bumalik si Bret sa pub house at naabutan nito si James na umiinom pa rin.

"Bro, still here? I thought you went up already?" gulat na tanong ni Bret sabay tapik sa balikat ni James.

"I'm going up soon," simpleng iwas ni James sa tanong ng kaibigan. "Where you've been?"

Hindi na rin nagtanong pa si Bret. Umupo na lang din ito sa  tabi nya at nag-order.

"I took Fretz and Trisha sa cottage nila. Trisha was so drank that she can't even walk." natatawang sagot ni Bret.

Muling naalala ni James si Devon. Her fresh scent, her black hair, her body he tightly hugged, her innocent eyes, her jealousy kay trisha, and that crazy thing she did.. Bagamat masakit pero di nya maiwasang ngumiti.

'That silly, witchly tiger,' he thought smiling.

"Why are you smiling?" puna ni Bret sa kanya.

"Huh?" nakalimutan nyang kasama pala nya si Bret. "I was just wonderin'. Since you took them home, you scored kay Fretz," buti na lang nakaisip agad sya ng sasabihin rito.

Tumawa si Bret. Yung tawang parang kinikiliti.

"You bet. She's my girl already," Bret proudly said.

Nangingiti na lang si James. "That's fast. But congratz bro."

"Maybe girls are just different from each other," Naisip ni James kung bakit si Devon, mahirap paamuin.

Napag-usapan nila ang tungkol sa party at ang ginagawang preparation. Two days more to go. Final rehearsal ng mga performers bukas. So far, everything is in control. Sabay na silang bumalik sa hotel.

-----------------------------------------

Masakit ang ulo ni Devon pagkagising nya. Marahil dala ng nainom nya kagabi. Bumangon sya at lumabas sa kwarto. Ngayon pala ang final rehearsal nila. Hindi pa gising sina Fretz at trisha. Naghilamos na sya ng mukha at nagtoothbrush. Dahil kumakalam na ang sikmura, kumain na sya ng tinapay at gatas. Pagkatapos ay lumabas at naglakad lakad. Malamig ang simoy ng hangin pag umaga. Masarap sa pakiramdam. Wala pang masyadong tao sa beach kaya tahimik din.

"Ang ganda naman ng view rito," maya-maya'y narinig nya ang boses ng isang lalaki.

Nilingon nya ang nagsalita at nakita nya ito'ng nakatingin sa kanya. Gwapo ito at mestizo. Parang artista. Saan nga ba nya ito nakita. Maganda rin ang katawan. Sa tantya nya, hindi nagkakalayo ang edad nila.

Pagkaraa'y tinalikuran na ito ni Devon at naglakad palayo rito.

"Ganyan ba ka-snob ang mga magaganda," sabi ng lalaki sa kanya.

'Aba Devon. Ang haba naman ata ng hair mo. Lahat na lang te, lumalapit sa'yo,' sabi ng isip nya.

Muling nilingon ni Devon ang lalaki. Nakangiti ito sa kanya.

"At ganyan din ba ka-hambog ang mga gwapo? Kala nila lahat ng babae, agad magkandarapa sa kanila," inis na tugon nya rito saka binirahan ng alis.

Narinig nya ang malakas na tawa ng lalaki. Naiinis na bumalik si Devon sa cottage. Hindi nya rin maintindihan kung bakit ang bilis nyang mainis ngayon. Gising na si Fretz nang dumating sya sa cottage. Maya-maya'y, tumawag na si MArissa na sa resto na sila magbreakfast. Dahil hindi pa gising si Trisha, kaya sila ni Fretz at Devon lang ang pumunta.

"Nasaan si Trisha?" agad na tanong ni Marissa. 

"Tulog pa po." sabi ni Fretz.

"Hala, final rehearsal nyo ngayon? Nakalimutan nyo ata na Linggo na bukas. Partey partey na. " sabi ni Marissa. "Sige, kain  na kayo. Pagkatapos, pakigising na sya."

Maganang kumain ang dalawa. Pagkatapos nilang kumain, bumalik na sila sa cottage para maghanda. Hindi pa rin gising si Trisha. Ginising ito ni Devon dahil nauna nang naligo si Fretz. Hirap imulat ni Trish ang mga mata. Nang makabangon, parang matutumba. Nasusuka pa kya bigla itong tumakbo sa lababo. Hinahagod ni Devon ang likod nito. NAng mahimasmasan, naupo ito sa sofa at muling nahiga.

"Ang sakit ng ulo ko Devz," umuungol na sabi nya.

"Bat ka kasi naglasing. Ayan tuloy," pag-alo nya sa kaibigan. Ipinagtimpla nya ito ng gatas. Nang mainom ito ni Trisha, medyo gumaan ang pakiramdam.

"Final rehearsal ngayon. Makakasama ka ba?" nag-aalalang tanong nya rito.

"Hindi ko kaya. Mamyang hapon na lang ako," turan ni Trisha.

Mukhang malaki ang problema nito. Bumalik ulit ito sa kanyang kwarto at natulog. NAng matapos si Fretz, sinabi nya ang tungkol kay Trisha kaya pinuntahan din ito ni Fretz . Sumunod na rin syang naligo. Nang makapagbihis sila, pumunta na sila sa Concert HaLL para sa rehearsal.

Bigla syang nanlamig nang makita nya si James na nagbibigay ng instruction sa mga staff. Ngunit pinanatili nyang kalmado ang utak. Nang mapansin sila ni Bret, kumaway ito sa kanila. Kaya napansin na rin sila ni James. Kahit medyo malayo ito, nakita ni Devon ang pagkunot ng noo ni James. Nang makalapit sila sa mga ito, nakangiti na si James.

"Hey, where's Trisha," tanong nito kay Fretz. Ni hindi sya nito tinapunan ng tingin.

"Maysakit. Kaya she's asking if  pwede mamayang hapon daw sya magrehearse?" sagot ni Fretz.

"Really? Is she okay? Wait, i'll call a doctor for her," nag-aalalang sabi ni James saka ito tumawag.

Hindi maipaliwananag ni Devon ngunit parang may kirot sa puso nya ang pag aalalang ipinakita ni James para kay Trisha.

"Devon, come over here," buti na lang at tinawag sya ni Bret kaya naitago nya rito ang reaksyon nya. Ipinakita nito ang program. Sinabi nyang sakaling magrequest ang audience ng songs, she should be ready. Hindi na nakita pa ni Devon ang pagsalubong ng kilay ni james.

Matapos matawagan ni James ang doctor, pinanood nya lang si Devon from afar. Bret and Fretz at that time singing. Devon is scanning a paper, reading it. 

She's simply irresistible. There's just something in this woman that attracts him.

"Don't melt her. She still has to perform tomorrow," narinig nya from behind. It is Ann.

"What are you talking about." pagwawalang bahala ni James habang nakatawa. "Stay here and supervise them I have to go bac to the office. I'll send Ivan or Lav to help you," paalam ni James. 

"Lame. Why are you going away?" tumatawang pahabol ni Ann.


"Because thats bullsh**. Bye," paalam na nito.

Natatawang naiwan  si Ann.                                      

Tuesday, June 21, 2011

CHAPTER 17


Biglang nagblush si Devon. Nag init ang mukha nya. At kahit na dim ang paligid, James recognized her blushing. And that excites James even more. He's loving that very moment.  Sanay na syang mambola ng mga babae and the girls gave in to his sweet talks but never did he see anyone blushing so naive like Devon. James is smiling, naughty smile. Devon, trying to redeem herself, shouted.


"Wala kang pakialam. Kung kayo hobby nyo makipaghalikan, wag mo akong itulad. Bitawan mo ako," nagpupumiglas na si Devon upang tuluyang makaalis sa yakap ni James and maybe even from his spell. Her defense is starting to weaken. Ramdam nya, she could give in anytime. Ngunit lalo lang hinigpitan ng binata ang yakap nito sa kanya. She feels the emotional wall she put in between will collapse anytime. When she stopped resisting, she saw him grinned like a little boy.


James: Don't worry Devon. I won't kiss you now. Unless you provoke me..


"Bastos," inirapan nya ito which made the man laugh in amusement.f


'At ginawa ako'ng subject of amusement nya,' himutok ni Devon ngunit ang makitang nakatawa ito makes her feel delighted secretly in her heart. Ngunit nang maalala muli ang insedenteng nakita nya, muling bumangon ang inis nya rito.


'Ako ba ang pagtitripan nito ngayon after Tricia?' tanong nyang muli sa sarili. At mukhang nababasa ni James ang iniisip nya.


"You  saw me and Tricia kissing, didn't you? Don't worry sweetheart, that kiss was nothing."

'Sa tono nito parang hangin lang yung kiss,' naisip ni Devon. Ganito ba kacasual ang tingin ng mga may dugong dayuhan sa halik,' naisip ni Devon.

"Wala ako'ng pakialam sa halikan nyo," inis na singhal ni Devon sa binata.

"Really? But why do you sound so bitter?" lalo namang game si James sa sagot nya sa dalaga. "I told you sweetheart, there's no feelings involved. It's just a kiss," natatawang turan muli ni James.

"Don't call me sweetheart. Hindi mo ako sweetheart. Let me go na," muling pumiglas si Devon. Ayaw nyang tuluyang makaisa ang lalaki.

"You're beautiful when you're jealous." he teased her again.

Nanlaki ang mga mata ni Devon. Obvious na ba sya rito? Upang pabulaanan ang sinabi nito, "Ang kapal mo. Hindi ako nagseselos. At bakit ako magseselos? Ano ba kita?" bulyaw nya sa binata.

Ngunit lalo lang natutuwa si James. Then he thought of teasing her. "You're very transparent sweetheart. Your body doesn't agree with your speech. Don't make this so hard. Mind you sweetheart, my kiss is heaven," he started to move his face towards hers only to hold back and.......

"Aghhhhhhhhhhhhh..." James shouted in agony.

Tinuhod ni Devon ang binata. Nang mabitawan sya nito, she ran away. James felt an unimaginable pain as he almost coiled in the sand. Pinagpawisan na sya sa sobrang sakit. Feeling nya, basag ang kanyang kaligayahan.

'D_    you woman,' sigaw nya sa isip habang namimilipit sa sobrang sakit. Matagal bago sya kumalma. nang mahimasmasan, he looked where Devon ran.

'Witch,' muling sigaw ng isip nya. Then he sat down in silence. He never ever thought she would do that. Naiiling na lang sya habang nakatanaw sa dagat.

'Looks like you found an untamed babe.' sabi nya sa sarili. 'You'll pay for this Devon, I promise.'