Kasalukuyang pumipili ng isusuot na shorts si Devon nang may kumatok. Si Tricia. Nakabihis na ito. Napakasexy nya sa kanyang damit. Nakalugay ang mahabang buhok. Nakita nito ang hawak na shorts ni Devon.
Tricia: Yan ba ang isusuot mo? Wala ka bang swimsuit?
Devon: Manipis naman to. Okay lang siguro.
Tricia: Ang alam ko required na swimsuit isuot pag ganitong mga first class resort. Meron ako'ng extra. Sa Hongkong ko pa nabili yun with my mom. Bigay ko na lang sa'yo.
Devon: Ha? Wag na Trish. Okay nako dito.
Tricia: Halika.
Hinila ni tricia ang kamay ni Devon at pumasok sila sa kwarto ni Tricia. may kinuha sya sa kanyang bag.nang makita ang hinahanap, lumapit ito kay Devon saka ibinigay.
Tricia: Ito. Bago pa yan. Last week ko lang binili.
Nag aalangan kung kukunin ba ni devon o hindi na lang sya magsuswimming. Nakita ni Tricia ang pagdadalawang isip ni Devon kaya kinuha nito ang kamay at binigay sa kanya. Sayo na yan.
Tricia: Sige. Babush. Alis na ako. Baka maraming cute ngayon sa pub. Swimming ka na. Gamitin mo na yan.
Saka umalis si Tricia. Naiwan si Devon na nag aalangan kung pupunta ba sya at magsuswimming o wag na lang. Bumalik sya sa kanyang kwarto at tinignan ang ibinigay sa kanya na swimsuit. Nanlaki ang kanyang mga mata. Napakasexy ng swimsuit. Isang banded halter top matched with tie side hipster bottom. Hindi ito kayang suotin ni Devon. Lumaki sya sa isang konserbatibong pamilya. Nasanay syang nagsusuot ng mga simple lang. Pag kumakanta sya kasama ang banda, jeans at t-shirt lang. Hindi naman sya pinipilit ng mga kasama na magpaka-girly dahil alam nilang hindi ito sanay. Ang mahalaga naman daw ay ang boses nya. Iniisip nya, ano'ng gagawin nya sa resort kung hindi sya magsuswimming? Tinignan nya ang orasan.
'Mag aalas diyes na. may tao pa kaya sa swimming pool?' tanong nya sa sarili.
Nagdesisyon syang isuot ito ngunit sinuot nya ang kanyang bathrobe. Pag may tao, hindi sya magsuswimming. Kung wala, magsuswimming sya. Isinuot nya ang binigay sa kanya ni Tricia. Kung may sobra syang pera pagkatapos ng isang linggo, babayaran nya ito sa kanya.
'Pero sa Hongkong nya binili.Mahal yan for sure.' sabi nya sa sarili. 'Bahala na. Kung diko man mababayaran nang buo, eh di kunin ko na lang bank account nya para bigay ko pag nagka gig ulit ako.'
Lumabas na si Devon at tumuloy sa swimming area. Talagang napakaganda ng resort.
May mangilan ngilan pa ring nagsuswimming. Sabi kanina ni Ms. marissa may swimming pool pa sa likod ng resort. Exclusive yun for the owner at owner's guests. Since special guests sila, pwede daw nilang gamitin yun. Nakita din nya sa wakas. Natuwa sya dahil walang tao. Malawak ang swimming pool. May mga lamp posts na nakapalibot at mga palm trees. May mga benches din. Lumapit sya sa pool at isinawsaw ang isang paa. Maligamgam ang tubig. Marahil may heating system din ang pool. Muli syang nagpalinga linga sa paligid. Nilibot ang buong pool.
'Mukhang wala namang tao.' sabi nya sa sarili.
Tinanggal nya ang tali ng kanyang bathrobe. Tumingin ulit sa paligid. Pagkuway, dali daling tinanggal ang bathrobe at masayang lumusong sa tubig. Mga sampung minuto syang nagtampisaw at lumangoy na pabalik balik. Nang mapagod, Nagback crawl. Nakatingala sya sa langit. Nakikita nya ang mga bituin. Walang anu ano, ipinikit nya ang mga mata habang nakangiti. Hindi nya alam, may mga pares na mga matang nakatunghay sa kanya.
-------------------------------
Dahil badshot si James, tumuloy sya sa swimming pool. Ngunit naiisip pa rin nya ang pinag usapan nilang magkapatid. Kaya sa halip, tumuloy sya sa minibar na malapit din sa pool. Exclusive ang pool para sa family at guests ng pamilya. Minsan, dito din ginaganap ang exclusive gatherings ng intimate family friends ng mga Roberts o kung may espesyal na okasyon. Habang umiinom, napansin nyang may isang taong lumapit sa pool. Sasabihan nya sana itong ekslusibo ang lugar nang makita nyang lumilinga linga ito na parang tumitingin kung may tao sa paligid. Dala ng kuryusidad, hinayaan nya itong libutin ang pool. Natantya nya na ito'y babae dahil sa balingkinitan at mahabang buhok nito. Hindi nya mamukhaan dahil dim ang ilaw sa paligid. Na curious sya kung ano ang sunod na hakbang nito pagkaraang libutin ang pool. Muling nagpalinga linga ang babae na parang chinicheck kung may tao ba. Hindi sya nito nakita dahil nakapatay ang ilaw sa mini bar. Pagkaraan nang ilang saglit, tinanggal nito ang bathrobe. Napasinghap si James. Kahit medyo malayo ang babae ngunit naaninag nito ang napakagandang hubog ng katawan. Itinakip nito ang mga kamay sa kanyang pangharap at dali-daling lumusong sa tubig, Hindi alam ni James kung ang init na naramdaman ay dala ng nainom na alak o epekto ng babaeng nasa pool ngayon. Pinagmasdan nya ito habang pabalik balik na lumalangoy. Muli syang tumungga at uminom. Mukhang napakabilis na nyang maapektuhan ngayon ng mga babae samantalang sa mga bansang narating nya, maraming mas sexy at mas magaganda ngunit hindi ganun ang epekto nito sa kanya. Aalis na lamang sya ngunit nang muling tignan ang babae, nakalutang na ito sa swimming pool. Biglang kinabahan sa pag aakalang may nangyari sa babe. Dali-daling pinuntahan ni james ang babae only to find that she's doing a backstroke. Lalo syang nagulat nang matunghayan ang mukha nito. It's the same woman she just met this morning.. He ran his eyes sa kabuuan ni Devon. He saw her this mornign wearing a boyish attire na kaibang kaiba sa babaeng nakikita nya ngayon.
'She is a goddess.' naiisip nya. 'Perfect curves. Not too less..not too much.' Lumunok sya nang ibaba nya ang paningin sa kabuuan ng dalaga.
Naramdaman ni Devon na hindi sya nag iisa. nang imulat nya ang mga mata nakita nya ang isang lalaking nakatunghay sa kanya.
Sa pagkagulat, napasigaw na lang sya.
"BAstos..maniac," sigaw nito.
Natauhan si James sa sigaw ng dalaga. Tumingin sya sa paligid. Dahil natamaan ng liwanag ang mukha nito, narecognize ito ni Devon. Biglang nanlamig ang kanyang pakiramdam nang matantong ang kasama nya ngayon ay si James Roberts ulit. Huli na para bawiin nag nasabi. Muli syang tinignan ni james na ngayon ay pormal na ang mukha.
"Why are you here?" malamig na tanong nito sa kanya.
Hindi makapagsalita si Devon. Niyakap nya ang sarili. Hindi nya alam ang gagawin kung aahon na ba sya. Ngunit nasa tabi ng kinatatayuan ng lalaki ang bathrobe nya.
"This is exclusively for the owners and intimate friends of our family. WHy are you here?" muling tanong ni James na ngayon ay nakakunot ang noo habang nakatingin sa kanya.
"And what did you just say? Bastos? Maniac?" Sunod na tanong nito.
Wala siyang maisip isagot sa lalaki.
Tinignan ni Devon ang bathrobe sa tabi ng lalaki. Tinignan din ito ni james. Nakuha agad nito ang gustong mangyari ni Devon. Ngunit bakit nagdadalawang isip si James na ibigay ang bathrobe sa dalaga. Ngunit nang makitang parang nangangatal na ang bibig ng dalaga na parang giniginaw, kinuha nya ang bathrobe at inilapag malapit kay Devon. Tinitignan lang sya ni Devon. Nang mailapag ang bathrobe, tumalikod sya sa dalaga.
"Okay. Wear your bathrobe now. Hurry. I won't look." ngunit sa isip nya, naghuhumiyaw ang kagustuahng lumingon rito.
Walang sinayang na sandali si Devon. Dali-dali syang umahon at isinuot ang bathrobe habang nakatingin kay James na nakatalikod sa kanya.
"Are you done?" tanong ng lalaki.
NAng maisuot at maitali ang bathrobe, parang nakahinga nang maluwang si Devon.
"Okay na." sabi nya sa lalaki.
Nang lumingon ito, nakita nyang mahigpit na nakayakap sa sarili ang dalaga. James can't still get over sa nakitang kabuuan ng dalaga bagamat natatkpan na ito ng bathrobe.
"SO why are you here," muling tanong ni james sa kanya.
"Akala ko walang tao. Sabi kasi ni Ms. marissa, pwede daw kami magswimming dito. Hayaan nyo po, hindi na mauulit. Sige po," paalis na si Devon ngunit muling nagsalita ang lalaki.
"Why do you keep on getting away from me?" tanong nito sa kanya. This time, may lambing sa tinig nito.
Liningon nya ang lalaki at nakita nito ang namumungay na mga mata. Palapit rin ito sa kanya. Gustong lumayo ni devon at umalis. Ngunit parang nakaglue ang mga paa at hindi nya ito maihakbang. Hanggang sa makalapit sa kanya si James.
"WHy do you look so scared of me?" hinawakan nito ang buhok na tumatabing sa kanyang mga mata. Inilapit ni James ang mga labi sa tenga ng dalaga saka bumulong.
"Or do you like me but just playin' hard to get?" bulong nito sa kanya
NArindi si Devon sa narinig at isang malakas na sampal ang ibinigay sa lalaki saka ito tumakbo palayo. Hinawakan ni james ang kanang pisngi na sinampal ni Devon habang nakatingin sa babae palayo sa pool.

owver!! kiligerz...okies next chapter...
ReplyDeletenice sexy swimsuit description Te..hehehe.
ReplyDelete