Sunday, January 9, 2011

CHAPTER 13

Maya mayay nagring ang cellpphone ni Devon. Tinignan nya muna si James na animo’y humihingi rito ng permiso para sagutin ang tawag. Tumango lang si James.
“Sam,” sagot ni Devon sa tumawag. Di na nito pinansin ang sandaling pagkunot ng noo ng kaharap.
“Bumaba na kami. Andito kami ni pat sa lobby. Hintayin ka na lang namin dito,” sabi ni Sam sa kabilang linya.
“Sige,” simpleng turan ni Devon saka nya ibinaba ang cellphone. Nang tignan nya si James, nakakunot-noo pa rin itong nakatingin sa kanya.
“Is he one of those guys you met at the port?” Hindi pansin ni Devon ang inis sa tinig ni James.
“Opo,” sagot ni Devon. Hinintay ni James na dagdagan pa nito ang sasabihin ngunit yun lang ang turan ng dalaga.
“Is he your boyfriend?” di na napigilang tanong ni James sa kanya.
Bagamat nagtaka si Devon sa tanong ng lalaki, umiling lang si Devon.
At hindi inaasahan ni Devon ang susunod na sasabihin ng kaharap. “Well and good. I thought he is. I saw that he hugged you or maybe it’s the other way around.” Casual lang na turan ng lalaki. Maang na napatingin rito si Devon ngunit pinili na lang nyang hindi magsalita.
“Aren’t you going to say something?” casual na tanong ulit ni James sa dalaga.
“Tapos na po ba ang meeting?” casual lang din na sagot ni Devon.
Bumuntong-hininga si James. “We will give you a 5-month probation. If you did a great job, you’ll be hired as a regular performer or you can claim the scholarship and study. Whatever is your choice. But if not, then you can’t have either,” pagpapaliwanang ni James.
Hindi na lang umimik si Devon. Hindi pa rin makapaniwala sa magandang oportunidad na naihain sa kanya kung kaya tatanggapin nya anumang sabihin nito. Tiwala sya sa kanyang abilidad at pag iigihan pa nya. Ang di nya matantya ay kung paano pakiharapan ang lalaking ‘to na minsan mabait minsan naman masungit.
‘Limang buwan..’ naisip ni Devon. Hindi naman matagal yun. At hindi rin naman siguro nya araw araw na makakasama ang lalaki. Owner ito ng resort at maaaring magiging abala ito palagi. Hindi nya pwedeng tanggihan ang napakagandang pagkakataon para mapabuti nya ang kanyang kunabukasan at maging ng kanyang pamilya.
“You may go now,” pagkaraa'y sabi sa kanya ni james.
Tumango sya sa lalaki at tumayo na si Devon. Mabilis itong nakalabas at dumiretso sa lobby. Nakita nyang naghihintay na doon sina Patrick at Sam. Nang makita sya ni Sam, agad sya nitong inakbayan.
“Gutom ka na ha bubble D,” nakangiting tanong nito. Ngumiti rin si Devon at tumango saka sila nagtungo sa restaurant. Hindi na nakita ni Devon ang mga matang nakasunod sa kanila. Sumunod ding lumabas si James kay Devon at nakita nito ang pag akbay ng lalaki kay Devon at ang matamis na ngiti ng dalaga rito. Pilit inaalis ni James sa isip nito ang nakita ngunit di nya maiwasang mainis sa nasaksihang pagiging malapit ng dalaga sa kaibigan nito.
----------------------------------------

Tinawagan nya si Bret at nasa restaurant pa rin ang mga ito kasama ang kaibigan at saka ang pinsan nito. Sinabi nitong puntahan sila sa restaurant. Hindi na nagdalawang isip pa si James. Sumunod sya sa restaurant. Nadatnan nya ang kanyang pinsan at ate Lorie na ang uusap. Samantalang kausap naman ni Bret si Ann. Ang dalawang assistants ng dalaga ay nakatingin sa isang mesa habang nagbubulungan. Nang sundan nya ito ng tingin, nakita nya ang dalagang kausap nya lang kanina habang nakaharap ang kaibigan nito sa kanya na tila may tinatanggal sa kanyang mukha ngunit kung titignan, parang hahalikan nito ang dalaga. Lalong nagpuyos ang kalooban ni James pagkakakita sa dalawa. Nang makita sya ni Bret, tinawag sya nito. Pumunta sya sa mesa ng mga ito. Bagamat ang isip ay nasa kabilang mesa, pilit syang ngumiti.


“I really like your place talaga. Very cozy din ang restaurant nyo. You must be a good manager.” Sabi ng kaibigan ni Bret na si Ann.
Ngumiti rin si James sa compliment nito. “Thanks!” simpleng sagot ni james. Nang makita sya ng kapatid at pinsan, lumapit na ang mga ito sa kanilang mesa. Lumapit ang waiter kay James ngunit di na sya umorder. Nawalan na sya ng gana. Nag usap sila ni Ivan tungkol sa byahe nito. Nang matanong nya ang tungkol sa kanyang ama, nagkatinginan sina Lorie at Ivan.. Hindi yun nakaligtas kay James.
“He’s fine,” simpleng sagot ni Ivan. Hindi na nagtanong pa si James. Kakausapin nya mamaya ang pinsan. Alam nyang hindi ito ang tamang lugar dahil may kasama silang ibang tao.
“I hope you’ll enjoy your stay,’ maya maya'y baling ni James sa mga bisita ni Bret.
“Sure we will. By the way, nakalimutang sabihin ni bret na gwapo pala ang kaibigan nya,” sabi ni Ann saka nito kinindatan si James.
“Oh! Talagang hindi ko sinabi kasi I don’t find him that good-looking,” biro ni Bret. Palabiro talaga ito. Nagtawanan ang lahat.
“He’s just so intimated that's why” game naman si James at sandaling nawala ang attention nya kay Devon. 
Lalong lumakas ang halakhak ni Bret.
“You think so bro?” Dinama ni Bret ang noo ni James. “DO you have a fever?” Lalong nagkatawanan ang grupo.
Napatingin dito ang mga customers kasama sina Sam. Devon, at Patrick.
‘MArunong din pala syang tumawa,’ sa isip ni Devon nang makitang tumatawa ang binata.
Nang mapansin ni Sam na nakatingin pa rin si Devon, tinanong nya ito.
“Kilala mo sila?”
“Ha?” nagulat si Devon. Nang tignan nya si Sam, nakatingin din ito sa tinitignan nya. “Ah! Siya yung nagmamanage ng resort. Siya yung owner. Yung nakared nablouse, si Ms. Lorie yun, kapatid nya at may-ari naman nitong restaurant.” paliwanag ni Devon.
“Ganun ba?” simpleng turan ni Sam. Tinawag na nito ang waiter at nag order. Pareho ang order nina Sam at Devon na Sweet Glazed Roasted Pork tenderloin samantalang Grilled chicken ang kay Patrick.
Masayang nagkukwentuhan ang magkakaibigan. Maya maya inaasar pa rin ng dalawa ang dalaga. nang maiserve ang kanilang order, masayang kumain ang mga ito. Nang mapansin ni Sam na may sauce sa gilid ng bibig ni Devon, inabot nito ang tissue at pinunasan. Nagkataong muling tumingin si James sa mga ito kung kayat muling bumangon ang paninibugho nito sa nasaksihan.


'And you said he's just a friend. How come you're that sweet,' naninibughong isip ni James.


Nagpaalam na sya sa mga kasama at sinabing hihintayin na lang nya ang mga ito sa conference hall para sa meeting. Hindi na nya hinintay pang magsalita ang mga ito at umalis na.
Pagkatapos ng ilang sandali, natapos na rin sina Bret kumain kung kayat bumalik na ito sa hotel kasama sina Ann at ang 2 assistants nito. Naiwan sina Ivan at Lorie at nagpatuloy sa pag uusap tungkol sa pamamahala sa resort.
Nang matapos kumain, ipinasyal niDevon ang dalawang kaibigan sa resort. Doon nila nakasalubong sina Ms. Lavander at Ms. Marissa.
“Devon, wag mong kalimutan yung meeting mamya. Kinausap na rin ni Ms. Lorie sina Fretzie at Tricia. They will join the meeting too. KAsama ka din.” Paalal ni Ms. Lavander saka umalis ang dalawa.
“Para saan ang meeting,” takang tanong ni Sam.
Dun na sinabi ni Devon ang naging usapan nila ni James.
“So you’ll be working here?” gulat na usisa ni Sam.
“Ang swerte mo Devz. Congratz.” Masayang bati sa kanya ni Patrick.
Ipinaliwanag nya sa mga ito ang 5-months na probation period.
“So ano’ng gagawin mo mag aaral ka ba pagkatapos?” tanong ulit ni Patrick habang tahimik lang na nakatingin si Sam sa kanila at malalim na nag iisip.
“Kung nagustuhan ang performance ko, may choice akong mag aral o magtrabaho bilang regular performer na. Hindi ko pa alam. Saka ko na lang pag iisipan siguro after 5 months.”
“Pero papayagan ka ba ng mama at papa mo?” tanong ni Sam.

“Insan, Masaya sigurado sina tita at tito.. Bihirang pagkakataon to. Akalain mo, magiging performer si Devz sa JAEVON resort. One in a million opportunities yun so di dapat palampasin ni Devz.” Sabi ni Patrick.
Hindi na umimik pa si Sam. ALam nyang ito na ang magiging katuparan ng mga pangarap ni Devon. Dapat maging masaya sya para sa kaibigan.
Matapos maglibot, bumalik na sa lobby ang tatlo. Makikijoin sya sa meeting samantalang aakyat muna ang dalawa at iidlip. Balak nilang magswimming mamayang gabi.
Nakita ni Devon si Ms. Marissa. Kinawayan sya nito at sabay silang pumasok sa confe hall. Nandun na rin sina Tricia at Fretzie. Umupo sya sa tabi ng babaeng naka yellow na may malaking ribbon sa ulo at kausap ang isang Amerikano. Samantalang nasa center seat naman si James at nakayuko at may binabasa. Nang dumating sina Lorie at Ivan, nagsimula nang ipakilala ni Ms. LAvander ang bawat isa. Unang ipinakilala si James roberts bilang General Manager ng Hotel at ang kapatid nito na manager ng JADE RESTO. Tumayo si Ms. Lorie at ipinakilala ang pinsan nilang si Ivan Donald bilang pansamantalang magiging OIC ng resort habang nasa America ang CEO. Nagpalakpakan ang lahat ng nandun maliban kay James at napansin ito ni Devon. Muling umupo si Ms. Lorie at muling tumayo si Ms. lavander para ipakilala ang bawat isa. Una nitong binanggit si Bret bilang assistant manager ng hotel, si Ann bilang event coordinator sa nalallapit na annual party ng resort, si Yen bilang manager sa pub house. Ganun din ang mga regular performers. Pagkaraan ipinakilala din sila ni Ms. Lavander bilang guests performers. Matapos maipakilala ang baat isa, nagsimula na ang meeting. 

4 comments:

  1. selos much naman c james! hahaha at parang may balak gawin c sam... dont tell me magtratrabaho din cya sa resort just to be w/ devon! charrr! joke lang pero pede rin kung gusto ng writer! hahaha

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  3. waaaaaaaaah!
    ano na kaya ang susunod na mangyayari??

    next chapter pls ;)

    ReplyDelete