Thursday, December 16, 2010

CHAPTER 5

Mga limang minuto ring wala silang imik nang basagin ito ng ring ng cellphone ni Devon.
Tinignan nya muna ang katabi na parang humihingi ng permiso. Nang tumango ito saka lang dali daling sinagot ang tawag.

Devon: Hello?

Patrick: Guess where am I now?

Devon: Ha? Nasan ka ba?

Patrick: On my way to JAEVON resort.

Devon: Ha? Talaga? Pa'no?

Patrick: Syempre sumakay ako ng ferry syempre.

Devon: bat di mo sinabi para nagkasabay na tayo.

Patrick: Inantay ko ang pinsan ko. Treat nya kasi.Kararating lang nya  kagabi eh gusto agad magliwaliw. Ayan. Willing namang gumastos eh di sige.

Devon: You mean yung pinsan mong Sam ang pangalan?

Patrick: Yes. Sabi ko nasa bakasyon ka ngayon eh gusto nya rin jan. Maya maya lang anjan na kami.

Devon: Okay.Nakapagpareserve na ba kayo?

Patrick: Oo. Naitawag na namin.

Devon: O sige antayin ko kayo. ingat.

Patrick: Sige. kitakitz

Devon:Sige. Bye

Muntik na nyang makalimutan na may kasama pala sya. Nahihiya siyang tumingin rito.

James: Is that your friend?

Devon: Oo..Papunta din sila rito.

James: Really?

Sumeryoso ulit ito. Kung kanina nakakangiti na ito sa kanya. Ngayon parang istatwa sa pagiging pormal.

James: How many of them?

Devon: Dalawa ata. Yung kaibigan ko saka yung pinsan nya.

James: Are you sure he's just your friend?

Hindi napansin ni Devon ang tono ng tanong ni James kung kayat sinagot pa rin nya ang tanong nito.

Devon: He's my friend since high school. Sya yung nag encourage sakin na sumali sa contest. Kaya nagpapasalamat ako sa kanya kasi pinilit nya akong sumali kaya andito ako ngayon.

Bumuntong-hininga si James nang malalim. Bakit parang naiinggit sya sa lalaking yun.

James: When did you start singing?

Pag-iiba ni James sa usapan.

Devon: Nung bata pa ako. Naalala ko nung elementary ako, mahilig talaga ako'ng sumali sa singing at saka dancing contest kasi gusto ko manalo ng price.

Tinignan ni james ang dalaga habang nagkukwento. He can't imagine how her life was dahil lumaki si James sa mayamang pamilya. They have one of the biggest houses in Sydney and his dad is a known businessman. Nung ipatayo nila ang resort, maliit pa lang ito hanggang sa makilala nang makilala. He remembered his dad giving all his life and years sa pagpapatakbo ng resort kung kayat silang magkakapatid ay naiwan sa pangangalaga ng mga aupairs at ng kanyang tiya Bittey, half sister ng kanyang ama.Diborsyado na ito ngunit may anak ito,ang pinsan nyang si Ivan Donald. Ngayong naririnig nya ang simpleng pamumuhay ni Devon, parang nakaramdam sya ng guilt. On the other side of the world, people are doin' all they can to survive samantalang sya, nagpapakasaya at nagpapakasarap nang matagal without working for it. Now he had to work hard and show his dad he learned his lesson already.

James: So if you go to college, what will you take?

Devon: Engineering or Architecture siguro. Hindi ko alam. Tignan ko kung kaya ko yun. Ikaw, ano'ng kurso tinapos mo?

James: I took culinary arts in some countries. I finished two years in International Business Administration but I'm going to continue after my dad comes back.

Tinignan ni Devon ang kausap. Ito ba yung lalaking nakabangga nya na pagkasupla suplado? wari'y nagtataka ngunit tahimik syang nakikinig rito.

James: My dad was sick. My oldest brother and my tita are there in America right now. He just underwent a surgery but in a month, he will be back here.

Devon: Okay lang ba sya?

Nag-aalalang tanong nito sa lalaki.

James: He's a strong old man. He's even more concerned at the hotel rather than his health so I insisted to take over and send him for a surgery. Sometimes, old men are so stubborn.

Saka ito tumawa nang malakas. Ngumiti si Devon nang makitang tumatawa ang kausap.

'Aba'y marunong din palang tumawa ang mukong' sa isip nya lang.

DI alam ni Devon na nakatitig na sya rito kung kayat nang tumingin ito sa dako nya, nagtama ang kanilang paningin. Biglang ibinaling ni Devon ang tingin nya sa dagat.

James: Did you like the pasta you just ate?

Simula ulit ni james.

Devon: Ahh.Oo! Ansarap nga eh.. Ang galing nung cook nyo. Very tasty..

JAmes: Do you want some more of it?

Devon: Ha? Naku, nakakahiya naman. Wag na. Tama na yung nakatikim ako.

James: But do you like it?

Devon: Oo nga. Ngayon lang ako nakatikim nun.

James: That's my recipe.

Devon: Ha?

James: I made that recipe just two days ago. I suggested my sister to include it in the menu. Gladly she liked it. And so did you. I'm happy.

Devon: Talaga? Masarap talaga sya.

James: I can cook for you next time.

Nabigla si Devon. ganito ba kafriendly ang taong ito. Kahospitable. Abay sobra sobra na kung ipagluluto pa sya ng gwapong may ari ng resort.  Nang biglang tumunog ang cellphone ni Devon. 

Devon: Hello

Ms. Marissa: Devon, baba ka na. Okay na rito si Ms. lavender.

Devon: Sige po.

Nang ibaba nya ang telepono, nahulaan agad ni James na si MArissa na yun.

James: Is that Marissa?

Devon: Opo.

James: Okay. Don't worry. Ms. Lav is cool. She won't make it hard for you. I'll make sure of that.

Ngumiti si Devon at tumayo na sya. Nagpaalam na sya rito at nakita nya sa kanyang mga mata na para itong nalungkot. At pati sya, parang ayaw na nyang umalis ngunit nakakahiya. Bumaba sya sa elevator na hindi pa rin nya alam kung bakit ganun na lang lakas ng tibok ng puso nya pagkatapos makausap ang isang James Roberts.

CHAPTER 4

Dumiretso si James sa kanyang opisina habang nasa isip pa rin nya si Devon. Sya mismo, napapaisip kung bakit ganun na lang ang pekto ng babae sa kanya and to think na kakikilala pa lang ito rito. Nakakunot sya ng noo nang mabungaran nya si Ms. Lavender na aligaga sa pagsagot sa tawag sa telepono. Nang makita sya nito, nagtaka ngunit nagpatuloy itong makipag usap. Nang matapos, sinundan nya ang kanyang boss sa office nito.

Ms. Lavender: Sir akala ko hindi po kayo papasok ngayon.

James: I changed my mind. Did you have lunch already?

Ms. Lavender: Tapos na sir. Tumawag po pala pinsan nyo, Ivan said he's in Manila right now. Darating sya bukas.

James: Oh good! He promised me last time he'll visit me so I guess this is it.

Ms. Lavender: Ang dad nyo, next month pa po sya babalik. Your brother Tom called kani kanina lang.

James: I see. Maybe that's the reason why my sister wants to talk to me. Let her in when she's there.

Ms. Lavender: Nameet nyo na po yung mga sposored guests who won the singing contest?

Naalala muli ni James si Devon. He can't just forget her face. Tumikhim si Ms. Lavender at naghihintay ng sagot mula sa boss.

James: Ahm! yes, I met them... Actually, one of them may come later. Her name is Devon. Lorie offered her a scholarship so I told her she can come at the office and talk to you. Please do assist her.

Matamang tinigtignan ni Ms. lavender ang amo habang nagsasalita ito. Parang may kakaiba. Kung noon parang laging arogante, napakabanayad nitong magsalita ngayon. Bagamat nahihiwagaan sa ikinikilos ng amo, hindi na nagsalita pa ang mabait na assistant.

Samantala mula sa restaurant, pagkatapos silang magpaalam kay Lorie, inilibot na sila ni Ms. Marissa. Wala sialng kibuan nang lumabas ngunit nang makita nila ang dagat, parang mga baatng nagtakbuhan sa may dalampasigan. Tuwang tuwang nakatingin sa kanila si Ms.Marissa. Nakipaghabulan ang mga ito sa alon at humahalakhak habang nagsasabuyan ng tubig. Ngunit tinawag na sila ni ms. Marissa at ipapakita pa sa kanila ang mini agrden at mini zoo na nasa likod lang ng resort. May fishpond din kung saan dito kinukuha ang mga isdang niluluto sa restaurant kayat garantisadong presko ang mga ito. Ipinakita rin ni Ms. MArissa ang iba pang cottages na may iba pang motiff. Ang swimming pool na napakalawak overflowing patungo sa mas mababa pang pool. River Pool sa itsura. May sauna at jaccusi din. Complete ang ameneties ng  resort. May concert hall/disco pub din ito. May mga palm trees na nakapalibot sa buong resort. SInabi sa kanila ni Ms. Marissa na three times a week, may concert. Darating bukas ang in charge at yun nga si bret. Kinikilig si Ms. Marissa habang kinukwento nito ang tungkol sa kaibigan ng amo. Kaiba daw kasi si Bret. PAlakaibigan. palangiti. palabati. na pawang kabaligtaran ni Mr. Roberts.

Natatawa si Devon habang nakikinig kay Ms. MArissa. 

'Mukhang masungit talaga ang lalaking yun,' sa isip nya.

PAgkatapos nilang maglibot nang isang oras, sinabi ni Tricia na pagod na ito. Habang si Fretzie naman ay gusto na rin nyang magpahinga kaya bumalik na ang dalawa sa cottage samantalang si Devon, gusto pa nyang maglibot. Alas kwatro pa naman. Alas sais sya pwedeng pumunta sa opisina ni Ms. LAvender. 

Marissa: Gusto man kitang samahan Devon pero kelangan kong bumalik sa hotel. O kung gusto mo, sumama ka na sakin. Kung wala nang ginagawa si Ms. Lavender, pwede mo naman syang kausapin nang mas maaga.

Devon: Okay lang kaya ms. MArissa. Sabi ng boss nyo, alas sais?

Marissa: Samahan mo ako. Kung merong ginagawa, pwede mo silang antayin o kaya magview muna dun. May viewdeck kami sa hotel.

Sumama na nga si Devon kay Marissa. pagdating nila sa Hotel, itinuro ni Ms. Marissa ang nagngangalang Lavender. Maganda ito at katamtaman ang tangkad ngunit mukhang smarte.

MArissa: Nasa 5th floor ang viewdeck. Kung gusto mo, punta ka muna dun. Taz tawagan kita. Nasa akin naman ang number mo pag pwede ka nang bumaba.

Sinunod ni Devon ang sinabi sa kanya ni Ms. marissa. Pinindot nya ang elevator at pumunta sa 5th floor. Nang marating nya ito, agad syang namangha sa ganda ng lugar. Anlamig ng simoy ng hangin. Nakaharap ang deck sa mismong dagat. Kita nya ang mga along nag uunahan sa dalampasigan. Ipinikit nya ang kanyang mga mata habang nilalanghap ang amoy dagat na hangin. Matagal sya sa ganung posisyon nang marinig nyang may tumikhim. Lumingon sya sa pinanggalingan nito at nakita nya ulit ang pamilyar na mukha.

James: What are you doing here?

Nauutal si Devon at di nya alam ang sasabihin dahil naalala pa rin nya ang hiya.

Devon: Ahm..ahm... I'm... I'm going na..

Paalis na si Devon ngunit narinig nya ulit itong nagsalita.

James: I didn't ask you to leave. I'm just asking what you're doin' here. I thought inililibot kayo ni Ms. Marissa around the resort.

Bagamat nagtaka si Devon sa pakikiharap ng lalaki, at parang amused ito'ng nakatingin sa kanya, nahihiya pa rin itong sumagot.

Devon: Maaga kasing napagod ang mga kasama ko. Taz busy pa ata si Ms. lavender sa baba kaya pinaakyat muna ako ni Ms. Marissa rito. Tatawagan na lang daw po nya ako pag may oras na si Ms. lavender.

JAmes: Then stay here. I think my assistant is quite busy at this hour. As I told you, mga 6pm sya makaluwag luwag.

Umupo ang lalaki sa bench at itinuro ang bench na katabi nito.

James: Take a sit.

Devon: Aalis na lang po ako. Babalik na lang po ako mamya sa opisina nyo.

James: How old are you?

Devon: Po?

James: I said how old are you?

Devon: 20 po..

James: I'm 20 as well. So disregard the "po". I bet you still remember my name?

Naguguluhan si Devon sa tinutungo ng kanilang usapan ngunit sinagot pa rin nya ito.

Devon:  James po.

James: Wrong.. I'm not James Po. I'm James Roberts.

Tumingin ito sa kanya saka ngumiti. Napasinghap si Devon. Bagamat nagtataka ngunit tipid itong gumanti ng sa kausap.

James: Okay I get it. I'm not good at jokes.

Saka ito tumawa. BAgamat nagtataka, muling nagsalita si Devon.

Devon: Salamat po sa free accomodation. NApakalaking bagay po nun para sakin.

JAmes: I said no more "po"

Kumindat ito sa kanya. Parang natataranta ngayon ang puso nya. Bakit ba ganito ngayon ang nararamdaman nya. Binigyan nya ng malisya ang simpleng kindat ng may ari ng resort. Muling nagpatuloy si Devon sa sasabihin.

Devon: Sorry kanina. Hindi ko sinasadya.

Tumingin sa kanya si James habang nakatayo pa rin sya.

James: If you're really sorry, come and sit here.

Nagtataka man at bantulot kung susunod sa sinabi nito o hindi nang muli itong magsalita.

JAmes: Why do you look so afraid? Am I a monster? Do I look like a monster?

Devon: No

Biglang lumapit si Devon at umupo sa bench katabi ng inuupuan ng lalaki. Biglang namayani ang katahimikan sa pagitan ng dalawa.

CHAPTER 3

Nang makita ni Lorie and kapatid, agad itong ngumiti at kinawayan si James. Lumapit ito sa kapatid na katabi ni Ms. Marissa at ng dalawang dalaga. Magaganda ang mga ito. Maputi ang isa samantalang matangkad na parang model ang isa. Muling sumagi sa isip nya ang nakaengkwentro nyang babae kanina. Malayung malayo ang itsura nito sa kanila.

"Hey brother, you wake up so late again," umiiling iling na sita ng kanyang ate sa kanya.

"You know the reason why," natatawang tugon nito sa kapatid. Kasama ito sa board meeting at alam nyang overtime ang mga staff ng Hotel sa closed door meeting nila kagabi.

"Alright. By the way, I'd like you to meet Fretzie and Tricia. They're the sponsored guests of the hotel to stay here for a week. Actually tatlo sila.. Parating na rin ang kasama nila," paliwanag ng kapatid.

Magiliw na inilahad ni James ang mga kamay para makipaghandshake sa dalawang dalaga. Well, they're really pretty. Makinis. AT mukhang may class. 

"I'm james, general manager of this resort. Congratulations for winning and welcome to JAEVON resort. I hope you'll enjoy your stay." sabi nya sa mga ito habang nakatitig sa dalagang nagngangalang TRicia. Ngumiti ito sa kanya.

"I'm sure mag eenjoy kami. The resort is really beautiful." sabi ni Tricia kay James.

"Thank you. After eating, siguro itotour kayo ni Ms. Marissa in and around the resort. " pagbibigay alam nito sa dalawang guest. "Shall we order? Ano'ng gusto nyo?" pag iiba ni James sa usapan. In fact, nagugutom na rin sya.

Habang pumipili ng makakain ang lahat, sya namang pagdating ni Devon. Hinanap nya kung saan nakapwesto ang mga kasama. Nagpalinga linga sya. Tyempong tumingin si MArissa sa pinto kung kayat nakita nya si Devon. Kinawayan nya ito para lumapit na sa mesa nila. Dali dali nyang pinuntahan ang mesa nina Ms. MArissa. Napansin nyang may kasama ang mga ito na isang mestisang babae at isang lalaki. Di nya ito nakilala dahil nakatalikod ito. Maaaring ito ang may ari ng resort. 

"Sorry po. May nakalimutan lang po ako," nakangiting paumanhin ni Devon sa mestisang babae dahil sa tantya nya, ito ang boss ni Marissa.

Nang magbaba sya ng tingin sya din namang pagtaas ng tingin ng lalaking nakaupo at nakahawak ng menu.

Sabay silang nagulat pagkakita nila sa isat isa.

Devon: Ikaw?
James: You?

Sabay pa silang nagsalita. Nagulat at nagtaka ang mga kasama nila.

Lorie: Do you know each other?

Sabay silang lumingon kay Lorie. Saka ulit sila nagkatinginan.

Marissa: Devon, he's Mr. James Roberts, General Manager of the JAEVON HOTEL. Sila ang may-ari ng JAEVON Resort.

Biglang napahiya si Devon. Ang lalaking pinagsupladuhan nya kanina, sya palang may ari ng Resort. Parang gusto nyang lumubog sa kinatatayuan nya ngayon. Nakakahiya. At baka dahil din dun, magbabalot na sya paalis sa resort. Nang tignan ni Devon ang lalaki, lalo syang napahiya dahil nakangisi ito. Para syang maiiyak sa hiya.

Lorie: Please sit down. I'm Lorie, James' sister.

Tumango si Devon kay Lorie. Tumingin kung saan pwedeng umupo ngunit wala nang bakanteng upuan maliban sa upuan na nasa tabi ng lalaki.

Imbes na magalit, naaliw si James sa reaksyon ng dalaga. nakita nya kung paanong parang binuhusan ito ng napakalamig na tubig pagkaraang maipakilala sya ni Marissa. Ngunit naawa din sya dahil parang maiiyak ito sa hiya. Hindi nya alam ngunit parang gusto nya itong lapitan at yapusin. Nag aalangan itong umupo sa tabi nya kaya tumayo sya at iniurong ang silya at iminwestrang umupo na ito rito. Bagamat bantulot pa rin ang dalagang umupo, umupo na rin. Saka lang din sya umupo sa tabi nya. Ramdam nya ang tensyon ng dalaga dahil parang nanginginig ang mga tuhod nito.

Marissa: Sir, she's Devon Servo, the winner of the singing contest held at the city

Pagpapakilala ni Marissa sa dalaga.

'Devon......Devon....Devon...' inulit ulit ito ni James sa isip nya.

James: Nice meeting you Devon. Congratulations for winning. Welcome to JAEVON resort."

Tinignan ni Devon ang kamay na iniaabot ng lalaki. Nahihiya man pero inabot nya ito.

Devon: Thank you sir!

NAnlalamig ang kanyang kamay at alam niyang naramdaman ito ng lalaki.

James: Your hand is cold. Are you okay?

Binawi nya agad ang kamay.

Nang sumabad si Tricia.

Ticia: Kararating nya kasi and first time nyang sumakay ng ferry so I guess, di pa rin sya makaget over. But she's fine I'm sure.

Nagkibit balikat si James at muli itong tumingin sa menu.

Fretzie: Devon, mag order ka na? Ano'ng gusto mo'ng kainin?

Devon: Kahit ano. Okay lang.

James: Here's the menu. Look for something you want

Hindi makatingin si Devon kay james kaya kinuha na lang nya basta ang menu. Tinignan nya ang nasa menu pero hindi naman nya alam kung ano ang mga yun. Di pa ata sya nakakakain nun.

Waiter: Sir, ano po'ng order nila?

Nagbigay na ng order ang mga ito ngunit hindi makapili si Devon. Hindi nya alam ang mga nasa menu. Nakita nya ang pangalan ng pasta kung kayat yun ang itinuro nya sa waiter. Habang nag aantay, nagsimulang magkwento si Tricia tungkol sa business ng family nya.
Merong kaya ang mga ito. Sumali sya sa singing contest dahil hilig talaga nito ang pagkanta. Ganun din si Fretzie, isang doctor ang ama nito at may kaya rin ang pamilya.

Tricia: What about you Devon?

Devon: Ha? Wala kaming business. Messenger ang tatay ko ng isang kompanya sa amin. Hindi nga ako nakapagtapos ng college kasi hindi kaya ng pamilya ko. So rumaraket ako bilang singer ng isang banda sa amin.

Lorie: You know what, we sponsored some students in their college so maybe we can talk about it if you're interested. You can go to the admin office and talk to Ms. Lavender, James' assistant.

Nabuhayan ng loob si Devon. Sobra sobrang biyaya to kung sakali. Abot ang kanyang ngiti sa kapapasalamat at di nya namamalayang umiiyak na pala sya sa kaligayahan.

James: Hey! Easy!

Di namalayan ni James na pinupunasan na nya sa pamamagitan ng kanyang mga kamay ang luhang umaagos sa pisngi ng dalaga. Nagulat din ang dalaga nang maramdaman ang haplos ng lalaki sa kanyang pisngi. Nagbaba sya ng tingin at pinunasan ang mga matang hilam sa luha. HAbang nakangiting nakatingin sa kanila sina Marissa, Lorie, Fretzie habang seryoso naman ang mukha ni Tricia.

Devon: Thank you!

Hanggang dumating ang mga order nilang pagkain. Tahimik na silang kumakain. Masarap ang napili nyang pagkain. Buti na lang. Hanggang matapos silang kumain, wala pa rin silang imik Isinerve na ng waiter ang dessert nila. Naunang matapos kumain si James.

James: Marissa, tour them around the resort. Then tomorrow, send them to my office. By that time, Bret has already arrived.

Masaya itong tumango sa amo. Tumayo ngunit muling lumingon sa kanya.

James: If you're interested with the scholarship, you can talk to Ms. Lavender around 6pm at the admin office. Ask marissa where it is.

Pagkatapos nitong sabihin, umalis na. 

Lorie: I'll come at your office dd...

Natatawang pahabol ng kapatid. Itinaas na lang nya ang kamay na nakatalikod habang naglalakad palabas ng restaurant.

CHAPTER 2

On their way to the restaurant, biglang naalala ni Devon na naiwan pala nya ang cellphone sa cottage. Sinabi nya kay Miss Marissa kung kayat ibinigay nito ang susi sa kanya. Sumunod na lang daw sya sa JADE RESTO. Nagmamadaling bumalik si Devon sa patungo sa cottage.

Nakayuko si james habang pinipindot nito ang iphone at tatawagan sana si Bret nang may bumunggo sa kanya kung kayat nabigla at nahulog ang cellphone.

"What the ..." nabiglang sigaw ni James. Tinignan nito ang babaeng nakabangga sa kanya.

Nakatingin ito sa nahulog na iphone habang sapo nya ang noo. Nagkatingin sila mata sa mata. Galit ang sa kanya. Gulat naman ang sa babae.
Lumapit ito at pinulot ang iphone. Iniabot nya ito sa kanya.

"Sorry mister. SOrry.Nagmamadali aksi ako eh." hinging paumanhin ng dalaga.

Hinablot nya mula sa kamay nito ang phone.Pinasadahan nya ng tingin ito. Napakasimple. Boyish ang suot. And he can tell that this girl is ordinary pero pa'no nya na afford magpunta sa resort. 

"Sorry po." pilit na ngiti ng babae nang hindi pa rin nagsasalita si James.

Napasinghap si James. Well, she has pearly white teeth. Perfect. She has cute dimples too. Di alam ni james na pinapasadahan na nya ang kabuuan ng dalaga. Even if she's wearing that boyish attire, he can tell that the girl is sexy.

 'Hey, James.Wake up.what are you thinking.' ipinilig nya ang ulo and immediately discarded his thoughts.

Habang di malaman ni Devon kung aalis na ba sya sa harap ng lalaki. In fairness gwapo pero mukhang suplado. Nang marinig nya itong magsalita.

"Do you know how much this phone cost? " galit tanong ng lalaki sa kanya?

'Suplado nga.Ang taray ng lolo.' sabi ni Devon sa sarili.

"Why are you asking me? Is it my phone? Did I buy that?" mas mataray na sagot ni Devon.

'akala ng mokong nato komo gwapo sya may karapatan nang magsuplado.humingi naman ako ng sorrry.hmmp' sabi nya sa sarili.

Napaawang ang mga bibig ni James. Di sya makapaniwalang sinasagot sya ng babaeng ito. Sya na ang may atraso, sya pang nagatataray.

"You..." pinigilan nya ang sarili bago pa sya makapagsalita ng hindi maganda.

"What? " palabang sagot sa kanya ng babae.

"I asked an apology.Ikaw din naman may kasalanan. Bat ka nakayuko habang naglalakad." pagatataray ni Devon.'Congratz mare.Panalo ang speech mo.' pagkukunsinti nya sa sarili.

Dahil nasa hallway sila papunta sa JADE RESTO, dito madalas dumaraan ang mga guests na galing sa hotel para kumain sa restaurant,nakaktawag na sila ng pansin. Bago pa mag eskandalo, hinatak nya ang babe sa siko. Bagamat nagpupumiglas, wala rin itong nagawa. Naisip din ni Devon na nakakahiyang mag eskandalo sila sa hallway. Tinignan nya ang kamay ng lalaking nakahawak sa siko nya. Why oh why ang tigas ng kamay ng lalaki. Sa isip din ni James, 'this girl's skin is soft.'

Nang medyo makalayo, binitiwan nya ang dalaga at saka hinarap."Don't make any scandal here." panimula ng lalaki.

Huminga nang malalim si Devon.Naisip nya hindi nga naman tamang magtaray sya. Unang una, nakakahiya. Pangalawa, ayaw nyang makapagbigay ng maling impresyon sa lalaking ito bilang pasasalamat sa resort na nagsponsor sa kanyang magbakasyon.

"Okay.I'm sorry.Tignan mo phone mo if nasira.Pag may sira, papaayos ko." sabi nito sa lalaki bagamat sa loob loob nya, ipinagdarasal nyang wala sana itong sira. Konti lang ang dala nya. Yung napanalunan nyang cash price ay pinambayad na nila sa utang nila. Saan sya kukuha ng pampagawa. Mas malala kung hindi na gumagana ang phone.Lalong di nya ito kayang palitan.
Tinignan nya ang hawak ng lalaki. Mukhang mahal pa naman.

Matapos marinig ang sinabi ng babae, tinignan ni James ang iphone. Mukhang wala naman gasgas dahil may rubber cover iito. AT naka on pa din. Maya maya nagring. Tinignan muna nya ang babae bago sinagot. Nakataas pa rin ang kilay nitong nakatingin sa kanya.

"This is James," sabi ng lalaki. It is his sister asking where he is. Nasa resto na daw si Marissa at ang mga nanalo ng singing contest na sponsored ng resort. Gustong ipakilala sya ng kapatid sa mga ito.

"Okay.I'll be there in a while." saka nito binaba ang phone.

Tinignan nya ang babae na nakatingin sa dagat habang ang buhok ay nililipad ng hangin. Mataman nyang pinuna ang side view nito. Matangos ang ilong. ANd her lips, look like sweet. 'Hey james.what are you thinking.' sita nya sa sarili.

Lumingon si Devon at nagtama ang kanilang mga mata. Bigla nyang binawi dahil di nya kayang harapin ang mga titig nito. 'bat parang kaiba syang tumingin ngayon.kanina lang galit.' pagtataka ni Devon.

"Sira ba ang phone mo? AYan at nagriring. Okay na? quits na tayo mister." sabi nito sa lalaki. 'Teka.James daw ang pangalan.hmmp!eh ano ngayon,' sabi nya sa sarili.

"Are you a guest here?" pag iiba ng lalaki.

Sasagutin na sana nya ang tanong nang maalala ang mga kasama. "Oh no!" sabi na lang nya.
Kumunot nag noo ni James? DId she answer my question? tanong nya sa sarili.

"SIge ha. If we're done, i have  to go na. Hinihintay ako ng mga kasama ko." saka nagmamadaling umalis.

Wala ng nagawa ang binata. Sinundan nya ito ng tingin. NAkita nyang papunta ito sa isang Hawaiian cottage. 'SO that's where you're staying.' saka ito ngumiti. 'What are you thinking?' tanong nya sa sarili. Umiling iling saka ito umalis papunta sa JADE RESTO.

Pagkabukas ni Devon ng pinto, dali-daling nagtungo sa kwarto saka kinuha ang phone. Nakita nyang may missed calls. Isa galing sa kanyang ate at sa kaibigan nyang si Patrick. Nagsend sya ng textmessage sa kanila at sinabing nakarating na sya sa RESORT. Saka lumabas din. Siguradong inaantay na sya nina ms. marissa. Nakakahiya sa kanila.

Habang naglalakad patungo sa resto, naisip nya ulit ang lalaki.

"James," bigkas nya sa pangalan nito. Napapangiti sa naging engkwentro. Sana lang, hindi na ulit magkrus ang mga landas nila. Umiiling iling at nagmamadaling pumunta sa JADE RESTO.

CHAPTER 1

Characters:
James Roberts
Devon Servo
Sam Castillo
Ivan Donald
Tricia Sanchez
Fretz Bernabe
Bret Joseph
Patrick Sorio
Ann Sy
Yen Salde


 

Namangha si Devon nang marating ng ferry ang JAEVON Resort. It's the most exclusive and most popular resort sa HIYAS ISLAND dahil dinarayo ito ng mga turista. Marami na ring mga local and hollywood celebrities ang naging guests ng naturang resort. Hindi nya akalain ni sa panaginip na mararating nya ang sikat na lugar.Napapanood lamang nya ito sa TV dahil dito kadalasang ginaganap ang mga big events gaya ng wedding ng mga sikat na artista, politiko, o ng mga myembro ng alta sosyedad. Masaya nyang inililibot ang kanyang paningin sa kagandahan ng isla. Hanggang marinig nya ang anunsyo ng isang crew. Kelangan na daw nilang bumaba. Excited na kinuha ni Devon ang kanyang mga gamit.Konti lang naman ang damit na dala nya dahil hindi naman sya magtatagal sa lugar. Sumali sya ng singing contest sa kanilang bayan. Isa ang JAEVON Resort sa mga sponsors.Maliban sa cash prices, meron pang one week free accomodation para sa mga nanalo ganun din sa 1st, 2nd, and 3rd runner ups. Hindi sana sya sasali ngunit pinilit sya ng kanyang kaibigan.

Patrick: Sali ka na. Maganda naman ang boses mo.
Devon: Pero madaming magagaling. Baka matalo lang lang ako.
Patrick: Haay naku Devz.. Manalo o matalo ka amn, at least you tried.

Napangiti ni Devon. Patrick is really a good friend. Classmate sila nung high school. Nag-aaral na ito sa Manila at kumukuha ng Business Administration. Graduating na sa susunod na sem. Samantalang sya, gusto nyang kumuha ng Engineering o Architecture ngunit walang pantustos ang kanyang mga magulang. Kaya huminto muna sya ng pag aaral at rumaraket sya bilang singer ng isang banda. Nag aaral ang kanyang ate at patapos na ito sa kursong nursing. Ipinangako ng tatay nya na mag aaral sya pagkatapos ng ate nya. Minsan may malaking tip, nakakatulong sya kahit paano sa gastusin nila sa bahay.

Sumali sya dahil na rin sa pangungumbinsi ng kanyang kaibigan at sa kanyang tuwa, nanalo sya. Mga thirty silang contestants ngunit hindi nya sukat akalain na mananalo sya. Wala sa isip nya na sya ang mananalo.  Tatlo silang nabigyan ng cash prices at 1 week accomodation- Sina Fretz Bernabe at Tricia Sanchez na mula rin sa kabilang syudad. Parang mga sosyal. Nanliliit man sya nung una nyang makita ang mga ito ngunit inisip nya ang kanyang pamilya. At ang kanyang pangarap na makarating sa sikat na Resort.  Basta ang gusto nya, makita ang napakagandang resort. At yun nga, dalawang araw pagkatapos ng patimpalak, naabisuhan silang pumunta na sa resort. Sa wakas, nakarating din sya sa sosyal na lugar.
"DEVON SERVO?" tawag sa kanya ng isang balingkinitang babae. Sa tantya nya, isa ito sa mga staff ng resort dahil may ID ito. Tipid na ngumiti si Devon.
"I'm Marissa. Call me Mar or issa whatever you like," kinindatan nito ang dalaga.
Mukhang magiliw si Ms. MArissa kaya magaan agad ang loob ni DEvon dito.
"I'm one of the administrative staff here. Actually, nauna na ang mga kasama mo-sina Fretz at Tricia. Nasa cottage nyo na sila. So let me say, WELCOME to JAEVON RESORT!"

Nakangiting paliwanag ni Ms.Marissa.
"Salamat po Ms.MArissa." Masayang sagot ni devon sa mabait na staff.
"Siguro hindi naman tayo nagkakalayo ng edad. Pareho naman tayong maganda so pwede bang tawagin mo na lang ako'ng Mari or Issa?" lambing nito sa dalaga saka kinuha ang trolley ni Devon.
"Naku Ms. este Mari, ako na lang magdadala nyan.Nakakahiya naman." pilit nitong kinukuha ang trolley mula kay Marissa.
"Don't mention. It's my job. Halika, follow me please." mabilis itong naglakad. Wala nang nagawa ang dalaga kundi sundan ang mabait na staff.
Habang naglalakad, namamanghang nililibot ni Devon ang kanyang paningin sa kabuuan ng resort. Di pa rin sya makapaniwala. ANg ganda ng lugar. May mga swimming pools para sa ibat' ibang edad. May mga lounge chairs na nakahilera sa bukana ng resort. Parang paraiso sa ganda. Ang 8-stories hotel na mega sa design.Parang nasa ibang bansa sya. Iba pa ang mga cottages na may ibat ibang motiff- Japanese, Western, Mexican, at Hawaiian.
Nanlalamig sya habang tinitignan ang mga nadaraanan. Parang panaginip. 'Dito ako mamamalagi for 1 week?kurutin mo nga sarili mo baka nanaginip ka lang.' sabi nya sa sarili. Kinurot nga nya ang pisngi.
"Aray," nasabi nya. 'totoo nga at hindi ito panaginip.'

Habang naaaliw namang pinagmamasdan sya ni Ms. Marissa.

"Totoo ang nakikita mo Devon. Nasa JAEVON RESORT ka," nakangiting sabi ni Ms. MArissa sa kanya. nakita nitong kinurot ng dalaga ang sarili.Naalala nya ang reaction nya nung una din syang tumuntong sa JAEVON RESORT.

"HAlika na para makakain na kayo ng lunch.Siguradong gutom ka na at pati na rin sina Fretzie at Tricia," anyaya ni Ms. marissa.

Sa isang Hawaiian cottage sya dinala ni Ms. Marissa. ANg ganda ng cottage. Cool sa mata. Maaliwalas ang kulay ng kurtina. Fully furnished ang cottage. ANg ganda ng salaset.MAy malaking plasma Tv sa sentro. Katabi nito ang dining set na may anim na upuan. Tatlo ang kwarto ng cottage.

"Nanjan sa A1 si Fretz.Sa A3 naman si Tricia. Sa A2 ka na," paliwanang ni ms. Marissa.
Kinuha niya ang trolley bag kay ms. marissa.

"Nandito ang CR. May ref. Kung gusto nyong magluto, meron ng supply ng chicken, beef, fish. Gulay, prutas. Mga kubyertos, andito sa cabinet. Yung microwave andito. Kung may kelangan kayo, puntahan nyo lang ako sa first floor ng hotel. Nandun ako sa admin. Tanong nyo sa receptionist. Or anjan ang telepono,tawagan nyo lang ako. Connect line is 143." paliwanang ni Ms. marissa.

Maya maya lumabas na si Fretz pagkatapos ay lumabas na rin si Tricia. Ngumiti ang mga ito sa kanya. Ngumiti din sya sa mga ito.

"Hello. I'm Fretz." maganda ito at mestiza. mukhang mabait.

"Hi.I'm Tricia." matangkad na parang model at maganda rin ngunit parang suplada.

"I'm Devon." pakilala nya sa sarili.

"I think, handa na kayo so tara,kain tayo ng lunch." anyaya sa kanila ni Ms. Marissa.

---------------------------

 
Sa kabilang banda, naalimpungatan si James dahil sa tunog ng kanyang iphone. Nasa penthouse sya ng JAEVON hotel at kagigising lang nya. "Shsh," inis na sambit nya. Nang makita ang pamilyar na numero, sinagot nya ito nang pabalang.

"What?" inis na sagot ni james

"Hey, man.Relax." tumatawa namang sagot ng nasa kabilang linya.

"You woke me up from my less than an hour of sleep and you want me to relax?" bulyaw nito sa kaibigan.

"Well, I'm sorry dude. I'm coming back tomorrow. But I'm not coming along. I'll be bringing my friend Ann. She's nice and I think she can help us in running the hotel." pagbibigay alam nito sa kaibigan.

Bumuntong hininga na lang si James. Kahit paano, gumaan ang pakiramdam nya pagkaalam na babalik na rin si Bret. Matagal na nya itong kaibigan. Kasama nya ito'ng namamahala sa JAEVON HOTEL. His father entrusted him the position as the general manager of JAEVON HOTEL while his sister runs the JADE restaurant. The old Roberts is the CEO of JAEVON RESORT. James had been travelling around the studying culinary arts in each country he went to. He was studying in one of the most popular culinary schools in France when his father got sick so he decided to go back to the Philippines to help him run the business and learn the trade as well.

James loves cooking so he asked his father if he can be assigned at the JADE RESTO but his father placed him in the hotel instead. Minsan, nakikialam sya sa menu ng JADE RESTO. Pero dahil sa dami ng guests nila this peak season, he needed some people to help. His father has good and hardworking people but he needs more so he called his friend Bret to come over. But after 3 days, umalis ito dahil sa family matters. Ngayon, babalik na. In his two months as a GENERAL MANAGER, he never proved anything yet. Anlaki ng nagagastos. He doesn't want to show his father that he's a failure. So he thought of ways na mabawasan ang gastos but at the same time, madouble ang income. The resort has been sponsoring many events and charities. Maybe it's about time to cut off some.

Ms. Lavender, his general assistant, informed him that their sponsored guests na nanalo ng singing contests had already arrived. So he needs Bret to accomodate them especially so na marami silang guests ngayon. And to instruct on what to do. 

Iiling iling na tumayo si James. Tinanaw ang bintana. The place is really perfect. Pumasok na sya sa loob ng banyo at nagshower. He must start the day right. Tapos naman na ang meeting ng BOARD kahapon so maybe he can relax now. ANdun naman si Ms. Lavander para asikasuhin ang mga guests.

"All work and no play make James a dull boy," natatawang turan nya sa sarili.

Pagkatapos magshower, nagpainit sya ng hotwater and pour it on a cup of choco. He loves hotchoco. He cooked banana pancakes as well. 'ahhh! I love it, ' habang maganang kumakain. Pagkatapos kumain, nagbihis sya ng simpleng tshirt and faded jeans. Suot ang sunglasses, lumabas na sya. He will go to JADE RESTO.