Tuesday, July 5, 2011

CHAPTER 19

Habang hinihintay ni Devon ang kanyang turn, naupo sya sa isang monoblock chair. Masaya nyang pinapanood sina Fretz and Bret na may duet. Maya-maya’y lumapit sa kanya si Ann.
“ They look lovely. Sweet.” Sabi ni Ann sa kanya.
Tinignan nya ang babae. Nakasuot ito ng minidress na yellow at may summer hat.
“ I’m not sure if we were properly introduced,” nakangiti ito sa kanya. “I guess, this is the chance. I’m Ann, friend ni Bret.” She extends her right hand. Kinuha ito ni Devon at nakipag shake hands.
“I’m Devon.” Sabi nya. Sinipat sya ni Ann mula ulo hanggang paa. Naconscious tuloy sya.
“No wonder, you’re very pretty kasi. You have a beautiful skin.” Nangingiting papuri nito sa kanya. Kaya tuloy hindi mawari ni Devon kung bukal sa loob nito ang pagbibigay ng papuri.
“Salamat.” Tipid na sabi ni Devon.
“May boyfriend ka na?” muling tanong nito.
Bagamat nagtaka sa tanong nito, sinagot pa rin ito ni Devon. “Wala.”
“Owz? Impossible naman ata yun. Sa ganda mong yan and with that kind of profession, I’m sure maraming nanliligaw?” Ann looked surprised.
“Wala pa sa isip ko. Marami pa ako’ng pangarap sa buhay para sa sarili ko at sa pamilya ko,” Devon didn’t  realize na nakakapagkwento na sya. Or maybe, she's trying to be friendly.
“ I get it. Gusto mong mabigyan ng good life ang family mo. At kahit kalimutan mo for the meantime ang personal life mo, okay lang. You just want to do everything for your family, right?” tanong muli nito.
“Syempre naman. Kahit sino, yun ang gagawin.” Turan ni Devon.
“I see.” Tumatango tango si Ann bilang pagsang-ayon ngunit di nakita ni Devon ang makahulugang tingin nito sa kanya.
Maya-maya’y dumating sina Sam at Patrick sa Concert Hall. Nilapitan agad sya ni Sam. Nagpakilala naman si Patrick kay Ann. Nung una, mukhang snob si Ann kay Patrick, ngunit maya-maya lang, nagtatawanan na sila.
“Okay ka lang Bubble?” nag-aalalang tanong ni Sam. ”I was worried sa’yo last night.” Kung nalaman nito ang nangyari sa kanila ni James, tiyak, lalong mag-aalala ito.
"Okay na ako. Hayaan mo, di ko na uuliting uminom." assurance nito sa kaibigan.
Ngumiti na lang si Sam at nakahinga nang maluwag. Dahil kelangan pa nyang magrehearse, umalis muna sina Sam at Patrick. Nang dumating si Ivan at Ms. Lav, agad pinuntahan ni Ann si Ivan. Nag-usap ang mga ito. Pinuntahan sya ni Ms. LAv.
"After ng rehearsal, punta na kayo sa dressing room. Pumili kayo ng isusuot nyo," ani Ms. Lav.
Tumango si Devon. "Si Ms. Marissa po?" paghahanap niya sa mabait na assistant ni James.
"Ayun, may pinapuntahan ang boss sungit," saka mahinang tumawa si Ms. Lav.
Nagtatakang tinignan ni Devon si Ms. Lav. Hindi pa man sya nakakpagtanong, sinagot na sya nito. "Yung gwapong bossing namin. Parang babaeng may regla. Ang init ng ulo kanina pang umaga. Kung anu-anong pinagdidiskitahan." muling natawa si Ms. Lav.
Matatawa sana si Devon sa description nitong 'parang babaeng may regla' ngunit parang alam nyang sya ang dahilan ng kasungitan nito ngayon. 'Marahil dahil sa nangyari kagabi.' sabi ng isip nya. 'Feel mo te, sure ka ba? Baka naman nag away sila ng gf or pressured lang sa event bukas.' sigaw naman ng isang bahagi ng utak nya.
Dahil may board meeting, umalis na sina Ivan, Ann, at Ms. Lav. Naiwan na lang silang mga performers. Tatlo ang songs ni Devon. Pagkatapos nilang magpractice, kinongratulate sya ni Bret.
"That's amazing. I was awed. Keep it up tomorrow." sabi nito sa kanya.
Sa concert hall na sila kumain. May lunch pack na inihanda ang resto para sa kanila. Kinahapunan, wala pa rin si Trisha. Sumaglit lang sa hall si Marisa at ipinaalam na nagkasakit na nga si Trisha. Mukhang hindi ito makakapagperform bukas. May lagnat rin ito ayun kay Marissa. Yung Kanta nya, pinaghatian nila ni Fretz. Moon River at From This moment On ang napunta sa kanya. Ibinigay ni Bret ang lyrics, pinag aralan nya ito saka prinactice. Dun na rin sila nag dinner. Nang matapos sila sa rehearsal, pumunta sila ni Fretz sa dressing room. Nandun na ang mga gown nila. Dahil sa kapaguran, ang designer na mismo ang pumili ng mga dapat nilang isuot.
Umuwi sila sa cottage na pagud na pagod. Tumawag si Sam ngunit hindi na rin ito nangulit dahil bakas sa boses nito ang pagod. Kinumusta lang nila si Trisha, bumaba na ang lagnat nito. NAtulog na rin sila pagkatapos.
-----------------------------------
Kinabukasan, kahit pagod nung nakaraang gabi, maaga pa ring nagising si Devon. Nakasanayan na ng katawan nyang maagang gumising. Gaya ng nakagawian nya, pagkatapos maghilamos at magkape, naglakad lakad sya sa beach. Hindi nya akalaing, maaabutan nyang muli ang lalaking sinupladahan nya kahapon din ng umaga. Nakangiti ito sa kanya nang makita sya. Seryoso lang na naglalakad si Devon. Hindi nya pinapansin ang lalaki.
Maya-maya'y, he's humming a song na. Napatingin rito si Devon. Ngunit nanatiling hindi sila nagkikibuan.
'Mabuti naman,' sabi ng isip nya.
"Haaay, ang hirap naman," malalim na buntong-hininga ng lalaki.
Yun ang ikinangiti ni Devon. Biglang nagliwanang ang mukha ng lalaki nang makitang ngumiti si Devon.
"Haay, salamat. Akala ko di na kita makikitang ngumiti," sabi nito.
"Ang lalim ng buntong-hininga mo. Parang galing pa sa kasuluk-sulukan ng mundo," natatwang biro ni Devon. Kahit paano, magaan ang loob nya rito. Mukhang harmless naman.
Natawa ang binata. "Paano, ang hirap hindi makipag-usap sa'yo. Pero takot naman ako'ng sungitan mo ulit. kaya quiet lang ako. Pero ang hirap talaga." Nagpapacute face na ito.
"Sige, sorry kung sinungitan kita kahapon. Bad mood lang ako. Maiwan na kita rito. enjoy your stay," pagpapaalam na nya rito. Kelangan nilang maghanda for the big event tonight. Spa, parlor, manicure, pedicure. Isusukat pa yung mga gown nila at costumes.
"Wait, ano'ng pangalan mo?" tanong ng lalaki.
"Never Mind. Ayokong sabihin." turan ni Devon. Saka na ito na umalis.
"Bye Never." Pahabol na sigaw ng lalaki na ikinatigil ni Devon. Saka muling lumingon rito.
"What? I asked your name, sabi mo Never Mind. So I thought, Never is your first name." nagmamaang maangang paliwanag nito.
Natawa na lang si Devon ngunit di pa rin nya sinabi ang pangalan. Umalis sya habang naiwan ang binatang nakasunod ang tingin sa kanya.
---------------------------
"Who the hell is that guy? You're flirting with that guy this early?" nagulat sya. NAkatayo si Nakaharang si James sa daraanan nya at halos magsalubong ang mga kilay nito.
Nainis na rin si Devon sa accusation nito. "Hindi ko kilala yung lalaking yun."
"Aha! And you're flirting with a man you don't know. Wow! You tried to run away from me but here you are, flirting with a stranger?"  nakangisi na ito.
"I'm not flirting," medyo tumaas na rin ang boses ni Devon. May sasabihin pa sana si JAmes ngunit may taong nagsidatingan. Yun ang hinintay ni Devon. Tumakbo na sya pabalik sa cottage. Hindi na sya hinabol pa ni James.
--------------------------
Inis na bumalik si James sa office nya. He went to the cottage to talk to Devon and apologize pero nakita nya ang pag uusap nila ng lalaking yun sa beach...na silang dalawa lang. Halos sugurin nya ang mga ito. He saw how she smiled at him. Naiinggit sya sa lalaki. Whoever he is, he wanted to cast him away from her.
"Sir, nasa telepono po ang dad nyo." bungad ni MArissa sa kanya.
Biglang nag alala si James. Agad nitong kinuha ang telepono.
"Dad," simula ni james.
"Hey son. How's everythin' goin?" his dad sounds sickly.
" Very well dad. Everything is set for tonight's party. Don't worry. Everything's perfect," sabi nya sa ama.
" When you give your message later, extend my regards to everyone...especially to the employees. Tell them I am thankful for their help and for helping you as well. Tell them, i'll cherish their support and may they continue to support you, Ivan, and Lorie. MAke them feel they are loved, son." bilin ng ama.
James can't help but felt guilty. His dad just loves his people so much. And that's something he has to learn more.
"Don't worry dad. I'll tell them those. How are you doing?" he worriedly asked.
His father just laughed. "This is an old man but still strong. Baka talunin pa kita sa swimming race pagbalik ko jan," his dad jokes.
Tumawa na rin si James. It's just so heartwarming to hear his dad laugh.
"I need to hang up now son. Nandito na ang doctor ko. Tell Lorie to call your aunt Bittey later. And Ivan too," nagpaalam na ang ama.
"I will dad. Take care," James said.
------------------------------
Nawala ang inis ni Devon nang makita ang mga kaibigan sa labas ng cottage. NAghihintay sina PAtrick at Sam sa kanya. MAy dala silang nakapack na sa tantya nya naglalaman ng pagkain.
"Saan ka ba galing," bungad na tanong ni Sam.
"Ha? Naglakad-lakad lang sa beach. Ano mga yan?" tanong nya.
"Hulaan mo," excited na itinaas ni Patrick ang mga bitbit nya.
"Pagkain..halata naman," natatawa na rin si Devon.
"Oo nga pagkain pero ano'ng pagkain?" tanong ulit ni Patrick.
"Paamoy," inamoy ni Devon ang mga nakapack. Natawa na lang si Sam at ginulo ang buhok nito.
"Para kang aso jan. Tara sa beach, dun tayo kumain. Parang picnic lang." anyaya nito sa kanya.
"Tayo lang?" tanong ni Devon.
"Nandun na si Yen. Nagbibihis lang si Fretz, sinabihan ko na kanina. Si Trisha, maysakit pala. Naghihina pa daw. Anjan ata yung doctor at nurse." sabi ni Sam.
"Ganun ba. Sige." Sabi ni Devon. NAng makalabas si Fretz, nagpunta na ang mga ito sa beach. Nandun nga si Yen. Magana silang kumain at nagkwentuhan. Hindi nila namanlayan ang oras. Tinatawagan na sya ni MArissa. AT pinapapunta sa hotel. DUn na daw sila magbibihis para mamya. Tinapos na nila ang pagkain.

Monday, July 4, 2011

CHAPTER 18

Hinahabol ni Devon ang kanyang paghinga pagdating nya sa cottage. Agad syang tumuloy sa kanyang kwarto at saka  ni-lock ang pinto. Naupo ito sa gilid ng kama. Anlakas ng kabog nya sa dibdib.. Maaaring dahil sa pagtakbo... at kay James.


'Bagay lang sa kanya yun.' pagtatanggol nya sa sarili. Pero di nya maiwasang mag alala rito. Narinig pa nya ang sigaw ng lalaki.  Namimilipit sa sakit.


'Salbahe ka Devz. Bakit dun pa sa parteng yun mo tinamaan. Kung mabaog yun,' she scolded herself.


Hindi tuloy sya mapakali. Paroo't parito. Maya-maya'y hihiga, babangon. O kaya sisilip sa bintana, o pakikiramdaman sa labas. Nang medyo kumalma sya, lumabas syang muli sa kwarto at uminom ng tubig. Syang muling pagkatok ng pinto. Nagulat sya. Hindi nya binubuksan sa pag aalalang si James ulit ito. 


"Devz, anjan ka ba? Nakalock tong pinto,"  sigaw ni Fretz mula sa labas. Nagmamadaling binuksan ni Devon ang pinto pagkarinig kay Fretz. Nang buksan nya, kasama pala nila si Bret na nakaalalay kay Tricia na halos di na makatayo sa kalasingan.

"Kala ko tulog ka na?" tanong sa kanya ni Fretz.


"Ha? Ah, naligo pa kasi ako.. " sagot nya rito.


Inayos na nila si Tricia sa kanyang kwarto. Nagpaalam na rin si Bret. Inihatid ito ni fretz sa pinto. Nakita nya ang quick kiss nung dalawa. 'Mukhang sila na,' sabi ni Devon sa sarili. Natutuwa sya para sa kaibigan. Nang makaalis si Bret, nakita ni Devon ang gulat sa mukha ni Fretz pagkakita sa kanya.

"Kayo na, noh?" she teased her. Nawala ang alalahanin ni Devon dahil sa kaibigan.

"Ah eh," hindi makasagot si Fretz.

"Sige, wala akon'ng nakita. Wala ako'ng sasabigin. Good night Fretz," nangingiting  pnagpaalam na si DEvon.

"Devz, hindi ba masyadong mabilis?" tanong ni Fretz kaya natigilan si Devon sa pagpunta sana sa kanyang kwarto. Tinignan nya si Fretz. Maya-maya'y naupo na sila sa sofa.

"Kung tutuusin, mabilis naman talaga. Ilang araw pa lang kayong magkakilala." sabi ni Devon. At naalala nya rin ang sariling sitwasyon.

"Makulit kasi si Bret eh. Mabait naman at saka sweet kaya sinagot ko na." tugon ni Fretz.

"Desisyon mo yan Fretz. Nasa sa'yo. Ang sakin lang, pa'no na relationship nyo pag-alis mo rito," pag-aalala nya sa kaibigan.

"Hindi ko rin alam. Pero sa ngayon, gusto ko lang enjoyin yung time namin together. Pagkatapos nito, bahala na," desididong turan ni Fretz.

Marami pa silang napag-usapan. Pagkatapos mag-usap ang dalawa, pumasok na sila sa kanya-kanyang kwarto. Hindi mapalagay si Devon. Iniisip nya kung ano na ang nangyari kay James. Ganun din ang mga sinabi nito sa kanya.

'Totoo kaya mga yun,' tanong nya sa sarili. Nagpaflashback ang mga ngiti nito, ang mapupungay na mga matang tila nangungusap, ang pabango nito, ang mukha nitong papalapit sa kanya... 

'Prrrrrrrrrrt,' parang pito na umalingawngaw sa utak nya.. 'Stop na. Wag mo na isipin yun. Talagang playboy lang yun,' sabi nya sa isip. Nakatulugan nya ang pag-iisip kay James.

---------------------------------

Bumalik si Bret sa pub house at naabutan nito si James na umiinom pa rin.

"Bro, still here? I thought you went up already?" gulat na tanong ni Bret sabay tapik sa balikat ni James.

"I'm going up soon," simpleng iwas ni James sa tanong ng kaibigan. "Where you've been?"

Hindi na rin nagtanong pa si Bret. Umupo na lang din ito sa  tabi nya at nag-order.

"I took Fretz and Trisha sa cottage nila. Trisha was so drank that she can't even walk." natatawang sagot ni Bret.

Muling naalala ni James si Devon. Her fresh scent, her black hair, her body he tightly hugged, her innocent eyes, her jealousy kay trisha, and that crazy thing she did.. Bagamat masakit pero di nya maiwasang ngumiti.

'That silly, witchly tiger,' he thought smiling.

"Why are you smiling?" puna ni Bret sa kanya.

"Huh?" nakalimutan nyang kasama pala nya si Bret. "I was just wonderin'. Since you took them home, you scored kay Fretz," buti na lang nakaisip agad sya ng sasabihin rito.

Tumawa si Bret. Yung tawang parang kinikiliti.

"You bet. She's my girl already," Bret proudly said.

Nangingiti na lang si James. "That's fast. But congratz bro."

"Maybe girls are just different from each other," Naisip ni James kung bakit si Devon, mahirap paamuin.

Napag-usapan nila ang tungkol sa party at ang ginagawang preparation. Two days more to go. Final rehearsal ng mga performers bukas. So far, everything is in control. Sabay na silang bumalik sa hotel.

-----------------------------------------

Masakit ang ulo ni Devon pagkagising nya. Marahil dala ng nainom nya kagabi. Bumangon sya at lumabas sa kwarto. Ngayon pala ang final rehearsal nila. Hindi pa gising sina Fretz at trisha. Naghilamos na sya ng mukha at nagtoothbrush. Dahil kumakalam na ang sikmura, kumain na sya ng tinapay at gatas. Pagkatapos ay lumabas at naglakad lakad. Malamig ang simoy ng hangin pag umaga. Masarap sa pakiramdam. Wala pang masyadong tao sa beach kaya tahimik din.

"Ang ganda naman ng view rito," maya-maya'y narinig nya ang boses ng isang lalaki.

Nilingon nya ang nagsalita at nakita nya ito'ng nakatingin sa kanya. Gwapo ito at mestizo. Parang artista. Saan nga ba nya ito nakita. Maganda rin ang katawan. Sa tantya nya, hindi nagkakalayo ang edad nila.

Pagkaraa'y tinalikuran na ito ni Devon at naglakad palayo rito.

"Ganyan ba ka-snob ang mga magaganda," sabi ng lalaki sa kanya.

'Aba Devon. Ang haba naman ata ng hair mo. Lahat na lang te, lumalapit sa'yo,' sabi ng isip nya.

Muling nilingon ni Devon ang lalaki. Nakangiti ito sa kanya.

"At ganyan din ba ka-hambog ang mga gwapo? Kala nila lahat ng babae, agad magkandarapa sa kanila," inis na tugon nya rito saka binirahan ng alis.

Narinig nya ang malakas na tawa ng lalaki. Naiinis na bumalik si Devon sa cottage. Hindi nya rin maintindihan kung bakit ang bilis nyang mainis ngayon. Gising na si Fretz nang dumating sya sa cottage. Maya-maya'y, tumawag na si MArissa na sa resto na sila magbreakfast. Dahil hindi pa gising si Trisha, kaya sila ni Fretz at Devon lang ang pumunta.

"Nasaan si Trisha?" agad na tanong ni Marissa. 

"Tulog pa po." sabi ni Fretz.

"Hala, final rehearsal nyo ngayon? Nakalimutan nyo ata na Linggo na bukas. Partey partey na. " sabi ni Marissa. "Sige, kain  na kayo. Pagkatapos, pakigising na sya."

Maganang kumain ang dalawa. Pagkatapos nilang kumain, bumalik na sila sa cottage para maghanda. Hindi pa rin gising si Trisha. Ginising ito ni Devon dahil nauna nang naligo si Fretz. Hirap imulat ni Trish ang mga mata. Nang makabangon, parang matutumba. Nasusuka pa kya bigla itong tumakbo sa lababo. Hinahagod ni Devon ang likod nito. NAng mahimasmasan, naupo ito sa sofa at muling nahiga.

"Ang sakit ng ulo ko Devz," umuungol na sabi nya.

"Bat ka kasi naglasing. Ayan tuloy," pag-alo nya sa kaibigan. Ipinagtimpla nya ito ng gatas. Nang mainom ito ni Trisha, medyo gumaan ang pakiramdam.

"Final rehearsal ngayon. Makakasama ka ba?" nag-aalalang tanong nya rito.

"Hindi ko kaya. Mamyang hapon na lang ako," turan ni Trisha.

Mukhang malaki ang problema nito. Bumalik ulit ito sa kanyang kwarto at natulog. NAng matapos si Fretz, sinabi nya ang tungkol kay Trisha kaya pinuntahan din ito ni Fretz . Sumunod na rin syang naligo. Nang makapagbihis sila, pumunta na sila sa Concert HaLL para sa rehearsal.

Bigla syang nanlamig nang makita nya si James na nagbibigay ng instruction sa mga staff. Ngunit pinanatili nyang kalmado ang utak. Nang mapansin sila ni Bret, kumaway ito sa kanila. Kaya napansin na rin sila ni James. Kahit medyo malayo ito, nakita ni Devon ang pagkunot ng noo ni James. Nang makalapit sila sa mga ito, nakangiti na si James.

"Hey, where's Trisha," tanong nito kay Fretz. Ni hindi sya nito tinapunan ng tingin.

"Maysakit. Kaya she's asking if  pwede mamayang hapon daw sya magrehearse?" sagot ni Fretz.

"Really? Is she okay? Wait, i'll call a doctor for her," nag-aalalang sabi ni James saka ito tumawag.

Hindi maipaliwananag ni Devon ngunit parang may kirot sa puso nya ang pag aalalang ipinakita ni James para kay Trisha.

"Devon, come over here," buti na lang at tinawag sya ni Bret kaya naitago nya rito ang reaksyon nya. Ipinakita nito ang program. Sinabi nyang sakaling magrequest ang audience ng songs, she should be ready. Hindi na nakita pa ni Devon ang pagsalubong ng kilay ni james.

Matapos matawagan ni James ang doctor, pinanood nya lang si Devon from afar. Bret and Fretz at that time singing. Devon is scanning a paper, reading it. 

She's simply irresistible. There's just something in this woman that attracts him.

"Don't melt her. She still has to perform tomorrow," narinig nya from behind. It is Ann.

"What are you talking about." pagwawalang bahala ni James habang nakatawa. "Stay here and supervise them I have to go bac to the office. I'll send Ivan or Lav to help you," paalam ni James. 

"Lame. Why are you going away?" tumatawang pahabol ni Ann.


"Because thats bullsh**. Bye," paalam na nito.

Natatawang naiwan  si Ann.                                      

Tuesday, June 21, 2011

CHAPTER 17


Biglang nagblush si Devon. Nag init ang mukha nya. At kahit na dim ang paligid, James recognized her blushing. And that excites James even more. He's loving that very moment.  Sanay na syang mambola ng mga babae and the girls gave in to his sweet talks but never did he see anyone blushing so naive like Devon. James is smiling, naughty smile. Devon, trying to redeem herself, shouted.


"Wala kang pakialam. Kung kayo hobby nyo makipaghalikan, wag mo akong itulad. Bitawan mo ako," nagpupumiglas na si Devon upang tuluyang makaalis sa yakap ni James and maybe even from his spell. Her defense is starting to weaken. Ramdam nya, she could give in anytime. Ngunit lalo lang hinigpitan ng binata ang yakap nito sa kanya. She feels the emotional wall she put in between will collapse anytime. When she stopped resisting, she saw him grinned like a little boy.


James: Don't worry Devon. I won't kiss you now. Unless you provoke me..


"Bastos," inirapan nya ito which made the man laugh in amusement.f


'At ginawa ako'ng subject of amusement nya,' himutok ni Devon ngunit ang makitang nakatawa ito makes her feel delighted secretly in her heart. Ngunit nang maalala muli ang insedenteng nakita nya, muling bumangon ang inis nya rito.


'Ako ba ang pagtitripan nito ngayon after Tricia?' tanong nyang muli sa sarili. At mukhang nababasa ni James ang iniisip nya.


"You  saw me and Tricia kissing, didn't you? Don't worry sweetheart, that kiss was nothing."

'Sa tono nito parang hangin lang yung kiss,' naisip ni Devon. Ganito ba kacasual ang tingin ng mga may dugong dayuhan sa halik,' naisip ni Devon.

"Wala ako'ng pakialam sa halikan nyo," inis na singhal ni Devon sa binata.

"Really? But why do you sound so bitter?" lalo namang game si James sa sagot nya sa dalaga. "I told you sweetheart, there's no feelings involved. It's just a kiss," natatawang turan muli ni James.

"Don't call me sweetheart. Hindi mo ako sweetheart. Let me go na," muling pumiglas si Devon. Ayaw nyang tuluyang makaisa ang lalaki.

"You're beautiful when you're jealous." he teased her again.

Nanlaki ang mga mata ni Devon. Obvious na ba sya rito? Upang pabulaanan ang sinabi nito, "Ang kapal mo. Hindi ako nagseselos. At bakit ako magseselos? Ano ba kita?" bulyaw nya sa binata.

Ngunit lalo lang natutuwa si James. Then he thought of teasing her. "You're very transparent sweetheart. Your body doesn't agree with your speech. Don't make this so hard. Mind you sweetheart, my kiss is heaven," he started to move his face towards hers only to hold back and.......

"Aghhhhhhhhhhhhh..." James shouted in agony.

Tinuhod ni Devon ang binata. Nang mabitawan sya nito, she ran away. James felt an unimaginable pain as he almost coiled in the sand. Pinagpawisan na sya sa sobrang sakit. Feeling nya, basag ang kanyang kaligayahan.

'D_    you woman,' sigaw nya sa isip habang namimilipit sa sobrang sakit. Matagal bago sya kumalma. nang mahimasmasan, he looked where Devon ran.

'Witch,' muling sigaw ng isip nya. Then he sat down in silence. He never ever thought she would do that. Naiiling na lang sya habang nakatanaw sa dagat.

'Looks like you found an untamed babe.' sabi nya sa sarili. 'You'll pay for this Devon, I promise.' 

Wednesday, April 27, 2011

CHAPTER 16

"Why do you have to drink pag di mo pala kaya," sita ng lalaki sa kanya.
Devon smiled even sweeter.


"Kaya ko to. Bitawan mo ako." pilit kumakalas ang dalaga mula sa mahigpit na pagkakahawak ni James sa kanya ngunit lalo lang sya nitong hinapit palapit sa kanya. Their faces are so close now. They are looking in each other's eyes, feeling their heartbeats, smelling each of their scents.


Ngunit biglang naalimpungatan ang dalawa nang maramdamang may paparating. Binitawan agad sya ni james na muntik na nyang ikatumba. Inirapan nya ito at nagpatiunang umalis pabalik sa table nila.


"What took you so long bubble? Are you okay?" agad na tanong ni Sam sa dalaga.


"Muntik na syang matumba kanina. I think it's best for her to go back to the cottage," sabi ni james na nakasunod pala agad sa kanya.


Tinignan nya ito pagkatapos ay naupo ulit na parang walang narinig. Naghihimutok ang dalaga because the man acts like nothing had happened.


'loka, ano naman ang nagyari? wala naman. he caught you fallin, that's all. pasalamat ka nga at to the rescue ang lolo mo,' sabi ng kanyang isip.


Muli nyang kinuha ang baso ngunit itutungga na sana nya ito nang hawakan ito ni Sam.


"That's enough Devon. Don't pretend like you can still handle it. Tara na," seryosong sabi ni Sam sa dalaga. Alam ni Devon na pag ganun na ang tono ni Sam, kelangan na nyang pakinggan.


"I think kaya ko pa," paglalambing nya rito. Hindi nya napansin ang pag-angat ng isang kilay ni James.


"Let's go," simpleng turan ni Sam sabay hila nito sa kamay nya patayo. Wala nang nagawa si Devon kundi ang sumunod rito.

"We'll go ahead guys. Nice meeting you again Mr. Roberts. See you tomorrow. " Tumango lang si james habang nakatingin sa kamay  ni Sam na nakahawak sa braso ng dalagang halos nakayakap na rito.

'That should be me holding her,' piping sigaw ng isip. Lalo na nang hawakan ni devon ang bewang ni Sam. Gusto nya itong hablutin ito sa bisig ng lalaki ngayon.

Nang makaalis sina Sam at Devon, parang nawalan na ng gana si james. Tricia said too much about herself but he didn't pay much attention. He lost his focus. It's somewhere. Iniisip nya kung totoong inihatid ni Sam si devon. She's drunk and she might lost her inhibition gaya kanina. Kung walang dumating kanina, he would have kissed her. Ipinilig nya ang ulo sa isiping yun. 

"Are you okay?" tanong ni tricia sa kanya. Nakita nito ang pagpilig nya ng ulo. He took that chance and said "I got a little tipsy. Mind if I excuse myself. "

"That's too soon bro," nakangising sabi ni Bret. 

" Only today. Let's have a wine party next time. " sabi nito sabay alis. 

"What's with you bubble?" tanong agad ni Sam pagdating nila sa cottage.

"Ano'ng what's with me?" tanong din ni Devon. 

Bumuntung-hininga si Sam. He felt that something really bothers Devon but he doesn't even have an idea.

"Magpahinga ka na. Let's talk tomorrow." muling sabi ni sam. Tumango na lang si Devon.

Nang makaalis si Sam, pumasok na si Devon sa kanyang kwarto. Naghanda ng gamit para maligo.  Bagamat nahihilo ngunit naligo pa rin at nagbihis. Pinapatuyo nya ang kanyang buhok nang magring ang kanyang telepono. Nagulat sya dahil nakarehistro ang pangalan ni James. Nagdadalawang isip kung sasagutin o hindi. Matagal nyang tinignan ang phone at di pa rin alam ang gagawin nang tumigil ito.

'Bakit kaya?' tanong ni Devon sa isip.

Nang may kumatok. When she opened it thinking it's either Tricia or Fretzie. Tumabad sa kanya ang pormal na mukha ni James.

"Why aren't you picking up your phone?" he scolded her.

Bagamat nagulat ngunit sumagot pa rin si Devon " I was in the bathroom." sabi nito.

Sumunod, James grabbed her hand and guided her papunta sa kung saan. Hindi agad nakareact si Devon pero nang makabawi, she tried to pull her han from him but the man is as strong as steel. He's not letting her hand go.

"Ano ba?" she shouted trying to hide her rousing excitement.

"Just shut up," asik nito sa kanya.

Natigagal si Devon at nanahimik. Ngunit nilalamig na sya. T-shirt lang at pajama ang suot. Pati slipper nya yung panloob.

Nang makarating sila sa aplaya, sa harap ng dagat, hinarap sya nito at hinapit sa bewang. Nagulat si Devon kung kayat napasubsob sya sa matipunong bisig nito. Naamoy nya ang panlalaking pabango ni James. Nang marealize ang kanilang position, agad naghuramentado si devon.

"Bitawan mo ako," she tried to show her resistance but he just stared at her and even held her tigher. She looked at her face at ang namumungay nitong mga mata.

"why do you affect this much? You're not even the most beautiful," sabi ni james as he touches her cheeks.

Nainis si Devon  sa narinig. Parang sinabi nitong di sya maganda. Magsasalita sana  sya ngunit idinampi ni james ang hintuturo nito sa labi ng dalaga.

"You drive me crazy just the thought of kissing this..." sunod na sinabi ni James na nagpatigil sa protesta ni devon. James smiled with excitement.

"So I was right. You've never been really kissed..." nanunudyo ang mga mata nito as he stares her face.

Friday, January 28, 2011

CHAPTER 15

James didn't waste time. He  immediately grabbed a drink at the counter. He told Yen to assist Ivan and Ann. The pubhouse manager guided the two in a corner dahil yun na lang ang bakante. Maraming tao ngayon sa pubhouse. James was still occupied with the thought about devon. Wala sa hinagap nya na ganun ang epekto ng babaeng yun sa kanya. And knowing she's closer to that Sam made him so jealous of that man.

'Jealous?' he thought again. 'Maybe you're just challenged.' He laughed in his mind. Any girl would jump off to his bed without a second thought but that girl was so unaffected by his charm...'Should I say...naive?' Then tumungga ulit. While he's in his deep thoughts about Devon, may lumapit at umupo sa tabi nya. When he looked, it was Tricia. 

"Hey, mind me sitting here?" tanong ng babae while smiling at him. He knew that the girl is a bit tipsy already. James shrugged his shoulder indicating he didn't care.

"You know what, you look exactly like my ex boyfriend," she told James as she tried to catch his attention.

Annoyed, James looked at Tricia. "Really? But my last girlfriend was half Aussie half Filipina," he said sarcastically.

Tricia laughed. "Hey, you're so serious. I didn't say it's you. I said you look like him," sabi ulit ng dalaga. James nodded and looked at the woman. She's wearing a mini-skirt and a hanging blouse. Nakikita ang pusod nito. James mastered playing with liberated women. He knew when a woman flirts with him. For a while, he will be trying to get Devon out of his mind. Maybe flirting with another girl, liberated girl like Tricia, will help him.

"Do you have a boyfriend now?" he asked.

"None that I know of. I'm very much single right now," she smiled.

"What do you like of a guy?" he asked again.

"Someone smart... good-looking... and a good kisser," pranka nitong sinabi.

James expected this girl to be this straightforward.

"Do you think I qualify?" Being as liberated as a guy who grew in a western country, James asked.

"Prove it." she dared.

"Nah," James nodded. Nagulat na lang sya nang makalapit na ang babae sa kanya and kissed James. With the alcohol's spirit, he kissed her back. Suddenly, a voice called his name. Nang lingunin ito ni james, nakita nya ang kaibigan, Bret with Fretzie, and behind them are Sam and Devon whose eyes were wide-eyed dahil sa nasaksihan. James, as if nothing happened, let go of Tricia. Nakalapit na ang apat and Bret teased him.

"Sorry if we interrupted something," nakangising sabi nito kay James. Tricia laughed while James was seriously staring at Devon. Na conscious si Devon kaya tinignan nya si Sam at kinausap ito ngunit sa loob nya, may kirot dahil sa nakitang halikan ng dalawa.

Samantalang tinudyo naman ni Fretzie si Tricia. Lumapit si Yen and she guided them to a vacant table. Magkatabi sina Sam at Devon ngunit kaharap niya si James. Hindi maarok ng dalaga ang iniisip nito ngunit ramdam nyang panakaw sya nitong tinitignan. Ipinakilala ni Bret si Sam kay James formally and soon, naging casual na ang usapan ng lahat.

"Juice lang ang order ni Devon. Hindi sya umiinom ng alcoholic beverages," paunang sabi ni Sam sa mga kaharap.

"Konti lang Devz..KJ mo naman," pilit ni Tricia.

Tiningnan ni Devon si Sam as if asking what she should do. Umiling si Sam. That didn't escape james' observant eyes. Naninibugho ang kalooban nya coz Sam acted like a boyfriend. Nang tignan ni Devon ang mga kaharap, nasulyapan nya ang blankong ekspresyon ni James na matiim na nakatingin sa kanya.

She looked at Sam again. "Sam, pwede naman sigurong konti lang." sabi nito just to show na hindi sya maarte. She didn't  see ang pagtaas ng kilay ni James.

Sam protested but Bret insisted." Come on! Konti lang. Even si Fretzie,she's drinking too. Konti lang naman," pangungumbinsi nito.

Bagamat nag aalala, hindi na nagsalita si Sam. Bret poured Devon's glass w/ wine. Sa unang tikim nya, it's bitter na mainit sa lalamunan. Muntik na nya itong iluwa but she tried to swallow it. James, on the other, was looking her every move, watching her every expression. Kahit kinakausap sya ni tricia, his thought is on the woman who looks all red now.

Ang isa ay naging dalawa hanggang lima. Tumatawa na si devon. Nagkukwento na rin. Looks like the alcohol already affected her and James couldn't help but to woory at the same time, naninibugho because she seems so touchy towards Sam. How he wished to sit beside her and be the recepient of her touches. Nang bumulong si Sam sa dalaga, James looked away. Dun nya nahagip sa tingin ang pinsan nya kissing a girl at the corner. It is ann obviously. Matinik talaga silang magpinsan pagdating sa babae. Nang maalala ang insidenteng nakita ni Devon. He wanted to tell Devon that the kiss meant nothing at all but how? When he looked at her again, ito naman ang bumubulong kay Sam. Linagok nya ang iniinom hoping it will wash away his envy sa lalaki.

"You have to stop drinking bubble D," muling bulong ni Sam sa kaibigan.

"I'm fine Sam. Kaya ko pa.Wag kang mag-alala, ngayon lang to," natatawang bulong nito kay Sam pero namumungay na ang mata. Ngiti na ito nang ngiti. tawa na rin nang tawa. maya-maya'y nagpaalam sya para pumunta sa CR. Pa ekis ekis na syang naglakad ngunit itinaboy nya lang si Sam nang tangkain sya nitong alalayan.

"Kaya ko to," natatawang sabi nya sa kaibigan.

Nang makarating sa CR, tinignan nya ang sarili sa salamin, pulang pula na sya. Naghilamos sya sakaling mabawasan ang pamumula nya at mawala na rin ang pagka-tipsy. Paglabas nya ng girl's comfort room, muntik na syang matumba kung hindi sya naagapan ng malalakas na bisig. Halos kayakap na nya ito. Nang tingalain nya ang lalaking tumulong sa kanya, sumalubong rito ang pormal na mukha ni James. Marahil dala na rin ng nainom, nawala ang inhibisyon ni Devon at nginitian nya ito nang napakatamis. Namumungay ang mga mata.

"Salamat sir... You're my hero," she grinned as she tried to pull herself sa pagkakahawak nito sa kanya.

Thursday, January 13, 2011

CHAPTER 14

Napag-usapan ang kelangan nilang paghahanda para sa annual party ng RESORT for the guests and employees. Magiging hands-on si bret in preparing a fabulous show with the assistance of Ms. marissa and Ms. yen. Si James ang over-all in charge samantalang sina Ivan at Ann with Ms. lavander ang bahala sa event at line-up ng program kasama na ang food at drinks at invitation for VIP guests.

Nagsimula ang paghahanda ng lahat at excited lahat dahil ito ang kauna unahang event na ioorganize ng anak ni Mr. Roberts. For three days na pare-pareho ang routine ni Devon, practice, pasyal with Sam and Patrick at minsan kasama sina Bret,Fretzie, at Tricia, kain, tulog, swimming. Napapansin ni Devon na nagkakalapit na sina Bret at Fretzie. Kung sabagay, bagay naman ang dalawa. Minsan naman nanonood si Sam at Patrick ng rehearsal sila. Kinocoach sya ni Sam minsan dahil magaling din itong kumanta. At hindi pa rin ito nagbabago..maasikaso pa rin. Minsan, sya pa ang nagluluto para sa kanila. Nalulungkot lang si devon dahil malapit nang matapos ang bakasyon ng kaibigan. Kunswelo na lang nya ay maabutan pa nito ang annual party at makikita sya nitong magperform.

Isang hapon pagkatapos ng rehearsal, hinihintay ni Devon si Sam sa lobby para kumain ng dinner nang lumapit si Ms. Marissa.

"Hinihintay mo mga kaibigan mo,no?" tanong nito.

Tumango lang si Devon at ngumiti.

"Hindi mo ba talaga bf si Sam. Ang sweet nya sa'yo?" tanong ulit nito.

Ngumiti lang si Devon. "Malambing lang talaga yun noon pa man."

"Swerte mo naman. Sana akin na lang sya... Char," saka tumawa si Ms. Marissa. Pagkuway lumapit ito at naupo sa tabi nya.

"Wala ka bang napapansin Devz?" biglang tanong ulit ni Marissa at ngayoy medyo pabulong. nagtaka si Devon.

"Ha? Kay Sam?" tanong din ni Devon.

"Hindi. kay Mr. Roberts?" kinindatan sya nito.

Wala pa ring ideya kung bakit nagtanong nang ganun si Ms. marissa ngunit sinagot nya pa rin ito. "Close po sila ni Ms. Ann." tipid na sagot nya. Hindi na kasi sya nito kinausap mula nung mag-usap sila sa opisina nya at lagi na nitong kasama si Ms. Ann.

"Hindi yun. Char ka naman eh. Hindi mo ba alam o talagang nagbubulagbulagan ka lang? alam mo bang laging nakatingin sa'yo?" siko nito sa kanya.

Nagtatakang napatingin sya kay marissa. Pilit nyang inalala kung saan kelan ngunit hindi nya nakikita ang lalaki. Muling nagsalita si Ms. Marissa.

"Pag may rehearsal, nasa isang sulok lang at nakatingin sa'yo. Nung una, inisip kong gusto lang nya makita ang rehearsal pero yung lagi ka nyang tinatanong sakin kung nakita daw ba kita..kung kumain na kayo..kung kasama mo ba si Sam, di pa ba ako magtataka?" kinikilig na kwento nito sa kanya.

Namula si Devon. Pagkuwa'y naisip na baka niloloko lang sya ng kaharap. "Naku, ano ba sinasabi mo Ms. marissa. Char char," napalo nya tuloy ito sa hita.

"Aray," reklamo ni Ms. marissa ngunit nakangiti ito.

"Ang bongga mo... Nakarating ka na pala sa penthouse nya?" hindi pa rin nagpaawat sa kwento si Ms. marissa. "Alam mo bang si Susie lang at Ms. Lorie napapadpad doon. Si Susie naman yung tagalinis nya.Kilala mo naman si Ms. Lorie, yung sistah nya.  Plus ikaw. May gf nun si sir pero never nya pinaakyat sa penthouse nya."

Muling namula si Devon nang maalala ang insidente sa pool kung saan naiwan nya ang phone na syang dahilan kung bakit kinailangan nyang pumunta sa penthouse nito. Hindi yun nakaligtas kay marissa. "Meron bang "something" sa inyo ni Mr. Roberts?" muling tanong nito.

"Ha?" Muling tumawa si Devon para itago ang hiya sa awkward na tagpong yun. "Wala po yun. Naiwan ko lang nun yung phone at si sir ang nakapulot." nahihiyang turan nya.

"Hmmm. Nahihiya ka lang eh. Pero alam kong meron.. " kinikilig na sambit ni Marissa.

"Wala Ms. Marissa. Imagination nyo lang yan," umiiling na wika ni Devon bagamat sa loob nya, hindi nya alam ang dapat maramdaman. Ayaw nyang isipin ng kahit na sino na may gusto sya sa boss nila.

Hanggang makaalis si Ms. Marissa, pilit pa rin iniisip ni Devon and naging pag uusap nila.

'Totoo nga kaya?' naisip nya. Ngunit gwapo, mayaman, at matalino ang kanilang boss. Siguradong maraming nagkakandarapa dito. Isa lamang syang ordinaryong babae. 

'Imposible,' muling naisip nya.

Ngunit nang maalala ang una nilang pagkikita, ang pag uusap nila sa viewdeck, ang insidente sa pool at sa penthouse nito, naguguluhan si Devon. May mga nanligaw din naman sa kanya ngunit bakit iba si James. Ipinilig nya ang ulo.

'Erase. erase. erase. Wala kang karapatang mag- isip ng ganyan.' sita nya sa sarili.

Nasa kalagitnaan sya ng pagmumuni muni nang makita nyang parating na rin si Sam at Patrick. Nawala sandali sa isip nya si James. Pagkatapos ng dinner, muli silang nagkayayaang mag swimming. Ngunit hindi nagswimming si Devon. Pinanood lang nya ang magpinsan. Nang matapos ang mga ito, inihatid sya sa cottage at umakyat na rin ang dalawa para magbihis. Tutuloy sila mamya sa pubhousedahil niyaya sila ni Bret.

Nang hindi makita sina Fretzie at Tricia sa cottage, lumabas ulit si Devon at naupo nagpunta sa tabing dagat. Tinext nya si Sam na sunduin na lang sya sa seashore. Naupo sya habang nakatingin sa dagat. Walang anu-ano, may tumabi at naupo sa tabi nya. Nang tignan nya, it is James na nakangiti sa kanya. She gasped her breath dahil sa pagkabigla.

"Mind if I sit here." Sabi ng lalaki.

Nagpapakiramdaman sila. Walang gustong magsalita. 

"Do you like your stay here?" tanong ni James pagkaraan.

"Oo naman." She said with sincerity. "Maganda rito. Maganda ang lugar. Hindi pa rin ako makapaniwala na magtatrabaho ako rito for 5 months. Parang bakasyon lang." 

"Good! That's exactly what I wanna hear. That you're enjoying your stay." muli itong tumingin sa kanya.

Magsasalita pa sana ito ngunit nagring ang kanyang cellphone. Parang ayaw sagutin ngunit nang ayaw tumigil, sinagot nya rin.

"Yes, Ann." sagot nito sa tawag. Naririnig ni devon ang boses ng babae. "Yeah, see you then." Nang maibaba nito ang phone, tumayo na si James. "Aren't you coming yet? Malamig na." anyaya nya sa dalaga.

"I'm waiting for Sam and Patrick.. They knew that I am here." sabi nya rito.

Hindi na nakita ni devon ang biglang pagbabago ng expresyon nito dahil agad nyang ibinalik ang tingin sa dagat. Tinignan sya sandali ni James na tila may gustong sabihin ngunit hindi rin nya itinuloy. Though he doesn't want to leave Devon at that moment, he proceeded to go. Bumalik na sya to meet Ivan and Ann sa lobby yet feeling just so bad knowing Devon is actually waiting for Sam.

Nang makita sya nina Ivan at Ann, agad silang tumayo to meet him halfway dahil palabas rin naman sila.

"Where have you been James? You're letting this girl wait." biro ni Ivan at itinuro si Ann.

Bagamat wala sa mood, he apologized. Ann is wearing a very skimpy, tight short and a body-hug strapless tube. She's sexy but that's all. Then he thought of Devon. The woman was wearing a striped lady-polo and a black skinny jeans but why did he find her so desirable... he's easily turned on at the sight of her walking on the beach... She's gorgeous as her hair was blown by the air. Biglang nag-init ang pakiramdam but he immediately disregarded his thoughts. He needs a drink para mawala sa isip nya ang babaeng yun.

Sunday, January 9, 2011

CHAPTER 13

Maya mayay nagring ang cellpphone ni Devon. Tinignan nya muna si James na animo’y humihingi rito ng permiso para sagutin ang tawag. Tumango lang si James.
“Sam,” sagot ni Devon sa tumawag. Di na nito pinansin ang sandaling pagkunot ng noo ng kaharap.
“Bumaba na kami. Andito kami ni pat sa lobby. Hintayin ka na lang namin dito,” sabi ni Sam sa kabilang linya.
“Sige,” simpleng turan ni Devon saka nya ibinaba ang cellphone. Nang tignan nya si James, nakakunot-noo pa rin itong nakatingin sa kanya.
“Is he one of those guys you met at the port?” Hindi pansin ni Devon ang inis sa tinig ni James.
“Opo,” sagot ni Devon. Hinintay ni James na dagdagan pa nito ang sasabihin ngunit yun lang ang turan ng dalaga.
“Is he your boyfriend?” di na napigilang tanong ni James sa kanya.
Bagamat nagtaka si Devon sa tanong ng lalaki, umiling lang si Devon.
At hindi inaasahan ni Devon ang susunod na sasabihin ng kaharap. “Well and good. I thought he is. I saw that he hugged you or maybe it’s the other way around.” Casual lang na turan ng lalaki. Maang na napatingin rito si Devon ngunit pinili na lang nyang hindi magsalita.
“Aren’t you going to say something?” casual na tanong ulit ni James sa dalaga.
“Tapos na po ba ang meeting?” casual lang din na sagot ni Devon.
Bumuntong-hininga si James. “We will give you a 5-month probation. If you did a great job, you’ll be hired as a regular performer or you can claim the scholarship and study. Whatever is your choice. But if not, then you can’t have either,” pagpapaliwanang ni James.
Hindi na lang umimik si Devon. Hindi pa rin makapaniwala sa magandang oportunidad na naihain sa kanya kung kaya tatanggapin nya anumang sabihin nito. Tiwala sya sa kanyang abilidad at pag iigihan pa nya. Ang di nya matantya ay kung paano pakiharapan ang lalaking ‘to na minsan mabait minsan naman masungit.
‘Limang buwan..’ naisip ni Devon. Hindi naman matagal yun. At hindi rin naman siguro nya araw araw na makakasama ang lalaki. Owner ito ng resort at maaaring magiging abala ito palagi. Hindi nya pwedeng tanggihan ang napakagandang pagkakataon para mapabuti nya ang kanyang kunabukasan at maging ng kanyang pamilya.
“You may go now,” pagkaraa'y sabi sa kanya ni james.
Tumango sya sa lalaki at tumayo na si Devon. Mabilis itong nakalabas at dumiretso sa lobby. Nakita nyang naghihintay na doon sina Patrick at Sam. Nang makita sya ni Sam, agad sya nitong inakbayan.
“Gutom ka na ha bubble D,” nakangiting tanong nito. Ngumiti rin si Devon at tumango saka sila nagtungo sa restaurant. Hindi na nakita ni Devon ang mga matang nakasunod sa kanila. Sumunod ding lumabas si James kay Devon at nakita nito ang pag akbay ng lalaki kay Devon at ang matamis na ngiti ng dalaga rito. Pilit inaalis ni James sa isip nito ang nakita ngunit di nya maiwasang mainis sa nasaksihang pagiging malapit ng dalaga sa kaibigan nito.
----------------------------------------

Tinawagan nya si Bret at nasa restaurant pa rin ang mga ito kasama ang kaibigan at saka ang pinsan nito. Sinabi nitong puntahan sila sa restaurant. Hindi na nagdalawang isip pa si James. Sumunod sya sa restaurant. Nadatnan nya ang kanyang pinsan at ate Lorie na ang uusap. Samantalang kausap naman ni Bret si Ann. Ang dalawang assistants ng dalaga ay nakatingin sa isang mesa habang nagbubulungan. Nang sundan nya ito ng tingin, nakita nya ang dalagang kausap nya lang kanina habang nakaharap ang kaibigan nito sa kanya na tila may tinatanggal sa kanyang mukha ngunit kung titignan, parang hahalikan nito ang dalaga. Lalong nagpuyos ang kalooban ni James pagkakakita sa dalawa. Nang makita sya ni Bret, tinawag sya nito. Pumunta sya sa mesa ng mga ito. Bagamat ang isip ay nasa kabilang mesa, pilit syang ngumiti.


“I really like your place talaga. Very cozy din ang restaurant nyo. You must be a good manager.” Sabi ng kaibigan ni Bret na si Ann.
Ngumiti rin si James sa compliment nito. “Thanks!” simpleng sagot ni james. Nang makita sya ng kapatid at pinsan, lumapit na ang mga ito sa kanilang mesa. Lumapit ang waiter kay James ngunit di na sya umorder. Nawalan na sya ng gana. Nag usap sila ni Ivan tungkol sa byahe nito. Nang matanong nya ang tungkol sa kanyang ama, nagkatinginan sina Lorie at Ivan.. Hindi yun nakaligtas kay James.
“He’s fine,” simpleng sagot ni Ivan. Hindi na nagtanong pa si James. Kakausapin nya mamaya ang pinsan. Alam nyang hindi ito ang tamang lugar dahil may kasama silang ibang tao.
“I hope you’ll enjoy your stay,’ maya maya'y baling ni James sa mga bisita ni Bret.
“Sure we will. By the way, nakalimutang sabihin ni bret na gwapo pala ang kaibigan nya,” sabi ni Ann saka nito kinindatan si James.
“Oh! Talagang hindi ko sinabi kasi I don’t find him that good-looking,” biro ni Bret. Palabiro talaga ito. Nagtawanan ang lahat.
“He’s just so intimated that's why” game naman si James at sandaling nawala ang attention nya kay Devon. 
Lalong lumakas ang halakhak ni Bret.
“You think so bro?” Dinama ni Bret ang noo ni James. “DO you have a fever?” Lalong nagkatawanan ang grupo.
Napatingin dito ang mga customers kasama sina Sam. Devon, at Patrick.
‘MArunong din pala syang tumawa,’ sa isip ni Devon nang makitang tumatawa ang binata.
Nang mapansin ni Sam na nakatingin pa rin si Devon, tinanong nya ito.
“Kilala mo sila?”
“Ha?” nagulat si Devon. Nang tignan nya si Sam, nakatingin din ito sa tinitignan nya. “Ah! Siya yung nagmamanage ng resort. Siya yung owner. Yung nakared nablouse, si Ms. Lorie yun, kapatid nya at may-ari naman nitong restaurant.” paliwanag ni Devon.
“Ganun ba?” simpleng turan ni Sam. Tinawag na nito ang waiter at nag order. Pareho ang order nina Sam at Devon na Sweet Glazed Roasted Pork tenderloin samantalang Grilled chicken ang kay Patrick.
Masayang nagkukwentuhan ang magkakaibigan. Maya maya inaasar pa rin ng dalawa ang dalaga. nang maiserve ang kanilang order, masayang kumain ang mga ito. Nang mapansin ni Sam na may sauce sa gilid ng bibig ni Devon, inabot nito ang tissue at pinunasan. Nagkataong muling tumingin si James sa mga ito kung kayat muling bumangon ang paninibugho nito sa nasaksihan.


'And you said he's just a friend. How come you're that sweet,' naninibughong isip ni James.


Nagpaalam na sya sa mga kasama at sinabing hihintayin na lang nya ang mga ito sa conference hall para sa meeting. Hindi na nya hinintay pang magsalita ang mga ito at umalis na.
Pagkatapos ng ilang sandali, natapos na rin sina Bret kumain kung kayat bumalik na ito sa hotel kasama sina Ann at ang 2 assistants nito. Naiwan sina Ivan at Lorie at nagpatuloy sa pag uusap tungkol sa pamamahala sa resort.
Nang matapos kumain, ipinasyal niDevon ang dalawang kaibigan sa resort. Doon nila nakasalubong sina Ms. Lavander at Ms. Marissa.
“Devon, wag mong kalimutan yung meeting mamya. Kinausap na rin ni Ms. Lorie sina Fretzie at Tricia. They will join the meeting too. KAsama ka din.” Paalal ni Ms. Lavander saka umalis ang dalawa.
“Para saan ang meeting,” takang tanong ni Sam.
Dun na sinabi ni Devon ang naging usapan nila ni James.
“So you’ll be working here?” gulat na usisa ni Sam.
“Ang swerte mo Devz. Congratz.” Masayang bati sa kanya ni Patrick.
Ipinaliwanag nya sa mga ito ang 5-months na probation period.
“So ano’ng gagawin mo mag aaral ka ba pagkatapos?” tanong ulit ni Patrick habang tahimik lang na nakatingin si Sam sa kanila at malalim na nag iisip.
“Kung nagustuhan ang performance ko, may choice akong mag aral o magtrabaho bilang regular performer na. Hindi ko pa alam. Saka ko na lang pag iisipan siguro after 5 months.”
“Pero papayagan ka ba ng mama at papa mo?” tanong ni Sam.

“Insan, Masaya sigurado sina tita at tito.. Bihirang pagkakataon to. Akalain mo, magiging performer si Devz sa JAEVON resort. One in a million opportunities yun so di dapat palampasin ni Devz.” Sabi ni Patrick.
Hindi na umimik pa si Sam. ALam nyang ito na ang magiging katuparan ng mga pangarap ni Devon. Dapat maging masaya sya para sa kaibigan.
Matapos maglibot, bumalik na sa lobby ang tatlo. Makikijoin sya sa meeting samantalang aakyat muna ang dalawa at iidlip. Balak nilang magswimming mamayang gabi.
Nakita ni Devon si Ms. Marissa. Kinawayan sya nito at sabay silang pumasok sa confe hall. Nandun na rin sina Tricia at Fretzie. Umupo sya sa tabi ng babaeng naka yellow na may malaking ribbon sa ulo at kausap ang isang Amerikano. Samantalang nasa center seat naman si James at nakayuko at may binabasa. Nang dumating sina Lorie at Ivan, nagsimula nang ipakilala ni Ms. LAvander ang bawat isa. Unang ipinakilala si James roberts bilang General Manager ng Hotel at ang kapatid nito na manager ng JADE RESTO. Tumayo si Ms. Lorie at ipinakilala ang pinsan nilang si Ivan Donald bilang pansamantalang magiging OIC ng resort habang nasa America ang CEO. Nagpalakpakan ang lahat ng nandun maliban kay James at napansin ito ni Devon. Muling umupo si Ms. Lorie at muling tumayo si Ms. lavander para ipakilala ang bawat isa. Una nitong binanggit si Bret bilang assistant manager ng hotel, si Ann bilang event coordinator sa nalallapit na annual party ng resort, si Yen bilang manager sa pub house. Ganun din ang mga regular performers. Pagkaraan ipinakilala din sila ni Ms. Lavander bilang guests performers. Matapos maipakilala ang baat isa, nagsimula na ang meeting.